Extra Chapter

16.5K 370 40
                                    

A/N: Hi! Hihi. Extra patikim sa mga upcoming characters sa next series ko entitled 'Black Stallion'. Mga junakis naman nila ang bibida rito. Yes naman! Pero tatapusin ko muna ang Golden Ridge Series bago ko umpisahan ito. Hehehe. Say hello to the triplets.

Media: Andrew, Rosario, the triplets nung baby pa sila and Ariadna Thalia Zurine. Enjoy reading!

MARAHANG pumasok siya sa kwarto ng kanyang anak na si Mavy. Mahinang natawa siya nang nakabukas ang dalawang laptop nito. Ang isa ay para maka-Skype ang matalik na kaibigan nitong si Theon at ang isa naman ay gamit nito sa paglalaro ng games.

"Malapit na matapos yung character na binibuild ko. Nga pala, bro.. si Blinking Star.. kamusta na?" nakatutok pa rin ang mga mata nito sa laro habang si Theon naman ay nakafocus sa PSP nito.

"Why don't you ask Tita Skye? Torpe ka kasi. Anyway, natapos mo na yung homework?"

"Maya maya. Tapusin ko lang to."

"Ay oo nga pala, Mavs.. ay langya nadead ako!" mahinang napapalatak si Theon na nasa kabilang linya.

"Ano yun?" kunot noo na baling rito ng anak niya.

"Tsk. The china doll is back."

"You mean.. yung crush mo? Yung anak ni.. sino nga yun?"

"Yung anak ni Tito Ulysses and Tita Marie Rose." malalim na napabuntunghininga ito.

"Oh, nang-aasar ka na torpe ako. Tiklop ka rin pala. Ano na gagawin mo?" nakangising sagot ng anak niya.

"Mom's here. Baka pingutin ang tenga ko. Gagawin ko pa yung research ko. Ciao, bruh!" kumaway ito sa camera at bigla na lang nawala sa linya.

Mahinang tumikhim siya. Napalingon si Mavy sa kanya at malapad na ngumiti. "Hi, maganda kong Mommy!" magiliw na bati nito sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Oops! Baka madurog ang baby sis ko. Maging amazona." ngisi nito habang nakatingin sa medyo maumbok niyang tiyan. "Hi there, baby sis. Si Kuya Mavy to. Ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo.. dahil ako ang huling lumabas sa aming triplets." natatawang hinaplos nito ang tiyan niya. "Labyu!"

Mahinang pinisil niya ang pisngi nito. "You should do your homework now, Mavy."

"Yes, mom. Gagawin ko naman na talaga. Tinanggal ko lang ang antok ko." nakangising sagot nito. "Mom, I want to be a pilot."

"Pilot? Sure. Alam mo naman na susuportahan kita kahit maging macho dancer ka pa." natatawang iling niya.

"Hay naku, mom. Hindi malayong mangyari yan sa ganda ng katawan ko. Pero magiging piloto na lang ako. Kasi maraming magandang flight attendant. Odiba!" proud na sabi nito sabay malawak na ngumiti.

Napailing siya. "Siraulo ka talaga. Dahil lang pala sa mga babae."

"Sila Maqui and Mason nasaan?" tukoy nito sa mga kapatid nitong katriplets nito.

"Mason is inside the library reading some book. Si Maqui naman kasama ng Dad mo sa office talking about business."

Napailing ito. "Walang ginawa ang dalawang yun kundi mag-aral. Walang fun sa katawan."

Pinisil niya ang pisngi nito. "Do your homework ang sleep. Baka malate ka nanaman bukas."

Malapad na ngumiti ito. "Yes, maganda kong Mommy. Tell Dad na sa akin ipamana ang Velencoso International Airport. Mag-aaral muna ako ng Business Management bago ako maging piloto. Para cool." nanggigigil na niyakap siya nito. "Love you, mom!" malutong na hinalikan siya nito sa pisngi.

Natawa siya. "Oh siya. Goodnight na! Matulog ng maaga, okay?"

Tumango ito at inihatid siya sa pinto ng kwarto niya. "Rest ka na, mom. Baka lumabas si baby na nakasimangot at lagi kang pagod." he chuckled.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now