Chapter 16

9.1K 267 1
                                    

Kinabukasan ay kaagad silang nagcheck-out sa hotel at bumiyahe papuntang mansyon nila sa Pakil, Laguna nang mabalitaang ayos na ang lagay ng mga daanan. Pagkadating ay naabutan niyang nasa hardin ang kanyang ina.

"Ma!" nakangiting sinugod niya ito ng yakap.

"Anak! Jusko! Ayos ka lang ba?" she held her at arm's length as if checking if she had some of her body parts missing. Natawa siya.

"Ma.. walang kulang sa katawan ko! Buong buo pa ho ako."

Ngunit tila tumagos sa kanya ang tingin nito at dumiretso sa taong nasa likuran niya. Napanganga ito. Napakunot noo naman siya. Tiningnan niya ang kung sino mang kumuha ng atensiyon ng nanay niya.

"Ah! Mama. Si Andrew ho." pakilala niya dito.

"Boyfriend mo?"

"Ma!" pinanlakihan niya ito ng mata.

"Ano?"

"Ah. Kamusta ho? Ako ho si Andrew." inilahad nito ang kamay sa kanyang ina. Malugod naman iyong tinanggap ng kanyang ina.

"Mabuti pa at magpahinga muna kayo at mag-almusal na sa loob. Magpapahanda ako ng agahan kay Emilya. Iwan mo na yang sasakyan diyan at bayaan mo nang si Bruno ang mag-asikaso niyan." iginiya sila nito sa golf cart.

"Yung gamit ko. Mang Bruno pakidala na lang ho."

Nakangiting tinanguan naman siya nito at sinaluduhan. "Masusunod ho, senyorita!"

Pagkadating sa mansyon ay kaagad silang sinalubong ng Papa niya.

"A--" napatingin ito kay Andrew.

"Uh.. Pa.. Si Andrew ho. Kaibigan ko." nakangiting pakilala niya kay Andrew.

"Kaibigan? Uso pa ba iyon sa babae at lalaki?" kinamayan nito si Andrew.

"Pa!" pinanlakihan niya ng mata ang tatay niya. Natawa naman ito.

"Biro lang! Wag kang masyadong seryoso, 'nak!"

"O siya! Pumasok na tayo sa loob at nang makakain na kayo ng almusal at makapag-pahinga." wika ng nanay niya.

Umakyat sila sa marmol na hagdanan ng malawak na mansyon at tumungo sa malawak na sala.

"Umupo muna kayo. Uutusan ko muna si Emilya na maghanda ng agahan para sa inyo." tumingin ito kay Andrew. "Make yourself at home, Drew anak."

"Opo. Salamat ho." nakangiting pasasalamat ni Andrew.

Nang nagpunta sa kusina ang nanay niya ay kaagad namang nagpaalam ang kanyang ama dahil may aasikasuhin pa daw ito. Pinangako nitong babalik din ito kaagad. Umupo sila sa malambot na sofa. Tila ayaw mahiwalay sa kanya ni Andrew dahil talaga namang dikit na dikit ito sa kanya.

"Hoy! Ano ba? Dikit na dikit ka dyan?" tinulak niya ito palayo sa kanya.

"Eh. Ayaw mo nun.. atsaka bakit kaibigan lang ang pakilala mo sa akin sa mga magulang mo?" tila nagtatampong tanong nito.

"Anong gusto mong sabihin ko? Nay! Boyfriend ko ho si Andrew.. kakakilala lang ho namin nung isang araw.. natulog na ho kaming magkasama sa isang kwarto at naghalikan na po kami.. Ganun?"

"ANO?!" napatalon silang dalawa ni Andrew nang sabay na sumigaw ang nanay at tatay niya.

Napalunok silang dalawa. "Uh.. Magpapaliwanag ho ako.." napatayong wika ni Andrew. Napatingin siya dito.

Nakita niyang nagdilim ang ekspresyon ng mukha ng kanyang ama. "Wag ka nang magpaliwanag!"

"Oo nga!" segunda ng kanyang nanay.

"Hijo.. okay lang. Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Pareho na naman kayong nasa hustong gulang nitong aking unica hija. May tiwala ako sa kanya." ngiting sambit ng kanyang ama. Marahang tinapik pa nito ang balikat ni Andrew.

Napanganga siya. Yun lang iyon? Naku! Mukhang gusto na nga ako ipamigay ng magulang ko ah. Kaloka! Maging si Andrew ay hindi makapaniwala. Napatingin ito sa kanya. Napangiwi siya. Napangiti naman ito. Umupo ulit ito sa tabi niya at pinisil ang kamay niya.

"Aalagaan ko ho si Rosario sa abot ng aking makakaya." hindi humihiwalay sa kanya ang mga mata nito.

"Aba'y dapat lang! Hindi namin pinalaki yan para lang saktan ng isang lalaki." wika ng kanyang ama.

"Makakaasa ho kayo." nakangiting wika nito. Hinalikan pa nito ang likod ng palad niya.

"Ay naku! Naiiyak ako! Kumain na nga kayo. Nakahain na ang pagkain sa hapag." punas ng kanyang ina sa mata nito. Ang drama ni mader!

---

Pagkatapos kumain ay nag-ikut ikot muna sila sa bulaklaking hardin.

"Well.. that was easy.." wika ni Andrew habang tahimik nilang binabaybay ang malawak na hardin.

"I know.. hindi ko din inaasahan na ganun nila kadali matatanggap ang lahat." iling na wika niya. "Nag-iisang anak lang ako.. pero ang bilis nilang matanggap. Siguro nga gusto na nila akong ipamigay." natatawang wika niya.

"Hindi naman siguro, Ros. Siguro gusto ka lang nila sumaya." nakangiting wika nito sa kanya.

"Siguro nga."

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" tanong nito sa kanya habang inaalalayan siyang umupo sa bench.

"Hmmm.. Nope. NBSB ang lola mo."

"NBSB?"

"No Boyfriend Since Birth."

"Maniwala naman ako.. sa ganda mong 'yan?"

"Wag ka na mambola dyan. Totoo 'yon no!"

"Seriously? You are easy to fall in love with, Ros. Mabait ka, Matalino, Maprinsipyong tao.. bonus na lang yung maganda ka."

"Bolero ka! Eh anong magagawa ko? Wala namang naglalakas loob lumapit at manligaw. Siguro kasi nga naiintimidate sila sa akin. Masungit kasi ako. Sobrang sungit."

"All it takes is a man that can handle you.. well not in a bad way ah. Siguro a man that can melt your heart."

"Bakit? Cold na ba ang heart ko?"

"Hindi naman sa ganun. Ito naman. Ang ibig kong sabihin.. yung tutunaw sa kung ano man ang pumipigil sa'yo na magmahal."

"What do you mean?"

"Yung tipong galit ka man sa mundo.. eh yung lalaking magpapasaya sa'yo. Yung makakapagpangiti sa'yo. Yung aappreciate sa'yo. Yung aalalayan ka kapag nadapa ka. Hindi yung iiwan ka na lang sa isang tabi. Yung magmamahal sa'yo nang buong puso. Sa'yo lang wala nang iba."

Napabuntung-hininga siya. "Siguro nga.. ganun ang hinahanap ko.."

Nagulat siya nang tumunog ang cellphone nito. Nagpaalam itong sasagutin muna nito ang tawag. Agad naman siyang tumango. She watched him walk away. Aray ko! Feeling ko naman aalis na siya sa buhay ko. OA! Andyan lang siya oh. Kalma!

Pinagmasdan niya ito. He was every woman's dream guy. A tall handsome guy with nice built and complexion, sexy spanish voice, caring, rich and most of all lovable. Madali lang itong mahalin. Sana nga lang pareho sila ng nararamdaman.

Nagulat siya nang nakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Natulala ka diyan? Sandali lang akong nawala eh. Tsk." nakangiting saad nito.

"Loko ka! May naisip lang ako bigla." natatawang mahinang binatukan niya ito.

"Aray ko." natawa ito. "Oo nga pala. Darating yung chopper ko at susunduin na ako.." tiningnan nito ang relong pang-bisig nito. ".. any minute now."

Wala siyang nagawa kung hindi mapatango. Napangiti ito. "Ito naman. I'll contact you in every way I can." masuyong hinaplos nito ang kanyang mukha. "Kailangan ko na kasing bumalik sa trabaho at ilang araw na din akong nawala."

"Naiintindihan ko naman. Pasensya ka na pala sa abala ah." she smiled at him.

"Hindi ka abala sa akin. Ano ka ba!" he kissed her forehead gently and stared deep in her eyes. "I'll miss you."

"Me too.." she smiled.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now