Chapter 7

10.9K 265 7
                                    

Andrew's POV

Kasalukuyan siyang kumakain sa isang Japanese restaurant na nagngangalang Hanashoubu. Masarap ang mga pagkain doon. Paborito kasi niya ang tempura at mochi. Napatingin siya sa entrada ng restaurant nang may pumasok na isang maputi at petite na babae. Siguro mga nasa 5'2 ang tangkad nito. Siguradong magmumukhang bubwit ito kapag nagkatabi sila sa height niyang 6'4. He finds her cute kahit pa mukhang pasan nito ang daigdig. Akala pa niya ay nginitian siya nito kaya naman gumanti siya ng matamis na ngiti na minsan lang sa isang milenyong mangyari. Yun pala ay napangiti ito sa ingay na nagmumula sa private room. Baka mga kaibigan nito ang mga maiingay na babaeng iyon. Nag-order ito ng sa tingin ko ay pang-10 taong pagkain at nagbayad. May sinabi pa ito sa waiter at talaga namang nagpa-cute pa ang kutung lupa sa babae. Halata namang hindi napansin iyon ng babae at kaagad na nagtungo sa loob ng private room. Naririnig pa niya ang pag-aasaran ng mga ito. Nagpasya siyang umalis na dahil baka ma-traffic pa siya pauwi. Maiksi pa naman ang pasensya niya.

Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kanyang kotse ay kaagad naman nag-ring ang cellphone niya. Nakita niyang ang Kuya Andres niya ito. Inilapat niya ang kanyang bluetoooth earpiece sa kanang tenga niya atsaka sinagot ang tawag.

"Kuya. Napatawag ka?" minsan lang tumawag ang Kuya niya kaya naman ay siguradong importante ito.

"Meet me at Velencoso Grand Hotel. Doon tayo sa office ko. May ipapakiusap sana ako sa'yo." wika nito sa kabilang linya.

"Okay. Be there in 20." tinanggal na niya ang earpiece at pinaharurot ang kanyang pulang sports car.

Pagkarating na pagkarating niya ay pumasok kaagad siya sa opisina ng kuya niya ngunit wala siyang naabutan doon kung hindi isang note na nagsasabing..

Bro, may emergency lang kila Cherry. Pasensya na. Matulog ka na lang sa kwarto ko. Bukas na tayo mag-usap ng tanghali. Mag-order ka ng kahit na ano. My treat.

Andres

Napabuntung-hininga siya. Kung hindi lang importante ay talagang aalis na siya. Kaya naman kinuha niya ang susi ng kwarto ng kuya niya na iniwan nito sa ibabaw ng note. Agad siyang pumasok sa loob ng elevator nang bumukas iyon. Akala niya ay walang laman iyon ngunit nakita niya ang magandang babae kanina na nakita niya sa Hanashoubu. Lihim siyang napangiti. Maganda naman pala siya sa malapitan. Pero sobrang payat niya. Kumakain pa kaya 'to? Mukha namang may kaya sa buhay.. He kept on memorizing her face, every intricate detail, every mole, every flaw. He liked everything about her face. It looks like a puzzle. It fits perfectly with each and every part of her. She doesn't seem to notice dahil mukhang pagod na pagod ito. One thing is for sure.. he will surely make this girl.. his.

Kinaumagahan ng mga bandang alas otso ng umaga ay nag-gym kaagad siya para naman kahit papaano ay mabatak ang mga muscles niya sa katawan. Hindi naman siya nage-ehersisyo araw-araw but he makes it to the point na at least three times a week para naman hindi masyadong masira ang schedule niya.

Nang nakitang alas nuebe na ay agad siyang pumunta sa kwarto ng kuya niya at agad naligo. Humiram muna siya ng isang navy blue suit, nag-spray din siya ng pabango para naman gwapong gwapo na talaga siya at agad na bumaba. Baka kasi hindi niya maabutan ang babae kagabi. Baka kasi mag-check out na ito. Gusto pa naman niyang malaman kahit pangalan nito. Habang naga-almusal ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang maamong mukha nito. Mukha itong anghel. Nakakatunaw ng puso ang mga ngiti nito. Hindi naman ito masyadong kagandahan na maaring ipanghanay sa mga modelo pero may kakaibang karisma at aura ito na siguradong kukuha sa atensyon mo. Ang mga singkit na mata nito, ang hindi katangusan na ilong nito, ang maputlang mga labi nito, ang mga namumulang pisngi nito, ang maputla ngunit makinis nitong balat... Teka.. parang wala namang maganda sa sinabi ko? Whatever! Basta maganda siya! She's perfect to me. Sana lang wala pa itong nobyo..

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now