Chapter 11

10K 247 2
                                    

Nagising si Rosario sa isang malaking silid na pawang amoy.. hmmm.. lalaki? Napakunot ang noo niya. Teka.. nasaan ba ako? Hindi naman ito ang kwarto ko sa Pakil.. Tumingin siya sa labas ng bintana. Umaga na pala.. Napakamot siya sa ulo. "Aray! Anak ng--" Natigilan siya nang may biglang gumalaw sa tabi niya. Omg! Ano yun? Wag naman po ahas! Omg! Lord! Gusto ko pa pong mabuhay nang matiwasay sa mundong ibabaw. Huhubells. Naramdaman niyang may mga brasong pumulupot sa kanyang baywang. Napasinghap siya. Oh. My. Gee! Did I just sleep with someone?! Bakit wala akong maalala?! Omg! OMG! Nagulat siya nang bigla siya nitong kabigin paharap dito. Naramdaman niyang may damit siyang suot. She sighed in relief. Diyos ko! Akala ko naman may nangyari! Pagkatingala niya ay nakita niya ang payapang mukha ni Andrew. Nanlaki ang mga mata niya. Andrew?! Bakit napunta dito si Andrew?! Teka! Teka! Calm down.. kailangan mong alalahanin ang mga nangyari.. hmmm.. okay. Una, nagpunta ako sa karinderya ni Manang Flor. Inayos ko yun. Second.. bumalik ako ng resort para maligo. Sunod naman nakita ni Dion ang sugat ko kaya ginamot niya. Tapos kumain kami. And then naglakad lakad kami sa hacienda. Nakita kong namula ang mga pisngi ni Dion kaya niyaya ko siya sa silong. Tapos nun.. ano nga ba? AH! TAMA! Naramdaman kong may matigas na bagay na tumama sa ulo ko.. then.. baaam! Andirito na ako ngayon katabi ni Andrew.. Paano nga ba napasok si Andrew sa istorya? I have no idea. Atsaka ano ang ginagawa niya dito?

Narinig niyang may kumatok sa pintuan kaya isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ni Andrew at nagpanggap na tulog. Naamoy niya ang pang-lalaking pabango nito. Hmm.. ang bango naman.. Polo Blue. Very manly. Naramdaman niyang hinaplos pa nito ang buhok niya. Napasiksik siya lalo sa katawan nito. Nakarinig siya ng dalawang boses na tila nagkakasiyahan. May liwanag din siyang naaninag pero saglit lang iyon. Narinig niyang tahimik na sumarado ang pinto. Napatingala ulit siya kay Andrew. Damn! He looks so peaceful when he's asleep. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Hay.. wala sa loob na hinaplos niya ang mukha nito. Napangiti siya. Hmm.. ang kinis ng balat. Ang gwapo pa! Mabango pa! Aba! Saan ka pa? Hay.. makapaghilamos na nga at nang makaalis na. Maingat niyang tinanggal ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya at mabilis na nagtungo sa banyo. Tiningnan niya ang mga kagamitan doon. Puro pang-lalaki.. this must be his room. She shrugged it off. She washed her face and then pat it dry with a towel. Inayos din niya ang kanyang magulong buhok. Nagmumog at nag-mouth wash na rin siya. Paglabas niya ay tulog na tulog pa rin si Andrew. So cute and fluffy! Inayos niya ang pagkakakumot nito at masuyong hinaplos ang buhok nito. Napangiti siya.

Pagkalabas ng kwarto ni Andrew ay sinalubong kaagad siya ng malakas na hangin na nanggagaling sa bukas na bintana sa hallway. Agad na sinara niya iyon nang magsimula nang umulan. Agad siyang bumaba sa unang palapag, doon ay naabutan niya ang mag-asawang Alfonso at Corazon. Tila nagtataka ang mga ito nang bumababa siya.

"Magandang umaga ho, Lola at Lolo. Pasensya na po sa istorbo na naidulot ko sa inyo." hinging paumanhin niya sa mga ito.

"Wala iyon, hija. Hindi ka na iba sa amin." nakangiting wika ng Don.

"Siya nga pala! Nagugutom ka na ba?" agad siyang iginiya ng ginang sa komedor. "Ang aga mo namang magising."

"Ayos lang po ako.." umupo siya ng maayos sa hapag katapat ng mga ito. "Eh siya nga po pala.. ano hong nangyari sa akin?" mahinang tanong niya sa mga ito.

"Hay naku! Kasalanan ng magaling kong apo! Sinusubukan niyang sungkitin iyong bunga ng mangga sa puno. Ayun! Nang hindi makontrol ay sa ulo mo tumama. Buti na nga lang at nandirito si Dion at natingnan ka kaagad. Mabuti na lang at wala naman daw masamang nangyari sa iyo." napabuntung hininga ito.

Natigilan siya nang mapagtanto ang sinabi ng Don. "Teka ho.. apo? Apo niyo ho si Andrew?" nanlaki ang mata niya nang ngiting ngiting tumango ang dalawang matanda.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now