Chapter 48

376 16 0
                                    

Venus POV

"Good morning ma'am, half day lang daw po ang pasok ngayon kakaconfirm pa lang pa sa taas kanina"

Half day? Bakit ngayon lang sila nag siinform? Tsaka bakit parang biglaan naman ata?

It's already 10:30, 1 hour na lang at uwian na. For sure didiretso sa bahay yung apat habang ako? Siguro sa mall na lang muna.

Nakakastress kahit last day ko na, kanina ko pa rin hindi mahagilap si Hades dahil may ipapagawa sana ako.

Kung kailan kailangan sya, doon sya wala.

"Bianca? Nakita mo ba si Hades?" Pahabol ma tanong ko bago sya umalis.

"Ang alam ko po absent kasi aalis daw po si boss" napatango na lamang ako at pinagmasdan syang umalis ng opisina ko.

Bakit naman aabsent yun? Ang alam ko personal driver ni boss ang maghahatid sa kanya at hindi kasama si Hades doon.

*tok*
*tok*
*tok*

"Pasok!" Ani ko habang nakatutok pa rin sa kahuli huling papel na nasa mesa ko.

"Ma'am ibibigay lang po sana namin to, gift po namin bago kayo umalis"

Pinagmasdan ko ang isang malaking kahong nilagay nila sa mesa ko.

Tumingin naman ako sa labas at napansing may mga kahong nakabalot rin sila Chloe.

"Thank you, nag abala pa kayo" nahihiyang wika ko.

Ngumiti naman silang lahat sa akin bago nagpaalam. "Sige po ma'am balik na po kami sa trabaho, ingat po kayo sa magiging byahe nyo" ani ni Tina.

Sa paglabas nila sa opisina ko doon na ako nagsimulang makaramdam ng kakaibang lungkot.

Kaya ko ba talagang umalis ulit? At mang-iwan sa mga taong nanatili sa tabi ko?

Nakakalungkot mang isipin pero kailangan. Yung problemang iniwan ko noon, yun na ang huling problemang tatakbuhan ko.

Natuto na ako kaya hindi lang ang puso ko ang papairalin at papakinggan ko kundi maging puso.

Sa mga sumunod na oras, wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan ang orasang nasa harap ko.

5
4
3
2
1

"Uwian na pala" wala sa sariling sambit ko.

Iniligpit ko na lahat ng aking gamit at inilagay sa isang karton.

"Mamimiss ko itong opisinang ito"

Pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng silid na ito bago lumabas.

This will be the last time na may iiwan ako. Magsisimula ako sa pagbalik ko.

"Goodbye ma'am, ingat po kayo" ani ng guard kaya ngumiti ako rito.

"Kayo rin po, mag-iingat po kayo"

Isang malalim na paghinga ang binitawan ko noong makapasok ako sa aking sasakyan. Kay higpit ng aking hawak sa manibela. Nauulit na naman itong aking nararamdaman. Halo halo, magulo at hindi maintindihan. May parte sa aking masaya dahil sa wakas makakabalik na ako, malungkot dahil aalis na naman ako at iiwan ang nakasanayan at malalapit na tao sa akin at ang pinakahuli naiinis ako hindi sa kanila kundi sa sarili ko mismo.

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang makapag adjust ng mabilisan, hindi ko alam kung paano ko nakakayanang mang iwan.

Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang nasa mall na pala ako. Parang kanina lang ay nag eemo emo pa ako.

"Si Hades ba yun?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan ang isang lalaki na parang wala sa sarili.

Mukhang galing lang sa pag iyak.

"Nanood ba ng sine ang isang yun? Anak ng! Kanina ko pa hinahanap ang mokong na iyon tapos malalaman ko lang na gumagala sa mall yun"

At talagang inuna nya pa ang panonood tapos magagalit dahil natataasan ko sya.

Umirap na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto kong maging peaceful ang mga susunod na araw ko kaya sana naman itong pahinga ko walang kaguluhan.

"Ice cream! Tama kakain na lang ako ng ice cream"

Gusto kong tawanan ang aking sarili noong makakita ako ng ice cream parlor. Comfort food ko talaga ang ice cream, isama mo pa ang marshmallow at chocolates.

"Cookies and cream po, yung special sana" natutuwang ani ko sabay turo sa menu ng special loaded cookies and cream ice cream.

Habang naghihintay, naramdaman ko ang pagtunog ng aking cellphone.

Chloe is calling...

Halos mapatampal ako ng noo dahil naalala kong hindi pala ako nagpaalam na hindi ako makakauwi.

["Hello? Venus? Venus? Hello?"] Malakas na pagkakasabi nya mula sa kabilang linya.

Baka nakaunlimited itong bruha na to, paulit ulit.

["Venus? Nasaan ka na? Bakit wala ka na sa opisina mo? Omg! Nakidnap ka ba? Venus? Hoy Venus nasaan ka na ba?"] Rinig kong dugtong nito na parang naiinis at the same time naiiyak.

Ang oa nya.

Nakarinig din ako ng mga mahinang tawa na paniguradong galing kila Maureen.

"Ang oa mo, nasa mall lang ako nakalimutan kong magpaalam" natatawang wika ko.

["Hoy! Tangna Samuel akin naa!"] Rinig kong sigaw ni Chloe.

Mukhang inagaw ni Samuel sa kanya ang cellphone.

["Enjoy ka muna dyan, uuwi na kami dahil mag aayos pa kami ng gamit byeee!..."]

Noong marinig kong pinatay nya na, saktong dumating ang order ko. Paniguradong minumura na sya ni Chloe kung nasaan man sila.

Knowing Chloe, maski utot nya alam ko.

"Here's your order ma'am, enjoy po" mahinhing ani nito sabay lapag ng aking order.

Halos mamangha ako noong makita kong loaded talaga ng toppings itong ice cream ko.

Imagine 7 and half years akong naririto pero ngayon ko lang nalaman itong ice cream parlor na ito. Sana pala noon pa, edi sana kapag diretso uwian namin noon, dito ako dumidiretso.

Kung kailan paalis na ako hmp!

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ice cream"

Halos maibuga ko ang kinakain ko noong bigla bigla na lamang umupo itong lalaking ito sa harap ko. Minsan ang sarap nyang tirisin at ilibing ng buhay. Para syang mushroom na sumusulpot kung saan saan.

"Tapos?" Wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko namang nagiba ang itsura nya sa sinabi ko.

"I'm being nice here tapos babarahin mo lang ako? Once in a blue moon nga lang ako maging mabait" masungit na wika nito sabay cross arm sa harap ko.

"What? I'm just asking you tapos then you're looking at me like you badly wanted to kill me using your eyes eh! Hindi kita binabara stupid!" Reklamo ko sabay irap.

"You sounded like nambabara kasi"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon