Chapter 21

591 23 4
                                    

Venus POV

"Ha?" Kunwari'y di ko alam ang pinagsasabi nya.

Yari!

Ang akala ko ay si Samuel ang tinawagan ko pero mukhang wrong number, at ang pinaka nakakatakot ay sa pinsan ko pa.

Nakita ko naman ang malaking ngisi ni Ian sa tabi. Kapal ng taong to! Sya kaya dahilan kung bakit ako napatawag sa wrong number pa.

Shuta!

Parang sinasabi pa ng isang to na 'deserve mo yan, pagtapos mo akong inisin kagabi'

"Venus wag kang magsisinungaling" Muhang seryoso na talaga sya.

Eto ang mahirap kapag may kuya ka eh, jusko napaka istrikto!

"Hindi ah! Ano kasi... magpapaturo sana ako doon sa plates, may nakalimutan kasi ako doon" kamot ulong sagot ko.

Jusko buti na lamang ay may palusot ako!

"May plates kasing pinapagawa yung guro namin kaya wala kaming pasok ng isang linggo" saad ko.

Mukha naman syang kumbinsido dahil sinabi ko sa kanya kagabi na wala kaming pasok. Hindi ko nga alam kung bakit pero mas masaya iyon. Plates lang ang pinapaggawa sa amin at wala ng iba, mahaba haba din ang pahinga ko dahil tapos ko na ang dalawang iyon.

"Kuya wala kayong pasok diba?"

Lahat ata kami sa bahay ay mga pawang walang pasok. Masaya kung may outing man lang o kahit pasyal lang.

"Hanggang kailan?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Isang linggo din, declared talaga ata yun"

Napatango lamang ako sa kanya at napatingin kay ate Rhian ng may ngiti sa labi. Alam na! Parehas kasi kami ng iniisip.

"Ayos iyon! Outing tayo, isang linggo" suggest nya kay kuya.

Alam naman ng lahat na hindi sya makakahindi, si ate Rhian na yan eh.

Muling tumingin sa akin si ate Rhian sabay kindat. Ayan ko gusto ko sa kanya, parehas kami lagi ng iniisip at isa pa sya lang ang kasundo ko kaya ayos na ayos.

"Sure! Saan ba!?"

Mas excited pa talaga ako sa kanila kaya pagkatapos na pagkatapos kong magsalita tawang tawa sila.

"Happy kayo?"

Sinamaan ko lang sila ng tingin at itinikom ang bibig. Kahiya lodi! Pero ayos na yun dahil mag oouting daw kami.






*tok*
*tok*
*tok*

Mula sa pagkakatulog ay naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok. Grabi yung katok ng kung sino man dahil gago napakalakas at kulang na lang ay sirain iyong pintuan ko.

Pagkatapos kasi naming mag usap usap kanina na sa reyes resort pa rin, sinabi ko sa kanilang matutulog na ako ulit dahil kulang talaga ako sa tulog, doon din muna kami mag sstay for this week kasi walang gagawin, sila manang naman ayon, naka day off sila ng 1 week rin syempre.

"Natutulog yung tao!" Sigaw ko sabay dukdok ulit ng mukha sa unan.

Akala ko ay aalis na ito ngunit isang malakas na katok muli ang ginawa nya kaya inis akong napatayo. Sabi nga nila inisin mo na ang lahat wag lang ang bagong gising.

"Aba't tara---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil isang lalaking nakangiti't kalmado ang bumungad sa akin sa labas.

"Tulog ka ba?" Inosenteng tanong nito habang may bitbit bitbit na gatas.

Anong trip ng isang to? Gatas? Sa tanghali?

"Para saan yan?" Takang tanong ko habang nginunguso ang gatas.

Nagulat ako noong bigla bigla na lamang nyang saluhin ang nguso ko. Shuta 1 point agad yun!

"Wag ka kasing basta basta ngunguso" nakangising saad nito habang iniaabot pa rin sa akin ang gatas.

"Tsansing ka ah!" Reklamo ko at pilit na sinasarado pero mas malakas sya sa akin.

Nagawa nyang makapasok sa kwarto ko ng walang kahirap hirap. Ibang klase!

"Yang kalandian mo ilugar mo ha! Siraulo to!"

Kamot ulong umupo ito sa aking kama. Kahit kailan talaga ay napakakapal ng mukha nitong lalaking to. Feel na feel nya talaga sa kwarto ko at walang ano ano ay umupo pa talaga sa kama ko.

Wow! Hindi ko kaya!

"Labas!" Seryoso at may awtoridad na utos ko rito.

Umiiling itong nakangisi at mas malala pa ay humilata na ito sa higaan ko.

Aba't sinusubukan ako ng mokong!

"Hoy tumayo ka nga dyan!"

Mukhang nawala na naman ang antok ko dahil sa inis sa lalaking ito.

Dumapa ito sa kama habang nagpapacute. "Tabi tayo" ani nito sabay beautiful eyes.

Akala mo naman k--- oo na gwapo na sya!

"Hindi! Lumabas ka na roon" wika ko sabay turo sa pintuan ngunit mas inihiga pa nya talaga ang sarili nya sa kama ko.

"Sisigaw ako rito!" Banta ko ngunit mas lumawak pa ang ngiti nito.

"Wala namang makakarinig sayo, kanina pa umalis sila ate dahil may bibilhin sila ni Kuya Joseph at sila manang at ang iba pa ay umalis na"

So ibig sabihin...

...dalawa lang kami rito!?

Gulat akong napatingin sa kanya habang sya'y nakangiti pa rin.

SOMEBODY HELLLPP!

Baka makagawa kami rito ng kababalaghan ng wala sa orasss!








Joseph's POV

"Ang dami mo namang binili" kamot ulong saad ko kay Rhian habang binibitbit lahat ng binili nya.

Ayos lang kung puro pang cosmetic eh pero hindi! Mukhang balak pa atang bilhin ang buong mall nito! Maliban sa mga pang skin care at make up nya, puro pagkain talaga ang binili nya.

"Wag kang magrereklamo, credit card ko ang ginagamit ko at tiga bitbit lang kita, ginusto mo yan kaya panindigan mo" saad nito sabay ngiti.

Parehas na parehas talaga sila ni Venus kaya hindi na ako magtataka.

"Papasok talata ako dyan?" Naguguluhang at kinakabahang tanong ko noong huminto kami sa tapat ng isang girl store.

Buti sana kung damit lang ang laman ng store nito pero hindi! Bra't panty at iba pang gamit ng babae.

"Aba sinong magbibitbit?" Tanong nya sabay bukas ng pintuan.

Ok! No choice na talaga ako kundi sumama sa loob.

Sa pagpasok namin sa loob ay puro magagandang baba--- este puro magaganda iyong tinda nila.

Napatingin ako sa grupo ng mga babae hindi kalayuan sa amin na nakatingin at kinikilig sa akin.

Ako pa! Sa gwapo kong ito? Sinong hindi kikili--- "Aray ko! Bakit ka nangungurot?" Reklamo ko kay Rhian.

Nakatingin lang sya ng masama sa akin habang sinusuri ako. Patay tayo!

"Saan ka nakatingin?" Tanong nito.

"Naghahanap lang naman ako ng bagay sayo" palusot ko.

"Ah! Naghahanap pala ha!"

Bigla na lamang itong umalis at iniwan akong mag isa.

Suyo time na naman!

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon