Chapter 18

600 24 3
                                    

Venus POV

"Then hate us until you die" Maureen said with a big and insulting smirk.

Sobrang pula na ng mukha ni Elmira, kulang na lang ay sumabog sya sa galit. Mukhang wala pang bumabangga sa kanya maliban sa amin.

"Pagbabayaran nyo ito! I hate you all! Malalagot kayo sa professor nyo!" Sigaw nito bago tuluyang umalis.

"Edi isumbong mo! Samahan pa kita!" Sigaw naman ni Chloe saka tumawa ng napakalakas.

"Napakapalaaway nyo" natatawang saad ni Samuel sabay iling.

Nag apir naman ang dalawa dahil sa kagagahang ginawa.

Paborito talaga nilang makipag away.

"Taob pala sya eh! Magsusumbong pa daw HAHAHAHA tangina yan, parang batang inagawan ng candy eh!"

Nakikinig lang ako buong oras sa usapan nila dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali.

Bakit ba ako natatakot na isumbong ng babaeng iyon kay Ian?

Ganun ba talaga ang epekto nun sa akin? Dahil ako ba ang magmumukhang masama o ako ang mawawalan sa huli.

Napabuga na lamang ako ng hangin at pilit inaalis sa aking isipan lahat ng negatibong bagay.








"Ms. Saldivar are you listening?" Ms. Heydi asked with a serious tone.

Natauhan na lamang ako mula sa pagmumuni muni noong banggitin nito ang apilyedo ko.

"Po?"

"Nevermind, basta makinig ka at hindi matulog sa pansitan"

Tumango na lamang ako sa sinabi nito at pilit na itinutuon ang aking atensyon sa buong klase ngunit hindi ko kaya. Masyadong mabilis ang oras hanggang sa natapos na pala lahat ng klase ko.

"Kailan daw deadline nung plates natin?" Tanong ni Chloe habang inaalala lahat ng sinabi kanina.

Mukhang hindi rin sya nakikinig gaya ko.

"Next next week, dalawang plates iyon baka makalimutan mo pa" ani ni Maureen at pinitik sa noo ang pinsan.

Natawa ako sa kanilang dalawa noong maghabulan. Akala mo'y mga bata sa elementarya at hindi mga graduating sa koleheyo.

"Sa susunod na linggo ulit!"
"Kita kits!"
"Babyee! Mamimiss ko kayo kahit ilang araw lang HAHAHA!"

Sunod sunod na paalam nilang tatlo habang naglalakad palayo. Yung dalawa ay mag tataxi na lang daw at si Samuel nauna na sa akin dahil may gagawin pa daw sya.

Tinignan ko ang orasan at 4:30 pa lang naman. Maaga aga pa para umuwi. Dati rati naman ay maaga akong umuuwi, kapag alis sa school ay diretso bahay ngunit parang mas gusto ko munang mapag-isa knowing na magkikita pa kami mamaya ni Ian.

Sa mga sumunod na minuto nakita ko na lamang ang aking sariling nakaupo sa field habang pinagmamasdan ang pababang araw.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ng isang lalaki sa aking likuran.

Mukhang alam ko na kung sino ito.

"Magandang hapon po sir" bati ko sa kanya at iniyuko ng kaunti ang aking uli.

Natawa naman sya sa ginawa ko ngunit hinayaan ko na lamang sya. Mukhang hindi sya galit o kung ano pa man.

"Napakapormal mo naman ngaun, amo bang nakain mo huh?" Pang aasar nito ngunit pinilit ko na manahimik na lamang.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa damuhan at mulung nagmumuni muni. Hindi nya ba alam kung anong ginawa kong pamamahiya sa girlfriend nya?

"Anong iniisip mo?" Biglaang tanong mito sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Sinabi sa akin ni Elmira lahat..." gaya ko ay napaupo na rin sya sa damuhan at pinagmamasdan ang magandang kalangitan.

Sa tingin ko ay alam ko na ang sasabihin nya. Nadala na ako dahil noon ay mas kinampihan nya ang girlfriend nya kahit mali ito.

Ano bang laban ko doon? Girlfriend nya yun samantalang ako ay ex nya lang. Mas lamang pa rin sya dahil sya ang kasalukuyan at ako naman ang nakaraan.

Nakaraan na hindi na pwedeng ibalik.

"...pero sa pagkakataong ito narealize ko na nasa side mo pala ako at hindi sa kanya"

Muli nyang itinuloy ang sinasabi na syang ikinaginhawa ko.

Ang mga salitang kanyang binitawan ay may kakaibang dulot sa aking puso.

Kagalakan ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Wala na kami dahil nalaman ko na wala pala sa kanya ito..." saad nya sabay turo sa kanyang puso.

"...kasi isa lang naman yung taong kayang magpatibok nito"

Napatingin ako sa kanya noong muli nyang putulin ang sinasabi. Mula sa pagkakatingin sa kapangitan, unti unti nyang iginalaw ang kanyang ulo at ibinaling sa akin ang tingin.

"...at ang taong iyon ay walang iba kundi ang magandang babae sa aking harapan ngayon"

Sa pagkakataong iyon tila nagwawala na sa aking loob ang aking puso. Ang mga salitang kanyang binitawan ay ang dahilan ng kakaibang saya na aking nararamdaman ngayon.

"Kaya wala na kami ni Elmira" saad nito at ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang nakaayos ko na buhok.

Pagkatapos nun ay tumayo na sya sa kanyang kinauupuan at tinignan ang relo.

"5:00 na, halika na at uuwi na tayo" nakangiti nitong inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan upang tulungan akong tumayo.

Akala ko ay bibitawan nya na iyon noong makatayo ako ngunit mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak dito na parang ayaw nya ng pakawalan.

"Ngayon, sa akin ka na kumapit at hinding hindi na kita bibitawan pa kaya wag mo na rin akong bitawan pa"

Tumingin ako sa magkahawak naming kamay kamay at saka ngumiti.

"Hinding hindi na..."

To be continue...

My Ex Is My Professor (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon