Chapter 10

9.5K 245 3
                                    

Andrew's POV

Naglalakad lakad sila ni Einstein nang biglang itong nagtatahol at biglang tumakbo patungo sa isang babae na akmang papasok na sa kotse nito. Nawalan ng balanse ang babae at napaupo sa sidewalk. Nilapitan niya ito para sana tulungan ngunit bigla na itong tumayo habang pinapagpag ang pang-upo nito. Hindi niya narinig ang sinabi ng babae at hinalikan pa nito ang ulo ni Einstein. Lucky dog! Tsk. Buti pa ang aso. Nagulat ata ito nang makita siya. Siya ang mas nagulat dahil ito pala ang babaeng gumugulo sa isipan niya.. walang iba kung hindi si Rosario. Tinulak ni Einstein papunta sa kanya si Rosario. Lihim naman siyang natuwa. Good boy! Agad na pinulupot niya ang kanyang mga bisig sa maliit na baywang nito. Their eyes locked. He unconsciously caressed her face to actually see if she's real. And she was. Her skin was smooth and soft kay sarap haplusin. Her chinky brown eyes shining through the morning sun. Her cheeks a little bit flushed because of the weather. Her oh so kissable pinkish lips. Napalunok siya. Control. Hindi pa ito ang tamang oras na halikan siya. Kailan munang mainlove siya sa iyo Andrew. Bago pa siya mawalan ng kontrol ay tinanong niya ito.

"Are you okay?" tanong niya dito habang patuloy na masuyong hinahaplos ang malambot na pisngi nito.

Napalunok ito at napatango. "Y-Yeah.. I.. I'm fine." napahawak pa ito sa dibdib niya. Woah! She's touchy, huh? She likes my chest. Buti na lang nagwo-work out pa rin ako.

She cleared her throat and looked away from him. Nahiya ka pa! Lubus lubusin mo na ang paghimas sa muscles ko. Ikaw lang nakakahawak niyan! "You.. You can let me go now." wika nito habang namumula pa rin ang mukha. Cute naman. Ang pula na ng mukha niya oh! Sarap kurutin ng pisngi! Hmp!

He let her go slowly after secretly kissing her in the forehead. Mukha namang hindi nito iyon napansin napangiti tuloy siya. Tiningnan na lang nito si Einstein at nagpaalam dito atsaka sumakay sa sasakyan nito. Napangiti siya lalo at kinatok ang bintana nito at kumaway dito bilang pamamaalam. Binuhat niya pa si Einstein at hinawakan ang kamay nito para kumaway kay Rosario. Ngiting ngiting napailing na lang siya nang paharurutin nito ang sasakyan nito palayo sa kanila.

Nang papasok na sila ng bahay ni Einstein ay tumawag naman ang kanyang sekretarya na naipasa na daw ni Rosario ang mga papeles nito. Napangiti siya. Desidido ang irog ko ah. "Sige. Magpagawa ka ng kontrata kay Kevs." yun lang at ibinababa na niya ang telepono.

Pagkatapos maligo at makapagbihis ay dumiretso na siya sa domestic airport na pagmamay-ari niya. Ininspeksyon niya ang seguridad doon at nagtanong tanong kung ano ang mga naging problema nang mga nakaraang araw. Pinayuhan niya ang mga itong mas lalo pang higpitan ang seguridad dahil magpa-pasko na. Tatlong buwan na lang ay pasko na. Pagkatapos mag-ikut ikot sa airport ay kaagad naman siyang dumiretso sa opisina niya sa Makati. Ito ay ang Golden Ridge Inc. Ito ay ang kanyang real estate company na nakabase sa US. Pero may mga branches sa iba't-ibang panig ng bansa. Pumirma lang siya nang ilang papeles at agad din siyang umalis. Pagkalulan sa kanyang sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag galing sa lolo niya na medyo sumama ang pakiramdam ng lola niya kaya agad naman siyang dumiretso sa Hacienda Velencoso pagkatapos na pagkatapos ng meeting niya sa isang kliyente. Kahit naman busy siya ay gumagawa pa rin siya ng oras para sa kanyang mga lolo at lola.

Pagkadating niya ay napadaan siya sa karinderya ni Manang Flor ngunit sarado na iyon. Napakunot ang noo niya. Ilang linggo lang akong hindi nadalaw eh nag-iba na ang itsura ng lugar. Agad siyang tumungo sa Hacienda. Doon naabutan niya  si Dion na aktong kalalabas lang ng kwarto ng kanyang abuela.

"Pare." tinapik siya nito sa balikat.

"Kamusta si Lola? Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong niya dito.

"Everything's fine. She just got a little exhausted dahil sabi ni Don Alfonso na nag-ikut ikot sila kanina sa hacienda. Nagpapahinga siya ngayon sa balkonahe." Dion motioned him to go inside then left.

Pagpasok niya ay natanaw niya ang kanyang abuela na nakatunghay sa malawak na hardin ng hacienda habang nilalantakan ang hinog na mangga.

"'la.." masuyong untag niya dito.

Agad na lumingon ito sa kanya at napangiti. "Apo! Halika dito at bigyan mo ng yakap ang lola!" wika nito habang ibinababa ang manggang nilalantakan nito.

Nakangiting lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit. "I missed you, 'la."

"Namiss din kitang bata ka! Bakit naman kasi madalang kang bumibisita dito? May pangbayad ka naman sa gas at toll gate. Mayaman ka naman. Wala ka pa namang girlfriend." bigla itong humiwalay sa kanya. Here it goes.. "Wala pa nga ba, apo ko?"

Napabuntung hininga siya. "Lola naman. Eto nanaman po ba ang tatanungin niyo?" umupo na siya sa tabi nito at pinagala ang mata sa paligid.

"Eh ano pa ba ang pag-uusapan natin? Boring naman pag-usapan ang mga negosyo mo! Yan na lang ang laging bukambibig mo. Buti pa ang kuya mong si Andres walang bukambibig kundi si Cherry. Napakadaldal! Si Cherry naman ay natatawa na lang. Hindi na ako makapaghintay na magka-apo sa tuhod at nang may mapaglibangan naman ako. Puro hayop at puro puno na lang ang kaulayaw namin ng lolo mo. Mapapagod naman kami kapag nagaa-alis kami." napabuntung hininga ang kanyang abuela.

"Darating po tayo diyan, 'la. Hayaan na lang po natin si kuya. Sa kanya muna ang spotlight. Tsaka na ako kapag mayaman na ako." biro niya dito.

"Hindi ka pa ba mayaman sa lagay na yan? Aba'y may real estate company ka na, may domestic airport at may paggawaan ka pa ng wine sa Espanya. Kahit isa lang ay makakabuhay ka na ng isang pamilya. Aba! Hindi na ako bumabata, apo. Gusto ko naman masilayan ang mga magiging apo ko sa tuhod bago man lang ako mawala sa mundong ito." pagdadrama nito.

""la naman! Ayan nanaman kayo eh! Darating at darating din po tayo diyan. Darating din po ang tamang panahon na may babaeng magpapatibok ng puso ko na pakakasalan ko at mamahalin ko habang buhay. Bibigyan po namin kayo ng maraming apo, basta ba papayag siya." masuyong hinaplos niya ang buhok ng kanyang abuela. Weird as it may seem pero si Rosario ang pumasok sa isipan ko nang banggitin ko ang mga iyon kay Lola. Napabuntung hininga siya. "Hayaan niyo, 'la. Kapag meron na, kayo ang agad kong ipapakilala sa kanya." nakangiting sambit niya.

"Promise?" tila nagtatampong paninigurado nito.

"Pangako." tinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na tila nanunumpa. Agad namang ngumiti ang kanyang abuela.

"Sunduin mo na nga ang iyong abuelo sa manggahan. Mukhang napasarap sa kuwentuhan. May bisita kasi siya. Yung nag-ayos sa karinderya ni Flor. Kagandang bata! Bagay kayo, apo!" biglang nagningning ang mga mata nito.

He rolled his eyes. Pinagma-match siya ng lola niya sa isang babaeng kakakilala lang nito. Buti kung si Rosario yan. Aba! Bakit hindi? Kahit ipakasal niyo pa kami ngayon din hindi ako tututol!

Dumiretso agad siya sa manggahan para tawagin na ang kanyang abuelo. Hindi naman siya nabigo at agad niyang natanaw ang kanyang abuelo kasama si Dion at ang isang babae. He squinted his eyes to get a better view of the girl's face pero nakatalikod ito sa kanya. Kaya naman napagpasyahan niyang umupo na lang sa wooden bench sa likod ng malaking puno ng mangga. Nakakita siya ng panungkit at sinimulang sungkitin ang isang hinog na mangga.

"Ang ganda ng araw ngayon." napakunot ang noo niya nang marinig na magsalita ang babae sa kabilang panig ng puno. That voice seems familiar.. He tried to recall where did he heard that voice when Dion interrupted his thoughts with his deep baritone voice.

"Sobrang ganda." narinig niyang seryosong sambit ng kaibigan niya. He rolled his eyes. Obviously, he was flirting with the girl.

Nanlaki ang mga mata niya nang mahulog ang kanina pa niyang sinisungkit na mangga sa ulo ng katabi ni Dion. Napasinghap siya at agad na dinaluhan ito. Namutla siya nang makita ang mukha ng ngayo'y walang malay na dalaga.

Shit! Nasaktan ko nanaman siya..

"Rosario.." that's all what he managed to say when Dion snatched her away from his arms and took him to their mansion.

You Stole My Heart, I'll Take Yours (Andrew Velencoso & Ma. Rosario Basa)Where stories live. Discover now