Chapter 15

9.8K 250 5
                                    

Nagising si Rosario nang mga bandang alas siyete ng gabi. Nag-unat siya. Pagmulat ng kanyang mata ay naabutan niyang nanunuod ng TV si Andrew sa tabi niya. Napangiti siya. Nagpanggap siyang natutulog. Niyakap niya ang baywang nito at idinantay dito ang kanan niyang binti. Ipinulupot naman ni Andrew ang bisig nito sa kanya habang masuyong hinahagod ang kanyang likod. She nuzzled on his neck. Naramdaman niyang napangiti ito.

"I know you are awake, honey." bulong nito sa kanya. She fluttered her eyes open.

"I'm sleeping.." she pouted looking up at him.

"Fine. Sabi mo eh." nakangiting sabi nito. He lightly planted a kiss on the tip of her nose. "Alam ko namang naglalambing ka lang kasi tinulugan mo ang mala-MMK kong buhay eh." he caressed her cheeks.

"Sorry na~ Kasi naman nakakaantok ang boses mo eh. Para akong inihehele." she chuckled.

"Ganun?" he smiled lovingly at her. She nodded cutely. Lalo itong napangiti. "Nasabi ko na ba sa iyo na ang ganda mo?" sinserong sabi nito.

She blushed. "Eh! Naman eh! Kinikilig ako!" she buried her face on the nook of his neck and smiled. Natawa naman ito. He kissed her hair.

"But seriously, you are beautiful, Rosario.." he hugged her tighter.

"Th-Thank you.." she was supposed to kiss his chin but he looked down at her just in time. Their lips touched. Nanlaki ang mata niya. Oh my gee! I.. I am kissing him.. Ang lambot ng labi niya! SHET! SHET! KINIKILIG AKO! STAHP ET! He started to tenderly move his lips against hers. She closed her eyes gently. Andrew placed his hand at the back of her neck to deepen the kiss. She literally melted. She gently answered his kisses. She pulled away when she felt like she need air to breathe. Napangiti ito at pinugpog ng halik ang mukha niya. She giggled.

"Ang cute mo talaga! Nakakagigil!" he cupped her face and kissed his lips again.

She squealed. "Ano ba!" she playfully slapped his arm. His stomach growled loudly. She laughed.

"Kanina pa kasi kita hinihintay para yayain sanang kumain sa labas eh." he pouted cutely.

"Stop pouting! It makes me want to--" he kissed her on the lips again. "--kiss you." she blushed a deep shade of red.

"Tara na, misis. Kain na tayo." he smiled sweetly.

"Oo na. Maghihilamos lang ako." she pinched his cheeks.

"Be quick! Mamimiss kaagad kita." he pouted cutely. She gave him a quick peck on the lips. He blushed.

Pagkapasok sa banyo ay kaagad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Nag-apply din siya ng kaunting lipstick sa maputla niyang mga labi. Pagkalabas niya ay nakahubad baro ito. Aabutin sana nito ang shirt sa paperbag.

"Oh la la!" pabirong niyakap niya ito sa likuran. "Naku naman! Ang macho macho naman ng mister ko!" pinanggigilan niya ang malapad na likod nito. Tawa ito nang tawa.

"Hay naku, misis ganda! Tama na ang pagnanasa sa katawan ko." humarap ito sa kanya at niyakap siya. "Mamaya na lang pagkatapos natin kumain." sabi nito sabay kindat sa kanya. Natawa siya.

"Kawawa naman ang mister ko. Ginugutom ata kita masyado." she wrapped her arms around his waist.

"Hindi naman, misis. Tulog ka kasi nang tulog eh. Pero ayos lang.. at least nakakapagpahinga ka." he gently kissed her forehead.

"Magpapalit lang ako ng shirt then alis na tayo." she pinched his cheeks.

Kumuha siya ng mint colored polo sa paperbag at iniabot iyon dito. Napansin niyang dalawa ang nabili niya.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now