Chapter 1

31.7K 419 2
                                    

Nakapangalumbaba si Rosario sa lobby ng private resort niyang Tesoro del Rosario na nakatirik sa Tagaytay City. Kakatapos lang niyang ipatayo ito isang linggo na ang nakalilipas. Maganda at payapa ang atmosphere doon sapagkat overlooking ang view ng Taal Volcano at Taal Lake. Saktong sakto para makapagmuni-muni at makapagpahinga.

Napagpasyahan niyang ipatayo ito gamit ng naipon niyang pera sa pagtatrabaho sa Tossa de mar, Catalonia, Spain bilang interior designer. Doon siya pinanganak at doon din siya nag-aral hanggang high school. Napagpasyahan ng pamilya niyang bumalik sa Pilipinas upang doon na manirahan pagkatapos niyang maka-graduate ng high school. Sa Pilipinas na din siya nag-aral at kumuha ng kursong Interior Design.

Pagkatapos gumraduate ay bumalik siya sa Spain upang doon magtrabaho at mag-ipon para sa binabalak niyang negosyo pagbalik niya sa bansa. She took a lot of part time jobs para din matustusan ang pang-araw araw niyang gastusin. Ayaw niya na kasing umasa sa mga magulang niya. Mula sa pagiging barista sa cafe, paglilinis ng kotse, cashier sa fast food chains at pagmo-mop ng sahig sa isang mall ay kinaya niya. She loves to earn things her own kahit pa may kaya naman ang pamilya nila. Mahirap man ang pinagdaanan niya ay kakayanin basta hindi siya maging pabigat sa magulang niya.

Nang makilala ang ilan sa mga masugid na customer niya sa pinagtatrabahuhan niyang cafe ay may naging parang guardian at pamilya na din siya. Yun ay si Andres Velencoso Sr. Isang matipuno at mayamang may katandaan nang lalaki. Ito ang kausap niya araw araw at parang tatay na ang turing niya dito. Ipinakilala din siya nito sa asawa nitong si Ursula. Isang matangkad at magandang babae na kahit may kaedadan na rin ay elegante pa rin tingnan. Doon niya nalaman na ang mag-asawa ay may dalawa pala na anak na kasalukuyang nasa Pilipinas upang asikasuhin ang mga negosyo nila.

Nang malaman nila na Interior Design ang kinukuha niyang kurso ay hindi na nag-atubili ang mga ito na kunin siya para madisenyuhan ang hotel na pagmamay-ari ng mga ito. Simula noon ay hindi na siya nahirapan sa paghahanap ng iba pang trabaho dahil marami agad ang kumuha sa kanya upang mag-design ng mga bigating hotel at restaurants sa iba't-ibang panig ng Espanya dahil sa impluwensiya ng butihing mag-asawa. Nagustuhan nito na hindi siya nagtitipid sa mga materyal na ginagamit at hindi rin siya nagsasayang ng pera. Sabi pa nga nito na iha-hire daw siya ulit kapag may ipapatayo ulit itong branch sa iba't-ibang panig ng mundo.

Pagkatapos ng ilang taon ay bumalik na ulit siya sa Pilipinas para simulan na ang binabalak na Private Resort. At iyon nga ang Tesoro del Rosario na ang ibig sabihin ay Rosario's Treasure. Itinuturing niyang kayamanan ito sapagkat ito ang kauna-unahang negosyong naipundar niya gamit ang kanyang sariling sikap at pera. Medyo may kalakihan ang lupang binili niya. Doon niya inilaan ang lahat ng ipon niya. Hindi siya nagtipid sa mga materyal na gagamitin at siya pa mismo ang kasa-kasamang bumili ng mga materyal sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Mula sa kaliit liitang detalye ay pinagtutuunan niya ng pansin dahil gusto niyang maging successful ang kauna-unahang negosyo niya. Balak pa nga niyang magtayo pa nito sa iba't-ibang panig ng Pilipinas kapag nakaipon na ulit siya.

Muntik na siyang mapatalon nang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nakitang si Aya, isa sa pinakamalapit niyang kaibigan.

"Hello?" walang ganang sambit niya sabay buntung-hininga.

"Hoy! Anong hello? Kanina pa kami andito sa Sheeny Pink." mataray na patutsada nito. Ang Sheeny Pink na tinutukoy nito ay ang Spa and Nail Salon na pag-aari nito.

"Bakit? Anong meron? Kumpleto kayo diyan?" Napakunot ang noo niya. Wala siyang naalalang lalabas sila ngayon.

"Hoy babaeng puro negosyo ang nasa utak! Mag-iisang oras na kaming andito nila Pam at Zsan! Ikaw ang nagpatawag sa amin dito. Ang sabi mo pa may importante kang sasabihin sa amin. Nasaang lupalop ka ba ng Earth ha?" Natutop niya ang kanyang noo. Damn. Oo nga pala. Bakit ba kasi ako natulala dito? Tumingin siya sa relong pang-bisig niya at napailing. Alas tres na ng hapon at hindi pa siya nakakain kahit almusal. Tsaa pa lang ang dumaan sa bituka niya.

"Nasa Tagaytay pa ako. Nagsu-supervise ako ng mga tauhan dito. Meet me at Hanashoubu. 7pm sharp andyan na ako. Sorry nakalimutan ko. Masyado kasi akong busy eh. Alam mo naman next month bubuksan na 'tong Tesoro." Napabuntung-hininga ulit siya sabay pikit ng mata. Ang Hanashoubu na tinutukoy niya ay ang Japanese restaurant ng kaibigan niyang si Zsannen.

"Fine! Pasalamat ka at malakas ka sa amin! Paano ba yan hindi ka na nakapag-relax? Bakit ba kasi hands on ka masyado diyan eh? Hindi na tuloy namin nasisilayan ang kagandahan mo. Eww!" Natawa na lang siya sa mga pang-aasar nito. Napahikab siya nang dumampi ang preskong hangin sa kanyang mukha.

"Oo na. I owe you and the gang a lot. Hayaan niyo free kayo mag-stay dito as long as you want kapag natapos na ito. Wag na lang pala baka malugi kagad ako. Ang tatakaw niyo pa naman." Lihim na napangiti siya. Oh how I miss you all. Narinig niyang nagreklamo sa kabilang linya ang kanyang mga kaibigan.

"Kuripot ka kasi no! O siya magpahinga ka naman! See you later!" At ibinaba na nito ang linya.

Ilang linggo na din silang hindi nagkikita ng mga kaibigan niya. Naging busy din kasi siya sa iba pang mga nagpapa-design sa kanya ng mga bigating hotels at cafe's sa Manila. Fully booked na nga siya til next month.

Narinig niyang kumalam ang kanyang sikmura. Napaungol siya. Baby naman. Wala naman ganyanan. Kaunting tiis pa. Nagpasya siyang bumalik na sa Maynila. Nagpaalam siya sa mga trabahador at sinabing babalik siya bukas upang siguraduhing maayos ang takbo ng lahat.

Nang hindi na niya matiis ang gutom ay iniliko niya sa isang fast food chain ang sasakyan at humanap ng parking space. Umibis siya ng sasakyan at dumiretso para mag-order. Tahimik na pinagdarasal niyang wag sana marinig ng kaharap niya ang pag-aalburoto ng kanyang tiyan. Gosh! Kaunti na lang. Kaya mo yan! Nakapila na oh! Wag ka naman magpahalata. Bakit ba kasi ako natulala kanina ng ganoon katagal? Ugh!

Noon lang niya napansin ang matandang lalaki na nagpipigil ng tawa sa tabi niya. Namula ang mukha niya. This is so embarrassing! Sa sobrang hiya niya ay hindi niya napansing siya na pala ang susunod sa pila. Agad siyang um-order at umupo sa isang tabi.

Sinisimulan na niyang lantakan ang kanyang pagkain nang may umupo sa harap niya. Napahinto sa ere ang kanyang kinakain nang masilayan ang matandang lalaki na nasa harap niya. He seems familiar.. Saan ko ba nakita tong matandang to? Pilit na inaalala niya kung saan ba niya ito nakita nang magsalita ito.

"Hija. Dahan dahan lang at baka naman mabilaukan ka diyan." Napangiti siya nang ngumiti ito. Sabay nagkamot ito ng ulo. "Pasensya ka na pala kanina ah. Napagtawanan kita. Kasi naman hija yang mga alaga mo sa tiyan eh ang lakas magwala. Rinig hanggang kabilang barrio." Hindi niya mapigilang matawa sa patutsada nito.

"Huwag po kayong mag-alala, lo. Kayo lang naman po ata ang nakarinig eh. Atsaka hindi ko po kasi napakain ang mga alaga ko kaya ang lakas magwala." Tinapik pa niya ang tiyan niya. Umaliwalas ang mukha nito at biglang sumimangot.

"Dapat kumakain ka sa oras, hija. Mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon. Hindi ka dapat nagpapagutom. Aba'y wala ka bang nobyo na mag-aalaga sa'yo?" Malumanay na sambit nito.

Napakamot siya sa ulo. "Eh. Wala ho, lo. Atsaka kaya ko naman po ang sarili ko eh. Hindi ko na ho kailangan ng mag-aalaga sa akin." Napangiti pa rin siya kasi parang kung mag-usap sila ay para silang mag-Abuelo.

"Hay nako, hija. Ay siya nga pala. Ano ngang ngalan mo?" wika nito habang inaayos ang sumbrero nito.

"Rosario ho, lo." Kahit ayaw niya ng pangalan niya ay eto pa rin ang ginagamit niya.

Biglang may nagsulputang mga lalaking nakasuot ng suit at lumapit sa table nila at bumulong sa matandang nasa harap niya. Humarap ito sa kanya. "Hija. Kailangan ko nang mauna at may mga aasikasuhin pa ako. Kumain ka nang tama sa oras ah. Wag kang magpapalipas ng gutom." Nakangiting saad nito.

"Opo, lolo. Mag-iingat po kayo." Nakangiting sambit niya. Kumaway pa ito habang pasakay ng sasakyan nito. Sumunod sa sasakyan nito ang mga lalaking mukhang bouncer na sakay din ng itim na sasakyan.

Nagmamadaling tinapos na niya ang pagkain dahil baka maabutan pa siya ng rush hour at ma-traffic papuntang Manila.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang