Chapter 18

8.6K 223 3
                                    

Habang nagda-drive pabalik sa kanyang resort ay hindi mapigilan ni Rosario na isipin si Andrew. Di na rin niya mapigilan ang mga luhang tila nag-uunahan sa pagpatak. Nanlalabo na ang mga mata niya kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Tangina! Naloko ako ng gagong gwapong kumag na yun ah. Peste! Daig ko pa nabudol budol.. ang kaibahan nga lang.. puso ko ang nanakaw. Sheeet! Kainis. Itinigil niya muna ang kanyang sasakyan sa tabi para mahimasmasan muna siya kahit papaano. Bigla na lang siyang napahagulgol nang maalala ang mga pinagsamahan nila noon. "Tangina mong gago ka! Hahalik halik ka diyan, ikakasal ka na palang tarantadong hudas ka!" Isinandal niya ang ulo niya sa steering wheel at napatulala. "Bwisit ka.. sana nainform mo man lang ako na laru-laro lang to.. para naman nakapag-prepare ako.. di sana nag-P.E. Uniform ako." Nang makakalma na ay pinaandar na niya ang sasakyan at bumalik na sa kanyang resort upang makapagpahinga.

-------------------------------------
Saktong alas siyete na ng gabi nang magising si Rosario sa pagtulog niya. Ramdam niyang sumama ang pakiramdam niya marahil dulot ng pag-iyak niya hanggang sa makatulugan na niya ito. Dahan dahan siyang umupo upang kahit papaano ay maunat ang kanyang mga muscles. Nagulat pa siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot-noo pa siya nang makita ang pangalan ni Dion sa screen.

"Hello?"

"Ganda! Nasan ka na?"

"Anong nasaan na ako? Uh.. nasa kwarto ko?"

"Ah! Di ka pa rin tapos magpaganda? Maganda ka na sa paningin ko kahit nakapantulog ka pa."

Tiningnan niya ang kanyang sarili. "Magpaganda? Bakit? Anong meron?"

"Grabe naman, ganda! Wag mong sabihing nakalimutan mo na may date tayo ngayon?"

"Date? Tayo? Ngayon?"

"Ganda naman. Inulit mo lang yung sinabi ko eh."

"Ah.. pasensya ka na, Dion.. medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko eh."

"Anong nararamdaman mo? Gusto mo puntahan kita dyan ngayon? Ipagluluto kita ng kahit na anong gusto mo."

"Ikaw bahala. Text ko na lang sa'yo yung address. Sorry ulit ah.. medyo pagod lang talaga ako. O sige na. Bye." Pinutol na niya ang linya at tinext dito ang address ng kanyang resort. Nahiga uli siya sa kama at tumitig sa kisame. Now what? What will happen now, Rosario? Edi mag-move on ka na! Hindi naman ganun kadali yun.. Pero kailangan. You have to.. You need to.

Nagpasya siyang maligo at mag-ayos para naman hindi siya mukhang miserable pagdating ni Dion. Pagbukas niya ng kanyang cabinet ay nakita niya ang ilang mga couple shirts nila ni Andrew. Agad niyang isinara iyon bago pa siya maglupasay sa sahig at humagulgol na parang siraulo. Napabuntung-hininga na lang siya kasabay ng pagsilay ng malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. At least naranasan mong magmahal.. Naranasan mong maging masaya sa piling niya kahit sa maiksing panahon lang.. kahit isang saglit lang.

Upang mawala pansamantala ang kanyang mga iniisip ay nagpasya siyang mag-ikut-ikot muna sa kanyang resort. Doon siya sa hardin nagtungo at umupo sa isa sa mga wooden bench doon. Maaliwalas ang langit kaya naman kitang kita ang mga nagkikinangang mga bituin sa kadiliman ng gabi. Napapikit siya nang tumama ang malamig na hangin sa kanyang katawan. Wari'y tinatangay nito ang anumang hinanakit na nararamdaman niya. Sandali pa siyang pumikit at sinamyo ang preskong hangin ng gabing iyon. Nang maramdaman niyang may pumalibot na mainit na tela sa mga balikat niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang maamong mukha ni Dion ang tumambad sa kanya. Marahan nitong inayos ang coat nito sa kanyang balikat at umupo sa tabi niya. Nginitian muna siya nito at tumingala sa langit.

"Ang ganda ng langit, ano?" tila bata itong masayang pinagmamasdan ang mga nagkikislapang mga bituin. Napangiti na din siya at napatingala sa langit.

"Sobra."

"Rosario.."

"Hmm?"

"Maari bang umibig sa taong hindi mo pa halos kilala?"

Natigilan siya. "Ahm.." Biglang rumehistro sa isip niya ang maamong mukha ni Andrew. Hindi siya makapagsalita. Wala rin siyang maisip na maisasagot sa tanong na iyon.

"Kailangan ba kapag nagmahal ka.. kilalang kilala mo na siya?" Naramdaman niyang nakatitig sa kanya si Dion kaya naman nanatili siyang nakatingala sa langit.

"Para sa akin.. hindi naman mahalaga kung sobrang kilala mo na siya o hindi.. hindi naman dun nasusukat ang pagmamahal eh. Dahil makikilala at makikilala mo pa rin naman yan habang minamahal mo siya. Atsaka ang mahalaga napapasaya ka niya. Masaya kayo sa piling ng isa't-isa. Nagkakaintindihan kayo. Nagmamahalan. Yun. Yun ang mahalaga." Noon lang niya napansin na tumutulo na pala ang mga luha niya. Mapakla siyang tumawa at pinahid ang kanyang mga luha. "Pasensya ka na ah. Sa panunuod to ng mga koreanovela sa TV."

Nagulat siya nang masuyo siyang niyakap ni Dion. "Kung sino man yang kumag na yan na nagpapaiyak sa'yo ngayon. Ang sarap niyang ihagis sa bulkan. Isang katulad mo ang pinakawalan niya. Isang tulad mo na ang dali mahalin." Masuyong hinaplos nito ang kanyang buhok. "Ang tanga tanga niya.. sobrang tanga."

Napatingala siya dito. "Wala to. Nagdadrama lang ako."

Mapaklang ngumiti si Dion sa kanya. "Magtatapat na sana ako sa'yo ngayong gabi. Kaso mukhang may nagmamay-ari na ng puso mo."

"Ma-magtatapat?"

Tumango ito at masuyo siyang hinalikan sa noo. "Opo. Magtatapat ng pag-ibig sa isang magandang dilag na katulad mo."

Napakunot ang noo niya. "Pero.. bakit ako?"

"Bakit hindi? Maganda ka. Mabait. Matalino. Matulungin. Napapasaya mo ako. Nasa iyo na ang lahat ng katangiang hinahanap ng mga lalaki sa isang babae. Hindi ka mahirap mahalin."

Napatungo siya. Pero bakit siya.. hindi niya ako kayang mahalin?

"Hey.." Itinaas nito ang kanyang baba upang matitigan ang kanyang mukha. "Kung sinuman yang gagong yan na nanakit sa'yo.. He lost a diamond. A very expensive and precious one." Masuyong hinaplos nito ang kanyang mukha habang nakapagkit ang malungkot na ngiti sa mga labi.

She can't help but hug Dion. She never expected a guy would be this.. gentle and romantic even with a broken heart. Kahit nasaktan niya ito ay patuloy pa rin siya nitong kino-comfort kahit mismo sarili nitong puso ay wari'y sugatan din.

"Thank you, Dion.. and.. sorry.."

"Asus! Wala yun. Malakas ka sa akin eh. Atsaka nakakatsansing na din ako ngayon sa taong mahal ko. Aba! Rakk na ituuu!"

Hindi niya napigilan na tumawa at hampasin ito sa braso. "Puro ka talaga kalokohan!"

Nagulat siya nang tumunog ang cellphone nito. "Excuse me lang, ganda." Tumayo ito at sinagot ang tawag.

Napabuntung-hininga siya at tinitigan ang nakatalikod na si Dion. Bakit nga ba sa maling tao pa ako nahumaling? Hindi na lang kay Dion? Dun sa alam kong seseryosohin ako.. Bakit dun pa kay.. sa taong yun?

Nagulat siya nang biglang sumulpot sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Dion. "Ganda! Para gumaling ang sugatan kong puso.. samahan mo naman ako sa isang gathering na pupuntahan ko bukas. Biglang dating kasi sa bansa yung magulang ng kaibigan ko eh. Minsan lang umuwi yung mga yun. Samahan mo ako ah. Ayokong walang kasama kasi baka sabihin nila dead kid ako."

"O sige. Wala naman akong gagawin bukas eh. Anong oras ba yun?"

"Talaga? Sasamahan mo ako? Yes! Mga 6pm kita susunduin dito. Wag ka masyadong magpaganda ah. Baka kasi lalo akong ma-fall sa'yo." Natawa siya nang kumindat pa ito.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now