Chapter 17

8.6K 223 1
                                    

Mahigit isang linggo na din niyang hindi nakikita si Andrew. At inaamin niyang sobrang namimiss na niya ito. Hindi man maliwanag sa kanya kung ano talaga ang relasyon nila ay panatag siyang pareho ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Kasalukuyan siyang busy sa pag-aayos sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang resort.

"Ma'am, heto na po yung list ng mga padadalhan ng invitations. Paki-double check na lang po." saad ng sekretarya niyang si Krystal.

"Okay. Thank you." pinasadahan niya ng tingin ang listahan. Sino pa ba ang kulang? Ah! Dadalhan ko nga ng invitation ang mga taga-Hacienda. "Kry. Mag-extra print ka ng 20 copies."

"Noted, ma'am."

Pagkatapos mananghalian ay kaagad na inihatid ni Krystal ang mga invitation sa kwarto niya. Excited na naligo siya at nagbihis.

Andoon kaya si Andrew? Baka naman wala siya sa bansa. Sabi niya he'll contact me.. one week na ah. Baka naman busy. Pero kahit text lang wala? Baka naman may ibang babae na? Ano naman karapatan ko? Baka nga pinaglalaruan niya lang ako.. she shook her head and cleared away unnecessary thoughts lingering in her mind.

Makalipas ang ilang minuto ay narating kaagad niya ang Hacienda. Masayang nagsasalu-salo ang mga ito ng pananghalian.

"Hi, Hacienda pips!" masiglang bati niya sa mga ito.

"Rosario!"

"Halika't sumalo ka sa amin!"

"Dito ka sa mesa namin."

"Ano bang kaguluhan ito?" lumabas ng karinderya si Manang Flor.

"Manang!" nakangiting niyakap niya ang matanda.

"Naku! Basa ako ng pawis, mabaho ako." nahihiyang pinunasan nito ang pawis nito.

"Manang naman. Lahat naman po tayo pinagpapawisan. Pero ang pinunta ko ho talaga dito ay para imbitahan kayong dumalo sa pagbubukas ng resort ko sa Tagaytay." nakangiting inabot niya ang imbitasyon sa mga ito.

"Naku, ne. Ano naman isusuot namin dito?" wika ng matanda.

"Kahit ano po. Iilan lang naman po ang inimbita ko eh. Simpleng okasyon lang po yun. Wag po kayong mag-alala, pamilya ko lang po at malalapit na tao sa akin ang mga inimbita ko." paga-assure niya sa mga ito.

"Ku! Malabhan na nga ang barong tagalog ko." natawa siya sa biro ng isang matandang lalaki.

"Mauna na ho ako. Dadalhin ko ho ang imbitasyon kay Lolo Alfonso."

"Sige. Ingat ka, hija."

"Opo. Salamat po. Hihintayin ko ho kayo ah. Magtatampo ho ako kapag di kayo pumunta."

"Dadalo kaming lahat. Wag kang mag-alala."

Agad siyang dumiretso sa mansyon ng Don, nagbabakasakaling masilayan man lang ang makisig na apo nitong si Andrew. Kakatok na sana siya nang bumukas ang pinto at iluwa nito ang maganda at matangkad na babae.

"U-Uh.. H-Hi.." Bakit ako nagsa-stammer? Shete!

"Hi! Sino ang hanap mo?" nakangiting wika nito.

"Uh.. Andyan ba si Lolo Alfonso?"

"Ah. Yes. He's upstairs with Donya Corazon. I'll just call him." iginiya siya nito sa malawak na sala ng mansyon. "Feel at home. Uh.."

"Rosario." nakangiting wika niya dito.

"Ah. Ako naman si Amor." Amor offered her hand at kinamayan siya. "Nice to meet you, Rosario." nakangiting wika nito.

"Nice meeting you too, Amor."

"O siya. Tatawagin ko na muna ang Don at nang makapag-usap na kayo." paalam nito. Pagkaupo niya sa sofa ay kaagad naman tumunog ang kanyang cellphone. Kumunot naman ang noo niya nang unregistered number ang lumabas sa screen niya.

"Hello?" wika ng baritonong boses sa kabilang linya.

"Rosario."

"Uh.. Who's this?"

"Si Dion to."

"Dion?" saglit na napaisip siya. Dion.. Dion? Saan ko ba narinig yung pangalan na yun?

"The handsome doctor, mi lady." she rolled her eyes. Ang hangin din netong gwapong doctor na to eh.

"And yes, Mr. Fidel? How may I help you?" nakangiting wika niya.

"Nasaan ka ngayon, Ms. Pretty?"

"Alam ko nang maganda ako. And I'm here sa Hacienda."

"What are you doing there?"

"Just handing some invitations."

"Invitations? For what?"

"The opening of my resort."

"Really? Invited din ba ako?"

Natawa siya. "Sige. Text me your address. I'll send the invitation."

"Ay. Daya! Si Lolo dinadala mo.. akin isesend lang? Tas parang napipilitan ka lang eh."

Napahalakhak siya. "Arte naman nito. Fine. I'll personally send it to you then. Demanding ka ah."

"Ganyan talaga kapag gwapo. Hahaha. By the way, Dinner tayo later If you're not busy."

She checked her wrist watch. 3pm na pala. "Sure. Diyan o dito sa Tagaytay?"

"Sa Josephine's na tayo magkita. 7pm. Tas bukas mo na dalhin sa clinic ko yung invitation. Kunyari naiwan mo para lunch tayo bukas."

Hindi niya mapigilang matawa. "Siraulo ka talaga. Oo na. 7pm at Josephine's. See you later. Ingat ka sa biyahe."

"Opo, Ms. Pretty."

Iling iling siya habang inaayos sa bag niya ang kanyang phone.

"Hija!"

"Lolo! Lola!" agad siyang napangiti. Sinalubong niya ng yakap ang dalawa at agad na tinulungan makaupo sa malambot na sofa.

"Namiss ka namin. Bakit ngayon ka lang nakabisita?" wika ng Don.

"Busy busyhan po ang peg ko eh. Gusto ko po sana kayong maimbitahan---"

"Ikakasal ka na?!" wika ng Donya.

Natawa siya. "Lola naman! Kasal agad? Kaloka! Magbubukas na po kasi ang resort ko sa Tagaytay." inabot niya dito ang invitation.

"Ah. Akala ko naman kung ano na. Jusko!" wika ng Donya habang binabasa ang imbitasyon.

"Ikaw naman kasi. Kung anu-ano agad ang iniisip mo. Hindi naman porket may imbitasyon kasal na  agad." iling iling na natawa ang Don.

"Lo. Una na ho ako." pagpapaalam ni Amor.

Napatingala ang Don. "O siya. Mag-iingat ka."

"O sige po. Bye, Lola and Rosario." nakangiting kumaway pa ito sa kanila.

Hindi niya napansing nakatulala pa rin siya sa pintuan kung saan lumabas si Amor.

Napansin ata ito ng Donya. "Ah. Ayun nga pala si Amor. Ang fiancé ni Andre--" naputol ang pagsasalita nito nang tumunog ang cellphone ng Donya. "Excuse me. Tumatawag ang gwapo kong anak." sabay kindat.

She felt her heart break a little. Sa pagkakatanda niya ay Cherry ang pangalan ng fiancé ni Andres at hindi Amor. Ang ibig sabihin lang nun ay fiancé ito ni Andrew. Walang hiyang kumag na yun! May fiancé pala nilandi pa ako. At ako namang gaga, lumandi. Ang tanga ko. Ang tanga tanga mo talaga Rosario. Minsan ka na nga lang magmahal dun ka pa sa hindi masusuklian ang pagmamahal mo.

"Hija.." naputol ang pagdadrama niya nang alugin ng Don ang balikat niya.

"Ho? Ano nga ho iyon?" she felt hurt and used.

"Ah. Baka hindi kami makadalo kasi kaarawan ni Amor ito. Dun din kasi kami mamamanhikan. Ipapaalam ko na lang ito kay Andrew at nang makadalo siya sa opening ng resort mo." nakangiting hayag ng Don.

Mamamanhikan? So.. they are getting married. Wow. Just wow. Puta. Edi wow.

"A-Ah.. O-Okay lang po, 'lo. Ma-Mauna na ho ako. May mga aasikasuhin pa po kasi ako."

"Ah.. ganun ba? Mag-iingat ka sa biyahe, hija." wika ng Donya.

"Dito na lang ho kayo. Wag niyo na ho akong ihatid. Baka mapagod pa ho kayo." she hugged them both and left.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now