Chapter 5

10.4K 249 0
                                    

Pagkatapos nila kumain ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang si Rose na kailangan daw nito ng tulong sa pagde-decorate ng bahay nito sa Antipolo. Kakatapos lang daw kasi nito ipagawa ang bahay nito doon. Kakapakasal pa lang kasi nito two months ago sa asawa nitong si Elry, isang dating playboy at may-ari ng isang bigating kumpanya. Agad naman siyang pumayag dahil wala rin naman kasi siyang gagawin buong araw.

Makalipas ang isang oras ay dumating na siya sa kanyang destinasyon. Maganda ang naturang village at hindi biro ang security doon. Payapa dito at halatang mga hindi birong tao ang mga nakatira sa kabila ng mga nakatirik na matatayog na mansyon. Iilan ilan pa lang din ang mga bahay doon. Nadaanan niya din ang club house kung saan mayroong olympic sized swimming pool at ang tennis at basketball court. Mukhang mga elite ang mga nakatira doon. Makapag-inquire nga mamaya. Hoho!

Sinipat muna niya sa salamin ang kanyang itsura nang huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Hmmm.. Paano ba yan? Dyosa pa din? Ang taas talaga ng confidence level ko. Hahaha

Naghihintay sa labas ng bahay ang kanyang kaibigang si Rose nakilala niya ito sa Barcelona. Naging katrabaho niya ito doon at doon din niya nakilala ang asawa nitong si Elry. Noong una ay inis na inis sila dito dahil napaka-palikero nito at nagdadala ito ng iba't-ibang babae gabi-gabi. Ngunit nang matamo nitong mahal na pala nito ang kanyang kaibigan ay agad naman nagbago ang kumag. Na kay Rose na lang lagi ang mga mata nito at tuwing may lalapit dito ay ipinapakita nito ang singsing na indikasyon ay taken na ito. Marami mang naging hinanakit ang kaibigan niya dito ay tinanggap pa din ito ng kaibigan niya ng buong puso. Wala eh nagmamahal eh. Aruy!

Pagkalabas na pagkalabas niya ay sinugod siya ng yakap ng kaibigan niya.

"Ano ba, girl? Masisira ang beauty ko niyan eh." biro niya dito.

"Namiss kaya kita! Wala na akong dyosang nakikita. Ano ba yan.. naiiyak na ako!" nanlaki ang kanyang mata nang makitang umiiyak nga ito.

"Oh. My. Rose. Buntis ka ba?" napanganga siya nang tumango ito.

"Ninang ka ah." sabay punas ng luha nito. Kaagad naman siyang um-oo. "Tara na nga sa loob. Baka mangitim ka eh." biro nito.

"Gaga! Hindi ako takot mangitim, no!" natawa siya. Pareho kasi sila na natural na maputi at hindi madaling umitim. Kapag nabilad sa araw ay mamumula lang.

Sinipat niya ang bahay at marami na kaagad ang mga ideyang pumasok sa kanyang bahay. Mas marami siyang naisip nang mag-suggest si Rose na kailangan daw child friendly ang mga kagamitan sa bahay dahil walong buwan na lang ay may chikiting na na maglilikot sa loob ng bahay. Na-excite siya sa pagdating ng baby. Kaya naman inilista na niya sa kanyang notebook ang kanyang mga kailangang bilhin at nang makapag-simula na siyang bilhin ang mga ito. Nagpaalam siya kay Rose na babalik makalipas ang isang oras para sabihin ang mga presyo ng mga bagay na kakailanganin. Pumayag kaagad ito sa mga plano niya dahil may tiwala daw ito sa kanya.

Kaagad naman siyang pumunta sa isang mall at pumunta sa baby section. Hindi niya mapigilan ma-excite sa pagkakaroon ng sariling little one. Sino ba naman ang hindi? Lahat naman tayo ay pinapangarap na magkaroon ng perpektong pamilya. Inilista niya ang mga presyo ng mga kakailanganin para sa kwarto ng baby. Inuna niya muna ang mga cabinet, matting at mga laruan dahil hindi pa sila sigurado kung babae ba ito o lalaki. Pagkatingin niya sa oras ay may tatlumpung minuto pa siya para makaikot sa mall. Tumingin siya ng mga furniture na maaring babagay sa naiisip niyang concept para sa bahay. Pinicturan niya na din para makita ng mag-asawa. Hindi na masama ang mga presyo nito. Sakto lang para sa budget ng mag-asawa. Kahit pa sinabi ng mga ito na huwag mag-tipid ay sinisigurado niya pa rin na sulit ang mga ibabayad nito sa mga kagamitang bibilhin niya. Bumili muna siya ng ice cream sa Dairy Queen atsaka nagpasyang umalis na.

Habang nagda-drive papasok ng Golden Ridge Village ay hindi niya mapigilang mapahanga sa kagandahan nito. Lahat ng puno ay nakakadagdag sa kagandahan ng lugar. Hindi niya ito napansin kanina dahil busy siya sa kakatingin kung nasaan na ba siya. Wala kasi siyang sense of direction. Kumbaga nganga sa mga pupuntahan. Kaya naman lagi siyang nagtatanong tuwing may makakasalubong siyang mga tao. Aba mahirap na at baka hindi pa ako makarating sa paroroonan!

Muntik na siyang mapamura nang may asong tumawid sa harap niya. Agad naman niyang tinapakan ang preno. Nagmamadaling bumaba siya at ineksamin ang lagay ng aso.

"Thank God at walang nangyaring masama sa'yo, doggy! Ikaw naman kasi. Doon ka sa pedestrian dumaan ah. Kaloka ka! Aatakihin pa ang heart ko sa'yo." wika niya habang masuyong hinahaplos ang ulo nito. Isa itong Golden Retriever. Agad naman nitong kinuskos ang ulo nito sa palad niya waring nang-aamo. Napangiti tuloy siya.

"Einstein!" narinig niyang wika ng baritonong boses sa likuran niya. That voice.. seems familiar..

Pag-angat niya ng tingin ay nauntog naman ang noo niya sa baba nito. Damn! Ang sakit! Huhu! My precious na malapad na noo!

Minasahe niya ang kanyang noo. Paglingon niya ay nagtama ang kanilang mga mata. Tumigil ang pag-inog ng mundo niya at bumilis ang tibok ng puso niya. Si Andres!

"Rosario?" nakangiting tanong nito.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now