Chapter 21

9.8K 254 0
                                    

Napahiyaw siya nang madaganan ni Andrew ang braso niya pag-upo nito sa kama.

"Aray, Andrew!" pinalo niya ang braso nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Andrew. "Rosario? Ayos ka lang?" agad itong umupo sa tabi niya at masuyong hinawakan ang braso niya.

"Ang sakit kaya! Wagas ka kasi kung makadagan!" masuyong minasahe nito ang braso niya.

"Pasensya na." pinagpatuloy nito ang ginagawa nito ngunit nanatiling nakatitig sa kanya.

"What?" nakasimangot na tanong niya rito.

"I'm so sorry.." sinserong sabi nito at masuyong hinalikan ang kanyang kamay.

"For what?" nakakunot noong tanong niya rito.

"For everything.. sa hindi pagpaparamdam sa'yo.. sa pananakit ko sa'yo." masuyong hinaplos nito ang mukha niya. "Hindi ko kasi alam ang nararamdaman ko noon sa'yo. Naguluhan ako masyado. Akala ko.. akala ko kasi wala lang yung nararamdaman kong kaba kapag andyan ka.. akala ko wala lang na napapangiti mo ako kahit wala kang ginagawa.. akala ko wala lang.. sabi ko sa sarili ko kahit isang linggo lang.. isang linggo lang na hindi kita kausapin.. magiging okay na uli ako. Babalik na ako sa dati. Ngunit yung mga gabing lumipas na hindi kita tinetext o kinakausap ay wala rin akong ibang iniisip kung hindi ikaw. Yung mga halik mo.. mga yakap mo.. yung mga ngiti mo, yung pag-aalaga mo sa akin.. yung mga maliliit na bagay na ginagawa mo.. yung amoy mo.. Puro ikaw. Lahat yun hinahanap hanap ko sa'yo. Sinubukan ko namang kalimutan ka eh.. pero hindi ko magawa.. sinubukan ko.. nagtatrabaho ako bente kuwatro oras.. nagwo-workout ako kahit alas dos na ng umaga.. halos ako na nagbubukas at nagsasara ng kumpanya.. pero tama nga sila. Habang sinusubukan mong kalimutan ang isang tao.. patuloy pa ring babalik at babalik ang mga alaala na magkasama kayo. Kasi Rosario.. hindi kita makalimutan eh. Na at the end of the day.. ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap hanap ko. Nasanay na kasi ako sa presensya mo eh. Pasensya na ah. Ngayon lang kasi ako nakadama ng ganito." malungkot na ngumiti ito. "Nasaktan ako kanina nang makita kong magkasama kayo ni Dion.. sobra. Hindi nga ako makagalaw kanina eh. Sa sobrang kaba at lungkot. Kasi yung babaeng hindi mawala sa isipan ko ng isang linggo ay nasa harapan ko na. Ayan na yun eh. Kaso kasama na ng iba. Oo. Mahirap siguro na makalimutan ka kasi tumatak ka na dito eh." tinuro pa nito ang dibdib nito. "Nakataga ka na ata rito eh. Pero kung sa kanya ka masaya.. handa akong magparaya. Subukan lang niyang saktan ka! Iuuntog ko siya sa pader para malaman niya kung gaano ka kahalaga." nagulat siya nang yakapin siya nito.

Hindi niya napigilan ang maluha. "Gago ka pala eh." pinagpapalo niya ang braso nito. "Tangina mo, Andrew. Ang manhid manhid mo! Isang linggo akong nangulila sa'yo. Akala ko pa nga fiance mo si Amor. Nadatnan ko kasi siya sa mansyon nila Lolo. Wala akong ginawa kung hindi umiyak nang umiyak. Akala ko niloko mo lang ako. Tarantado ka pala eh. Hindi naman kami ni Dion!" napahagulgol na siya.

Natigilan si Andrew. "Wait.. what? What do you mean.. hindi kayo ni Dion?"

Wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. "Pucha naman, Andrew! Walang kami! Hindi kami! Ano ba! Paulit ulit? Unli unli?"

Marahang pinunasan nito ang mga luha niya. Nakangiti na ito ngayon. "Bakit hindi mo agad sinabi? Ang dami ko pang sinabi kanina. Naman oh, Rosario."

"I want to hear you explain.. why.. why you left me hanging. Ni wala ka ngang sinabi kung ano ba talaga ako sa'yo. And you didn't even contact me. Iniwan mo ako ng ganun ganun na lang. I was getting ready to let go of the memories of you.. pero.. pero nakita kita kung kailan handa na sana ako. Kaso nakita nanaman kita kaya ayun.. nahulog nanaman ako sa patibong mo.. nahulog nanaman ako." tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Andrew dahil nahihiya siya sa mga pinagsasasabi niya. Nahihiya siyang aminin ang nararamdaman niya para dito.

He gently caressed her face and lovingly stared at her. "Wag ka nang umiyak, mahal ko. Hindi na kita iiwan pang muli. Hindi na ako aalis. Hinding hindi na." nakangiting hayag nito.

"Pangako?" masuyong hinaplos niya ang mukha nito at tinitigan ito nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat.

"Pangako, mahal ko." nakangiting hinalikan siya nito sa mga labi.

"Mahal na mahal kita, Rosario." he stared at her as if she's the most beautiful woman in the world.

"Mahal na mahal din kita, Andrew.." nakangiting niyakap niya ito.

"AHHHHHH! HINDI KO NA KAYA ITO, ANDRES! KINIKILIG NA AKO NG SOBRA. AATAKIHIN NA YATA AKO SA PUSO." narinig niyang sigaw ni Mommy Ursula niya sa may pintuan.

Napatingin sila ni Andrew sa isa't-isa nang makita sila Dion, Andres, Amor, Lolo Alfonso, Lola Corazon, Daddy Dre at Mommy Ursula niya sa may pintuan at pinapanuod silang dalawa.

Napayakap siya kay Andrew. "Hala! Nakakahiya!"

Natawa naman ito. "Anong nakakahiya dun? Gusto mo ipagsigawan ko pa sa mundo na mahal kita eh."

Tiningnan niya ito. "Sige nga! Gawin mo nga!"

Inilapit nito ang mukha nito sa kanya at bumulong. "Mahal na mahal na mahal kita."

"B-Bakit sa akin?" namumula na ata ang buong mukha niya.

"Anong bakit? Eh ikaw ang mundo ko eh." wika nito sabay kindat.

Pinalo niya ito sa braso. "Siraulo ka talaga." natawa na rin siya.

"Yan ang anak ko!" tuwang tuwang sabi ni Daddy Dre.

"Ano ba yan! Lahat may partner, ako wala!" nakalabing wika ni Dion.

Natawa si Andrew. "Wag ka mag-alala, pare. May mga kaibigan itong si Rosario. Ihahanap ka niyan. Di ba, mahal ko?" hinalikan pa siya nito sa sentido.

She can't help but blush. "Oo naman! Ikaw pa ba, Doc?" nakangiting wika niya.

"Hay.. mga kabataan nga naman.. kapag nagmahal nakakagood vibes." wika ni Lola Corazon.

Niyakap naman ito ni Lolo Alfonso. "Natatandaan ko tuloy nung sinagot kita. Patay na patay ka sa akin nung araw."

"Heh! Magtigil ka diyan, Alfonso! Ikaw ang patay na patay sa akin diyan! Naglayas ka pa nga at nakitira sa kuwadra para lang hindi ka mahanap ng mga magulang mo." nakangiting wika ni Lola Corazon. "Pero minahal kita kahit amoy tae ka ng kabayo, Alfonso. At kahit maging amoy lupa ka pa. Hindi ako titigil na mahalin ka."

Napangiti siya at niyakap si Andrew sabay bulong. "May forever.."

Natawa naman ito at hinalikan siya sa mga labi na agad naman niyang tinugunan.

"Ehem! So.. kailan ang kasal?" tanong ni Daddy Dre.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now