Chapter 39

406 13 1
                                    

Venus POV

Isang gabi lang din ang tinagal ko doon. Gusto nya man daw akong samahan pero may mga gagawin pa daw sya.

Lumipas ang gabi na puro kwentuhan ang nangyari, nagpapasalamat din ako sa kanya dahil kahit sandali lang naibsan at nakalimutan ko lahat ng sakit na dinadala ko.

"Mag-iingat ka sa daan ha?" Paalala nya.

Sabay kaming aalis ng lugar na to, baka daw kung anong mangyari sa akin kapag nag stay pa raw ako dito lalo na't masukal at hindi pa rin nya naayos ang lugar na ito.

Ang astig nga dahil hindi nya daw sinasadyang malaman ang lugar na to. Naligaw lang sya at nakita ang simbahan kaya nung nalaman nyang walang nakatira dito, inayos nya at pininturahan.

Paminsan minsan raw ay pumupunta sya dito para ayusin at pagandahin ang lugar.

Noong matanaw na namin ang labasan, magkaibang direksyon ang tinahak namin hanggang sa malayo na kami sa isa't isa.

Wala pa rin akong planong umuwi pero may alam akong lugar na pwede kong puntahan pansamantala.

Tinahak ko ang isang pamilyar na daanan ngunit bago pa man ako tumuloy, pumasok muna ako sa isang coffee shop. Wala pa akong umagahan dahil nagmamadali kami pareho ni Lucas mabuti na lang at may malapit na coffee shop sa pupuntahan ko.

"Good morning ma'am, what's your order po?" Tanong ng babae sa counter.

"Latte and also a slice of cheesecake"

Ngumiti naman ito sa akin, isang babae naman ang nag guide sa akin papunta sa isang bakanteng upuan sa may dulo.

How I miss being in a coffee shop pero kasama sya. Lalo na noong estudyante pa lang sya tapos sa isang coffee shop malapit sa school kami tatambay para mag-aral minsan.

"Here's your order ma'am, thank you"

Doon lang ako natauhan, napansin ko ring umiiyak na ako. Nakakahiya.

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang pagkain. Kahit anong gawin kong pagtakas sa problema, alam kong walang patutunguhan lahat ng yun dahil sa huli...

...ako na naman ang talo, ako na naman ang masasaktan at mas doble pa yun sa nararamdaman ko pero anong magagawa ko?

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain noong bigla na lang silang nagpatugtog sa loob.

Nananadya pa ata ang tugtog na yun. Para sa akin ba? Bakit parang natatamaan ako?

Alam ko na kahit saan tingnan

Talagang napaka gulong pagmasdan

Kasi iba ang pakiramdam ko sayo kaso

Kahit iparamdam ko di ka makaramdam

Kahit na pigilin ko feeling ko

Di na kayang burahin ka pa sa isip ko

Nakakatawa mang isipin pero tamang tama talaga ako sa bawat linya ng kanta. Magulong magulo, at yun ang mas nakapagpagulo ng buhay ko.

Masyadong komplikado ang lahat at kung iisipin, sobrang tanga ko dahil sa dinami dami ng pwedeng mahalin sya pa,...

...sya pa na guro ko, sya pa na ex ko, sya pa ulit. Ito kasing puso ko walang kadala dala, nasaktan na pero parang wala lang.

Simula sa unang pagkikita hanggang sa nagkakilala at di kalauna'y nagtagpo ang ating puso. Minahal at pinagkatiwalaan pero hindi ko alam na lahat ng saya ay may kapalit at hindi permanente.

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon