Chapter 12

10.3K 262 1
                                    

Nagpaalam na sila ni Andrew kila Don Alfonso at Donya Corazon. Pagkalulan nila sa sasakyan ay mas lalo pa yatang lumakas ang pagbuhos ng ulan. Si Andrew na ang nagprisintang mag-drive para daw makapagpahinga siya. Binuksan niya ang radyo para kahit papaano ay mawala ang kakaibang tensyon sa pagitan nila.

Breaking news, mga kababayan! Kasalukuyang nananalasa ngayon sa bansa ang bagyong Juling. Kaya naman mas mabuting sa bahay na lang kayo ngayon para maiwasan ang disgrasya. Aba! Mahirap na! Wag nang isugal ang buhay, kabayan! Tayo'y mag-ingat. May mga daan na ding baha at hindi na madaanan ng mga sasakyan. Kanselado na ang pasok sa Bulacan, Cavite, Laguna at Metro Manila. Kapapasok lang na balita.. ayon sa ating source ay..

Biglang nawalan ng signal ang radyo. She groaned. Natawa naman si Andrew.

"Come on! Cheer up. Makakauwi ka rin." he smiled at her. She pouted sulkily while looking out the window. Napabuntung hininga siya.

Kinuha niya ang bag sa back seat at kumuha ng bubble gum. Tumingin sa kanya si Andrew at ngumanga. She tilted her head. "What?"

"Penge! Daya naman! Hindi lang naman ikaw ang taong likha ng Diyos." he pouted cutely while still looking at her. Natawa siya at sinubuan ito ng isa. "Thank you." he mumbled softly. Aww.. such a cutie patootie.

"Ugh! Ang traffic naman!" Hindi niya mapigilang sambit nang hindi man lang umuusad ang sasakyan nila nasa Laguna proper na sila.

Halos isang oras na yata silang nakahinto doon. Unti-unti nang nagsisiatrasan ang mga sasakyan sa likuran nila.

"Dito ka lang. I'll check what's up." Andrew said while unbuckling his seatbelt.

Inabot niya dito ang towel na nakuha niya sa bag. "Itakip mo sa ulo mo. Mahirap na magkasakit."

"Salamat." Nakangiting inayos nito ang towel sa ulunan nito at umibis ng sasakyan.

Ilang sandali pa ay bumalik din ito. Natawa siya. "Mukha kang basang sisiw."

Napasimangot ito. "Baha na daw sa mga dadaanan natin." napabuntung hininga ito.

"Pasensya ka na ah. Nadawit pa kita sa kalokohan ko." wika niya habang tinutulungang magpatuyo ito. Pinatay na niya ang aircon ng sasakyan para hindi na ito lamigin. Masuyong tinuyo niya ang ulo nito. Their eyes locked. A blush crept her cheeks. Napangiti naman ito. She cleared her throat. "Paano na 'to? Baka hindi na rin tayo makabalik sa Hacienda."

He shrugged. "May nadaanan tayong hotel kanina. Pwede nating patilain ang ulan at mag-stay muna doon."

"Good idea. Kaysa naman pilitin nating sumuong sa baha." tiningnan niya ang basang katawan nito. Shet na malagket! Bakat ang maskels niya! "Atsaka para makapagpalit ka na din ng damit. Baka magkasakit ka pa." she folded the wet towel and placed it inside a plastic bag.

"Sus! Gusto mo lang akong pagnasaan eh!" ngiting ngiting asar nito sa kanya. "Aminin mo na kasi! Pagnasaan mo na ako hangga't basa pa ang katawan ko--" naputol ang pang-aasar nito nang humatsing ito. Natawa siya. She wiped his nose with her handkerchief.

"Mang-aasar na lang magkakalat pa ng virus sa sasakyan ko." nakangiting pangungutya niya dito.

He pouted while driving. "Pero seryoso ako. Sige lang pagnasaan--" isang mataginting na halakhak ang pinakawalan niya nang humatsing nanaman ito.

"Shut it! Just drive." iling iling na wika niya habang pinupunasan ang ilong nito.

Pagdating sa hotel ay isang kwarto na lang daw ang natitira. At pang-isahang tao lang. Halatang medyo sumasama na ang pakiramdam ni Andrew kaya naman agad na niyang kinuha ang kwarto at inalalayan itong makapasok doon. "Stay here. I'll just buy you clothes and food to eat. Mag-shower ka na para pagkabalik ko magbibihis ka na lang." bago pa man makapagreklamo ito ay kaagad na siyang umalis.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now