Chapter 6

10.9K 245 1
                                    

Napakurap siya nang ilapit ng husto ni Andres ang mukha nito sa kanya and adorably stared at her. Lalo tuloy siyang napatitig sa maamong mukha nito. Napansin din niya ang mahahabang mga pilik nito. He had those sexy looking soft brown eyes that just added appeal to his angelic face. Ang tangos ng ilong nito. Mas makinis pa ata ang balat nito sa kanya. Hindi man kaputian ay alam mong ang sarap haplusin. How can this man be perfect? Mukha siyang model sa mga magazines. Too good to be true. Hoy, Rosario! Akala ko ba move on na? May jowa na yung tao papatulan mo pa! Napabuntung-hininga siya at kaagad lumayo dito. Napansin niyang naka-simpleng pang-bahay lang ito. Ang gwapo pa rin kahit anong suot! Mukhang ang bango pa!

"H-Hi.." yun lang ang makakaya niyang sambit sapagkat hindi pa rin humuhupa ang tila pagrigodon ng kanyang puso. Imbes na ngiti ay ngiwi ata ang nagawa niya.

"What are you doing here, Rosario?" nakangiting tanong nito habang hinahaplos ang ulo ni Einstein.

"Ah.. ano.. visiting a friend." napangiti na siya ng tuluyan. How could she not? Eh ang gwapo gwapo ng hudyo sa harap niya.

"Oh.. Good. Nga pala pasensya na at nagulo ka pa nitong si Einstein. Minsan lang makakita ng magandang babae to eh." iling iling na wika nito habang ngiting ngiti.

She can't help but blush. Shet! Ganda ko eh! Haba ng hair ko eh. Abot talampakan. Kaloka! Maganda daw ako! Wala na may gusto na yan sa akin. Hahaha. Marami man siyang narinig na compliments sa kanya ay parang iba pa rin ang dating nito kapag si Andres ang nagsasabi. Parang may mga nag-aawitang mga anghel sa kanyang paligid at waring mas lalong gumaganda ang paligid. Makapag-inquire nga mamaya. Hohoho

"Buti nga natapakan ko kaagad ang preno eh. Muntik na talaga yang alaga mo." nakalabing wika niya habang masuyong hinahaplos ang ulo ni Einstein. Umupo siya sa sidewalk para mas matingnan si Einstein. The dog really looks sorry. Lunapit pa ito sa kanya at talaga namang pinatong pa nito sa hita niya ang ulo nito. Natawa siya. "Kaya ikaw Einstein mag-iingat ka ha? Hindi ka pusa na may siyam na buhay." tila nakakaintinding tumahol pa ito.

"Well this is the first time na lumapit si Einstein sa babae. Kahit ang fiancé ko ay hindi makalapit diyan." nakangiti pang sabi nito. So mag-aasawa na pala ang kumag. Tama yan, Einstein! Sugurin mo ang bruhang yun kapag lumapit sa'yo. Wag kang pumayag na makalapit kay Andres!

"Wala eh. Dyosa ako eh." idinaan niya na lang sa biro ang lahat. "Nga pala. Dito ka ba nakatira?" tanong niya dito.

"Well.. you could say that." he shrugged. Ano ibig sabihin nun? Baka naman dito din nakatira ang bruhang mapapangasawa nito? Kaloka!

Napatango na lang siya at tumayo habang pinapagpagan ang kanyang pantalon. "Mauna na ako. Baka hinahanap na ako ng kaibigan ko eh."

"Sige. Ingat ka ah." nakangiti pang sumaludo ito sa kanya.

Pagsakay sa kanyang kotse ay natanaw pa niyang pumasok ito sa isang Spanish styled mansion na katapat lang ng malawak na bakanteng lote. May taste naman pala ang hudyo. Napangiti siya nang husto nang makaisip ng ideya.

Agad na pinaandar niya na ang kanyang sasakyan at tumungo sa mansyon ng kaibigan niya.

Pagkatapos na pagkatapos niyang ipakita ang mga kagamitan kay Rose ay agad naman siyang nagpaalam para makapagikut-ikot sa naturang village. Magluluto lang daw ito ng dinner para naman pag-uwi daw ng asawa nito ay nakahanda na ang lahat.

Naglalakad lakad siya nang may makasalubong na grupo ng mga kalalakihan na tipo kakatapos lang maglaro ng basketball. Lahat ng mga ito ay waring may mga sinabi sa lipunan at mga may pinag-aralan. Agad namang nakuha ng atensiyon niya ang lalaking may suot ng asul na jersey at salamin. He looks like the typical spanish guy minus the sexy smile. Parang hindi man lang mabatak ang mga muscles nito sa mukha though ang ganda ng hubog ng katawan nito. Ang mga kasamahan nito ay nagtatawanan na habang ito'y tahimik lang na naglalakad. Ano ba yan! Ang emo naman nitong lalaking 'to! Sayang may itsura pa naman.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now