Chapter 50

414 15 0
                                    

Hades POV

-continuation of flashback-

Lahat ng requirements, papers at forms ay maaga kong inayos at pinasa. Nagreview ako, naghanda para sa darating na interview pero hindi ko alam na mababalewala lahat ng paghihirap ko.

Napatingin ako sa lahat ng mga mag aapply sa head, napakadami at habang pumapatak ang oras mas lalo akong kinakabahan.

"Next!" Rinig kong wika ng assistant ni papa.

Bigla na lamang tumayo ang isang babae dala dala nito ang isang brown envelope. Mukhang mas bata sya sa akin, ilang taon ko pa lang syang nakikita rito at ang alam ko pagdating sa malalaking projects sinasama sya upang tumulong, minsan nga ay sya ang kinukuhang engineer para sa ibang project.

Natatakot ako sa magiging resulta, baka iyon na naman ang maging dahilan para mas lalong lumayo ang loob namin ni papa.

"Good morning Engineer Alonzo, please proceed to the interview room" ani ng assistant ni papa pagkalabas na pagkalabas pa lang ng babae.

Nangangatog ang aking tuhod noong tunguin at pasukin ko ang conference room. Natatakot at kinakabahan ako.










"Diba ngayon daw yung labas ng result?" Rinig kong tanong ng nasa harapan ko sa katabi nya.

"Oo, tara puntahan natin mamaya, sino kaya yung maswerteng makakapasok? Sana mabait ang magiging head natin hindi katulad dati na dinaig pa yung prof ko nung 4th year sa sobrang sungit"

Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam ko amg kakaibang kaba habang tumatagal. Sa buong oras na iyon wala akong ginawa kundi magdasal.

"The result for head of engineering department is now posted in the bulletin board, let us all congratulate the new head of engineering department. You truly deserve that position" rinig kong announcement mula sa speaker.

Hinihiling ko sa mga oras na iyon na sana ako...

...ako ang nakapasok.

Now I'm asking myself, if ever na ako ang magiging head do I actually deserve it? Masusuklian ba nito lahat lahat ng paghihirap ko? Mamahalin na ba ulit ako ng papa ko?

Gaya ng iba, tinungo ko ang isang malaking bulletin board kung saan ipinapaskil lahat.

'Congratulation to our new head of engineering department, congratulations Engineer Venus Saldivar. You truly deserve this position'

Gusto kong umiyak, magalit, mainis at malungkot dahil sa nabasa ko. Halo halo na ang aking nararamdaman.

Don't I deserve that? Hindi ko ba deserve yun? Paano naman yung mga pagod at hirap na pinagdaanan ko makamit lang ito? Bakit sa iba pa napunta?

Venus Saldivar?

Hindi ba sya yung naunang babae sa akin noong interview? Ganun ba sya kagaling?

Mabilis akong umalis ng opisina noong makitang masaya sila habang kinocongratulate si Venus. Naiinis ako habang nakikita ang magandang ngiti nila. Ako dapat yun...

...ako dapat ang nandoon hindi ikaw.

"Bullshit!" Sigaw ko sabay hampas sa manibela ng saksakyan ko.

I hate her!

Bago lang sya pero bakit kailangang sya pa?

"Tangina naman! Napakamalas ko!" Galit na wika ko.

Gaganti ako.

Gagawa ako ng paraan para mapaalis ka.

Ako dapat ang bagong head at hindi ikaw!

-end of flashback-













Venus POV

Why do I feel sorry for him afyer hearing his story? Kasalanan ko ba?

"I'm sorry, look it's not my intention if I hurt your feelings or natapakan kita. Nag apply ako ng patas" ani ko.

"Alam ko, hindi na ako galit sayo dahil galit ako sa sarili ko. Siguro masyado lang akong nagpakain sa galit dahil yun lang naman kasi yung paraan para mang ok kami ng papa ko"

Napayuko sya matapos nyang magsalita.

Pakiramdam ko parehas kami pero magkaibang sitwasyon.

"Your father loves you so much, ikaw nga ang bukang bibig nya kapag magkasama kami siguro ay nahihiya lang sya. Go ask him and talk to him yourself, trust me he loves you more than anything"

Totoo lahat ng yun. Si Hades ang laging naaalala ni boss sa lahat ng bagay. Natatawa nga sya kapag naaalala nya lahat ng yun. Kitang kita ko sa bawat ngiti at mga mata ni boss na mahal na mahal nya si Hades.

"Baka pinapagaan mo lang ang loob ko kaya sinasabi mo yan" nakasimangot na saad nito saka sumubo ng ice cream.

Teka?

Ice cream ko yun ah?

"Hoy maduga ka! Ice cream ko yan! Ubos na ice cream mo!" Reklamo ko sabay layo sa kanya ng baso ko.

Aba!

Kunin nya na lahat sa akin wag lang ang ice cream ko!

"Damot" mahina ngunit sapat na para marinig ko ang reklamo nya.

"Bili ka na lang ng iyo" parang bata na wika ko.

Wala eh, pagusapang ice cream makikipagsapakan talaga ako.

Napasimangot syang nagorder ulit ng ice cream nya. Takaw!

Natapos kaming kumain hanggang sa napagpasyahan naming lumabas na ng ice cream parlor. Nakakahiya at baka doon pa maubos ang pera namin.

"May pupuntahan ka pa?" Tanong nya sa akin.

Ngayon ko lang nalaman na mabait naman talaga sya. Kaso mas lamang yung pagiging redflag nya. Parang ano lalaking redflag na medyo maginoo.

Ganun ang tamang description para sa kanya. Paiba iba din sya ng mood kaya nga nag iingat ako sa mha sasabihin ko dahil baka bigla na lang bumuga ng apoy itong kasama ko.

"Total last day mo na to, bilang sorry ko ililibre kita kahit saan mo gusto"

Napangiti ako sa sinabi nya. Gusto ko talaga yun, libre. Noong makita nya ang maganda kong ngiti, halos mapamura sya at nais bawiin ang sinabi ngunit agad na akong nagsalita.

"Sinabi mo yan ah? Doon tayo sa arcade" parang batang hinila ko sya patungo sa arcade na nasa 3rd floor.

"Arcade! Arcade! Arcade!" Halos magtatalon ako sa tuwa.

Huli ko na napansin na nakaholding hands pala kami habang paakyat pero ang mas hindi ko inaasahan ay makita ko sya rito.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Hades na ikinataka nya naman.

"Venus..."

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon