Chapter 19

636 25 2
                                    

Venus POV

"Anong balak mo para bukas? Diba wala kayong pasok?" Tanong nito sa akin habang nagdadrive.

"May plates kaming gagawin, iyon lang pero mamaya ko na sisimulan kaya baka mamayang 12 tapos na" sagot ko sa kanya.

Para kaming nagbalik sa dati, parang ganun na nga.

"Gusto mo tulungan kita?" Tanong nito sabay kindat sa akin.

Masyadong malakas ang epekto sa akin ng kindat na iyon. Parang gusto ko ng matunaw sa kilig.

"Ang gusto ko ayusin mo iyang pagdadrive mo hindi yung pakindat kindat ka pa" kunwari man ay naiinis ako ngunit ang ngiti sa aking labi ay hindi maiiwasan sa sobrang saya.

Bumabalik na ba kami sa dati?

Puso'y nagiging isa at kilig at nadarama.

"Kain tayo ngayon sa labas?" Aya nito.

Sira ba ang isang to? Si kuya pa naman ang nagluto.

"Pwede naman pero asahan mo ng nasa labas na mamaya lahat ng gamit natin, hindi ba sya nagtext sayo? Sya daw ang magluluto ngayong hapunan"

Napanguso naman ang isang ito. Kapag si kuya pa naman ang nagluto kailangan kainin mo. Istrikto sya pagdating sa pagsasayang ng pagkain dahil maraming magugutuman sa labas. Maswerte daw kami at dapat hindi mag aksaya.

"Edi kapag pinalayas tayo, edi lumayas na tayo itatanan pa kita" biro nito.

Kanina ko pa talaga syang gusto sapukin pero baka maging dahilan iyon ng disgrasya naming dalawa.

Mukhang magiging happy ending na tapos biglang crash ganurn?

"Pwede naman yun pero hindi ako sasama sayo kasi nga galit na ako sayo nun, isipin mo ikaw ang magiging dahilan ng pagpapalayas sa akin, aba!" Wika ko sa kanya at bahagyang napatawa

"Wag mong inguso yang labi mo, mukha kang pato" puna ko sa kanya.

Akala ko ay titigil na sya ngunit muli syang nagsalita.

"Ang gwapo ko namang pato tsaka ang sarap sarap kaya ng labi ko, diba?"

Mukhang nang aasar pa sya sa 'DIBA' nya. Anong gustong palabasin ng isang to? Aba! Medyo lang naman eh!

"Oh bakit hindi ka maka imik?" Nagsisimula na naman syang mang asar.

"Hindi naman kasi totoo, mas masarap pa kaya yung halik n------" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng bigla nyang itabi ang sasakyan.

"Aray ko! Magdahan dahan ka nga! Ikaw pala ang kaskasero ng sasakyan sa ating dalawa" reklamo ko habang nakahawak sa aking ulo.

Mukhang seryoso ang isang to.

Mula sa pagkakayuko ay unti unti kong iniangat ang aking ulo dahilan para magtama ang aming mga labi.

Ka-kanina pa sya nasa harap ko?

Napalunok ako ng wala sa oras habang hinahabol ang aking paghinga.

"Oh ngayon sinong may masarap na halik? Paki sabi nga sa humalik sayo na magtago tago na sya dahil kapag nahanap ko ang lintek na yun, tatanggalan ko kamo sya ng labi"

Mas lalo pa akong napalunok noong makitang seryoso ang kanyang mukha.

Nagbibiro lang naman ako!







Natapos na ang aming gabihang pagkain, lahat ay nasa kani kanila ng mga silid at mga pawang nagpapahinga maliban sa akin.

Akala ko nga ay tutulungan ako ng mukong iyon ngunit simula nung paghalik nya sa akin sa sasakyan, naging seryoso na ang gago.

Mukhang nauto ko ata, paniwalang paniwala ang sira!

Hindi nya na ako kinibo o dinapuan ang pansin kanina, pati yung mukha nya napaka cold!

Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Mula sa pagulong gulong sa kama ay napagdesisyunan kong gawin na lamang ang plates ko para naman mawala muna sa isip ko iyong halik na naman na yun!

"Sisimulan ko na lang iyong dalawa at baka matapos ko na ang lahat bago mag 12, irurush ko na lang, kaya ko naman iyon" saad ko sa aking sarili habang kinukuha lahat ng kagamitang aking gagamitin.

"Tama! Eto muna ang gagawin ko!"

Sinimulan ko munang iguhit ang una at inilagay ang ibang detalye sa gilid.

Hindi ko dapat makalimutan maski yung maliliit na detalye.

Alam kong kahit anong gawin kong pagkakabusy rito sa ginagawa ko ay kusa talagang pumapasok lahat ng scene na hinahalikan ako ni Ian.

Nakakahiya!

"Sabi ko hanggang 12 lang ako, bakit 1 na agad? Bakit parang ang bilis?" Takang tanong ko sa aking sarili matapos makita iyong oras.

Akala ko 12 ko matatapos lahat pero mukhang sumobra pa ako ng isang oras.

Yung isang oras ata na iyon ay puro pag iisip sa kanya. Paniguradong naglalakad lakad na ako sa panaginip nya't dinadalaw sya.

Bago ako bumaba ay inayos ko muna lahat ng gamit ko, ayaw ko talaga sa lahat ay makalat na kwarto. Gusto ko lahat ay maayos. Bata pa lang kasi ako ay tinuruan na ako ng tamang disiplina sa sarili kaso mukhang napasobra ata.

"Magagatas lang ako tapos matutulog na talaga ako" ani kong muli sa aking sarili.

Baliw na ata talaga ako dahil kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.

Sa pagbukas ko mg pintuan ay sya ring paglabas ni Ian mula sa kwarto.

Iisa lang ba kami ng isip? Dahil kung oo, mas doble pang kahihiyan ang aabutin ko.

Alam ko namang galit ang isang to dahil sa biro ko, naisip ko rin na wag muna syang kausapin kaya ako na mismo ang iiwas  sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

Seryosong tanong nito.

Natigilan ako mula sa mabilis na paglalakad.

Hindi naman ako lalabas ng bahay!

Naramdaman ko na lang ang paglalakad nya papalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin sabay lunok dahil mas naging seryoso ata sya.

Wala pa bang tulog ang isang to? O baka mainit lang talaga ang ulo nya.

Alam ko naman na hindi magandang biro yun pero ang angas nya naman para seryosohin iyon.

Lahat ata talaga ng bagay ay sineseryo nya. Ako kaya? Seryoso kaya sya sa akin? O kahit man lang sa lahat ng sinabi nya sa akin.

"Mag gagatas lang naman ako sa baba" mahinang sagot ko.

Para tuloy akong batang nahuli ng nanay na gising pa sa ganitong oras. Literal na gising kasi nga hindi pa ako natutulog.

"Hindi ka pa natutulog?" Tanong nito

Unti unti akong umikot para makira ang itsura nya. Wala eh gwapo sya kaya magandang view para sa akin.

Nakacross arm ang mukong at nakataas pa ang isang kilay. "Hindi pa" pabulong na sagot ko.

Nagulat ako noong bigla nitong hawakan ang aking kamay pababa.

"Then I'll make you some milk"

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon