Chapter 45

378 16 3
                                    

Venus POV

I guess everything will be okay, siguro 3 or 4 years magiging maayos na ang lahat.

Kitang kita ko kung paano nagsisisi si Kairus sa mga nagawa nya pero syempre, sino ba naman ako para hindi magpatawad?

Yung dating sobrang bigat na pakiramdam ko, ngayon gumaan na. Ang sarap pala sa pakiramdam na magpatawad kahit gaano pa kasakit ang ginawa nya sa iyo.

"Dito na lang po, pakihintay na lang po ako" wika ko sa aking driver.

Dala dala ang limang kandila at limang bulaklak, tinungo ko ang puntod ni mama, papa at ni lolo upang sindihan ang tatlong kandila.

"Ma, pa, lo baka hindi ko po kayo madalaw ng ilang taon..." panimula ko.

Naninikip ang dibdib ko habang kinakausap ang kanilang puntod. Siguro nga hindi ko pa talaga tanggap na wala na sila kahit gaano katagal na silang namayapa.

Pero ngayon alam kona na kaya ko, kaya ko ng tanggapin ang lahat at harapin ang mga ito dahil ayaw kong umalis na mabigat ang aking dinadala.

"...kailangan ko po kasing mag aral sa malayo, dahil sa sarili kong katangahan"

Gusto kong tumawa dahil naiisip ko na napakatanga kong tao pero nangingibabaw sa akin ang lungkot.

Iiwan ko ang lugar na ito, kahit alam kong panandalian lamang hindi mawala sa isip ko ang katotohanang iiwan ko nga talaga ang lugar na nalakihan ko.

Naaalala ko ang sinabi sa akin ni Ian, tama sya isa nga akong mang iiwan.

"Masyado po kasi akong nabulag sa pagmamahal, itong puso ko lamang ang pinakinggan ko at pinairal ko nakalimutan kong gamitin itong utak ko"

"Ma, pa, lo kahit na hindi ko po kayo mabisitan lagi nyo po sana akong gabayan pakiramdam ko kasi nag iisa na lang ako palagi, sige po sila jana naman po ang sisindihan ko baka magtampo din po kasi sya dahil aalis ako ng hindi nag papaalam sa kanya"

Inilapag ko ang tatlong bulaklak sa kani kanilang gilid at tinungo ang hindi kalayuang puntod.

"Jana, pasensya na kung hindi kita nadalaw ha" panimula ko sabay sindi ng dalawang kandila para sa kanilang mag-ina.

"Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko, kung hindi dahil sa akin baka..."

Kusang nahinto ang pagsasalita ko noong bumagsak ang aking luha.

"...baka buhay ka pa hanggang ngayon"

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magkwento sa harap nya.

"Simula noong mawala ka, nagalit sa akin sila Xav dahil pati si Maverick nacoma ng dahil sa akin. Doon ko lang napagtanto na ako pala talaga ang dahilan kung bakit nangyayari lahat ng to, kaya wala talaga akong karapatan para magreklamo kung bakit ako kinakarma dahil kasalanan ko naman lahat diba?"

Parang umurong ang aking dila, kabaliktaran naman ang aking mga luhang patuloy na umaagos, walang tigil sa pagbagsak.

Iniisip ko ngayon, kaya ko bang umalis?

Kapag ba lumayo ako at tinakbuhan ang lahat magiging maayos ito?

"Baka siguro kung nabubuhay ka ngayon paniguradong hindi ka nga magagalit ngunit pagsasabihan ako kasi napakatanga ko eh"

Inilinis ko muna ang ibabaw ng puntod nila ng kanyang ina bago inilapag ang dala dala kong bulaklak para sa kanila.

"Baka hindi kita madalaw ng matagal kaya sana wag kang magagalit sa akin, kailangan ko kasing mag aral sa malayo pero pangako babalik ako kapag maayos na ang lahat. Aalis na ako dahil mag papaalam rin ako sa iba lagi mong tandaan kung gaano ako nagpapasalamat sayo"

Tumayo ako at nagsimulang mag lakad palayo ng hindi lumilingon. Baka kasi bigla na naman akong rumupok at magdedesisyon na naman ng hindi pinag iisipan.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ang tatlo.

Huling paalam na itong gagawin ko bago ako aalis.

To: Samuel, Maureen, Chloe

Message: magkita tayo sa favorite coffee shop

Gusto ko silang kausapin, gusto ko lang makapagpaalam ng maayos.












"Lilipat na ako ng school, nailipat na ako ni kuya at ilang araw na lang aalis na ako" nakayukong wika ko.

Nahihiya kasi ako, isa pa alam kong babagsak ulit ng luha ko at ayaw kong makita nila iyon.

Kilala ko sila, alam nilang minsan lang akong umiyak at ang ayaw ko sa lahat ay magmukha akong mahina kahit ang totoo ay mahina lang naman talaga ako.

Hindi pa rin sila nagsasalita simula noong makapunta kami rito, para bang inaabangan lang nila ang bawat sasabibin ko.

"Sorry rin dahil tinago ko sa inyo, hindi sa wala akong tiwala sa inyo pero hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula" dugtong ko sabay buntong hininga.

Malaki ang tiwala ko sa kanila, alam kong hindi nila ako huhusgahan at pag sasabihan ng kung ano ano pero hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanila kahit alam kong susuportahan nila ako hanggang dulo.

"Wag kang mag-alala alam namin, sinabi sa amin ni Samuel. Matagal na naming alam kahit nung bago pa lang kayo, alam din naming wala naman talaga kayong label dahil dinaldal nitomg si Samuel" nakangusong wika ni Chloe habang nakaturo sa nagkakamot ulong si Samuel.

Hindi ko alam iyon.

Shocks!

Dinaldal nya?

"Pero ang totoo nagtatampo kami sayo kaso nga lang yubg tampong iyon natapalan ng pagmamahal namin kaya kinalimutan na rin namin iyon"

Nagulat ako noong bigla silang lumapit sa akin at sinalubong ako ng mainit na yakap.

"Hindi ka nag iisa, parati mo kaming kasama" ani ni Samuel.

"Kaya para lagi mo kaming kasama... TSARAANNN! sa UST na rin kami mag-aaral kaya don't worry naka transfer na rin kami start nung nalaman naming lilipat ka!" Masayang sambit ni Chloe sabay wagayway ng tatlong ticket.

"Pero syempre para lagi talaga tayong magkakasamang apat, nagpaalam kami sa kuya mo na doon din kami mag sstay sa bahay mo tutal isa ka lang naman doon"

Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa sinabi ni Maureen.

Anak ng...

Pero syempre mas nangingibabaw sa akin ang saya dahil hanggang huli dadamayan nila ako, at alam kong kahit anong mangyari hindi ako mag iisa dahil...

Kasama ko sila at yun ang tunay na kaibigan. Hindi ka nila iiwan kahit ano pang sakuna, kahirapan at kagipitan ang mangyari dahil parati silang nasa likod mo hanggang sa huli.

"Sama-sama tayong hanggang sa huli!"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon