Chapter 9

9.1K 222 2
                                    

Media: Yung picture ay si Dr. Dion Fidel. Gwapo ba? Hahaha

"Rosario." wika nito habang masuyong hinahaplos ang kanyang sugatang kamay.

It was none other than Dion Fidel. Isa ito sa mga nakausap niya sa Golden Ridge Village sa Antipolo at naghatid sa kanya sa main office.

"Dion.. anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong niya dito.

"I asked you first. Sagutin mo muna ako. What happened to your hands?" nag-aalalang tanong nito.

Napalunok siya. "Kasi.. naghabi ako ng anahaw. Hindi ko namalayan na nasugatan na pala ako." Narinig niyang nagbuntung-hininga ito.

"You should be careful next time. I don't want you getting hurt." he genty caressed her face with his free hand his other hand still holding her wounded hand.

Masuyong inalalayan siya nito para maupo sa isa sa mga upuan sa karinderya. "I'll be back. I'll just get my first aid kit. Don't move." iyon lang ang sinabi nito atsaka umalis na.

"Kilala mo pala si Dion, hija." nakangiting sabi ni Manang Flor.

"Nung isang gabi lang po. Doon din po kasi siya nakatira sa village na gusto kong pagpatayuan ng bahay." sagot niya dito.

"Bakit hindi mo naman sinabi na nasaktan ka pala kanina sa paggawa ng Anahaw, hija?" nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya.

"Ayos lang ho ako. Wag na ho kayong mag-alala sa akin. Malayo ho 'yan sa bituka." she assured the old woman with a smile.

Umupo si Dion sa harap niya at agad na sinimulan ang paggamot sa sugat niya. "Mag-iingat ka na sa susunod para hindi ka na masaktan." mariing wika nito habang ginagamot ang sugat niya.

"Opo, doc." asar niya dito. Kumunot ang noo nito. "Oh! Smile ka na para pogi ka na. Dali na! Ayieh! Ngingiti na yan." she even tickled his sides. Halatang nagpipigil lang ito. "Ngiti na kasi! Dali na, doc!" ngumiti siya nang pagka-tamis tamis. Ilang sandaling napatigil ito sabay ngiti habang iiling iling. "Ay! Ang gwapo naman kapag ngumingiti!" napasinghap siya nang medyo nadiinan nito ang pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat niya. "Ouch naman, doc. Mathaket eh." nakalabing wika niya.

"Sorry na. Ikaw kasi eh. Ang likot likot mo." masuyong hinaplos nito ang kanyang kamay pagkatapos ibenda ito.

Tumikhim si Don Alfonso sa likod nila. Agad na kinuha niya ang kamay kay Dion. "Pasensya na at nakakaistorbo ako sa inyong dalawa, mga anak." nakangiting wika nito. Napansin niyang namula ang mukha ni Dion. Napangiti siya. Cute!

"Hindi naman, 'lo. Nasaan ho si Lola Corazon?" tanong niya dito.

"Nagpapahinga doon sa balkonahe, hija. Medyo sumama ang pakiramdam. Kaya naman ipinatawag ko itong si Dion para agad na matingnan si Corazon. Mukha namang ayos na siya. Nilalantakan na yung hinog na mangga eh." nakangiting wika nito.

Natawa siya. "Ang tindi talaga ni Lola."

"Sinabi mo pa!" nakangiting sabi ng matanda. Bigla itong napakunot noo. "Teka.. hija.. Kilala mo si Dion?"

Napatingin siya kay Dion. "Ah. Opo, 'lo. Magiging magkapit-bahay na ho kasi kami a few months from now."

"Ah! Akala ko nama'y may namamagitan sa inyo. Gusto ko pa naman na makilala mo ang apo ko. Gwapo yun, hija. Masungit nga lang." natawa ito.

"Hala! Andirito na lang din naman kayo ay kumain na kayo!" wika ni Manang Flor habang hinahanda ang pagkain sa harap niya. Noon lang siya nakaramdam ng gutom.

"Wow! Nilaga! May patis ho ba kayo diyan, 'nang?" nagniningning ang mga mata niya habang tinititigan ang pagkain sa harap niya.

"Aba'y oo naman! Sandali lang at ikukuha kita." agad naman itong kumuha ng patis sa kusina.

"Salamat, 'nang!" nakangiting wika niya habang naglalagay ng patis sa platito. Sinimulan na niyang lantakan ang pagkain sa harap niya nang napansin niyang tahimik sa paligid. Pag-angat niya ng tingin ay pinanunuod siya ng mga ito habang siya'y kumakain. Namula ang mukha niya. "Wag niyo naman akong tingnan ng ganyan. Nahihiya na tuloy akong ituloy ang pagkain ko." nakalabing wika niya. Nagtawanan naman ang mga ito kasama ni Don Alfonso at Dion. Napailing siya nang nagsimula na ang mga itong kumain. Nagtaka siya nang pumasok si Dion sa kusina. Pagbalik ay pinunasan nito gamit ang panyo ang basa nitong mga kamay. Lihim na napangiti siya nang nakita niyang nagkamay si Dion. Very manly!

Pagkatapos kumain ay nag-ikot ikot siya sa taniman ni Don Alfonso kasama si Dion at ang mga trabahador. Inilibot siya ng mga ito. Namangha siya sa kalinisan at kaayusan ng naturang hacienda.

Nagulat siya nang may magpatong ng coat sa ulunan niya. Paglingon niya ay napangiti siya nang bumungad ang nakangiting mukha ni Dion. Kinindatan pa siya nito. Natawa siya. Siniko niya ito atsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Malawak ang lupain. May mga puno ng mga mangga, saging, mansanas at iba pang mga prutas. Sa isang tabi ay may greenhouse para sa mga gulay. Sa kabilang dulo ay ang farm na may iba't-ibang klaseng hayop. Sa gitna naman nakatayo ang isang Spanish styled mansion. Sa dulo naman ay ang asukarera.

"Taray naman pala ng lupa niyo, 'lo. Kumpleto na talaga. Ang ganda pa ng paligid." nakangiting sambit niya.

"Salamat sa papuri, hija." nakangiting wika nito.

Hindi sinasadyang napatingin siya kay Dion. Namumula na ang mukha nito. "Hey." tumingkayad siya at masuyong nilagay ang coat nito sa ulunan nito. "Namumula na ang mukha mo eh. Masyado ka na siguro naiinitan. Tara, doon muna tayo sa silong." she gently tugged on his hand. Nakangiting sumunod naman ito sa kanya. Umupo sila sa bench sa ilalim ng malaking puno. Napatingala siya sa asul na langit at napangiti. "Ang ganda ng araw ngayon." sambit niya sa kawalan. Muntik na siyang mapatalon nang nagsalita si Dion sa tabi niya.

"Sobrang ganda." pagtingin niya dito ay nasa kanya nakatuon ang mga mata nito. Napalunok siya. Hindi niya alam ang sasabihin.

May tumama sa ulo niyang matigas na bagay. Nahilo siya at agad na nawalan ng malay.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now