Chapter 13

10.7K 246 0
                                    

Nagising siya sa mga masuyong paghaplos sa kanyang ulo. Napakunot ang noo niya. Ano ituuu? Nanuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy. Idinikit niya ang ilong sa kung anumang bagay na nasa harapan niya. Sininghot niya iyon at napangiti. Hmmm. Ang bango naman! Niyakap pa niya at idinantay dito ang isa niyang binti. She nuzzled nonstop. Naramdaman niyang gumalaw ito. She whined and pulled it closer to her. Nanatiling nakapikit ang mata niya. Naramdaman niyang may mga maiinit na bagay na pumulupot sa katawan niya. Hmm.. ang comfy naman! Bigla siyang nagtaka. Teka! Ang unan.. hindi gumagalaw . Ang kama.. hindi yumayakap.. Ang kumot hindi naman nanghahaplos ng ulo.. Ang kwarto ko.. hindi ganito ang amoy. Sininghot niya ulit ang amoy nito. Hmm.. the smell seems familiar.. TOO familiar to my senses. When she opened her eyes she met a dazzling pair of chocolate brown orbs staring back at her. She gasped. "Andrew?" she whispered softly.

"Good morning, sleepy head." he gave her a lazy sexy smile. Masuyong sinuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. "I guess you slept well. Buti hindi ka nahulog sa kama. Sakop ko ang space eh." sa sobrang laking mama kasi nito ay halos sanggol na lang ang kakasya kapag humiga ito.

"Good morning. Oo nga eh. Bigla ka na nga lang nakatulog kagabi bago mo ako---" she blushed while recalling what happened last night. He almost kissed her! Kung bakit ba naman kasi nakatulog agad ito! He was looking at her intently as if wanting her to continue so she did. Mukha namang hindi na nito maalala. She cleared her throat. "Bago ka man lang magsabi ng goodnight! Bigla ka na lang bumagsak sa kama."

"Ah. Akala ko kung ano na." he said while taking something off her eye. Nang marealize niya ang ginagawa nito ay kaagad niyang tinanggal nang kusa ang muta niya. Ano ba yan! Nakakahiya! She blushed again.

"You're cute when you're embarrassed. When blushing to be exact. There's nothing to be ashamed of. Lahat naman tayo may muta kapag bagong gising. Mabaho ang hininga. Baka nga may tuyong laway sa gilid ng bibig. Magulo ang buhok. Pero wag kang mag-alala, maganda ka pa rin naman sa paningin ko. Walang magbabago dun." nakangiting kindat nito sa kanya.

She cleared her throat and looked down. She was now blushing hard. "Bola!" nakalabing wika niya. She couldn't help but smile when she looked up at him again. He looks so perfect with that natural soft brown curls cascading his neck. She unconsciously touched his hair softly. It was really soft and smooth. Parang sa mga commercial. She never thought that a man's hair can be this soft. Naramdaman niyang napatitig ito sa kanya. Tiningnan niya ito. Hindi man lang ito natinag sa pagtitig sa kanya. Her breathing became uneven. Her heart beating rapidly. But she didn't dare to move even an inch away from him.

"Alam mo ang pinakamasarap na kape?"

"H-Ha?" naguguluhang tanong niya. Anuberr?? Hindi ako makapag-isip nang maayos! Ano nga ba? 3 in 1? Gaga! Kape! Brand daw! Kopiko? Nescafe? Great Taste? X.O? Kendi pala yun. Starbucks!!

"Ang KAPEling ka." nakangisi nitong sambit habang masuyong hinahaplos ang mukha niya.

Napahagalpak siya sa kakatawa. "Korni naman!" Kaloka! Marunong din pala mag-pick up lines 'tong si Andrew my loves. Aruy! My loves daw! Lalalandi!

"At least napangiti kita. Minsan lang yan. Parang lagi ka kasing galit sa mundo. Well.. siyempre nginingitian mo naman ako pero parang may pader sa pagitan natin. I don't know pero yun ang nararamdaman ko." he shrugged. His left hand playing with the ends of her hair. His right holding her firmly in place so she'll not fall off the bed.

"Well.. maybe.. it's because.. I don't know you well. Or maybe.. the fact that I just met you." she said while gently caressing his soft curls.

"Siguro nga.. But we can be friends, right?" tila lumilipad ang isip nito kung saan.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now