Chapter 1

258 4 0
                                    

Halos isang linggo na simula nang dumating ako dito sa probinsya, Nakapasyal na din ako sa ibang lugar dito katulad ng plaza noong pinasama ako ni lola na mamalengke kasama ni Madeline. Katulad ng una naming pagkikita ni Madeline ay mahinhin pa din ito, may napansin lang ako na halos lahat ay kilala sya sa palengke. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo ito sa pagkakandedato o friendly lang talaga ito. 

Linggo ngayon at naisipan ni lola na isama nya ako mag simba. Nasa trabaho ngayon si Madeline kaya hindi ito kasama, nalaman ko na nag tatrabaho ito sa taniman ng mga bulaklak ni Lola, business kasi nila ang mga bulaklak. Pinapabenta nila iyon sa siyudad at iyon ang nagiging paninda ng mga florist. 

Napatingin ako sa vanity mirror para tingnan kung maayos na ba ang mukha ko. Naglagay din ako ng make up sa mukha ko para mag mukhang presentable naman ako kahit papano. I'm wearing a baby blue dress na umabot hanggang ibabaw ng tuhod ko at isang puting sandals na may kaunting heels para mag mukha akong matangkad.

Sumakay kami ng kotse papunta sa simbahan. Nalaman ko na ang pangalan ng baranggay namin ay Vill Hermosa, sa kabilang baranggay kami mag sisimba dahil magkikita din daw si Lola at ang amiga nito doon na nakatira sa Rosa Maria. Tinuro saakin ni Lola kung saan ang magiging school ko nang madaanan namin iyon. Nang makarating kami sa tapat ng simabahan ay agad kaming bumaba. Hindi naman sobrang dami ng tao sa loob. 

Naunang mag lakad si Lola kaysa saakin kaya nakasunod lang ako kung saan sya pupunta. Huminto kami sa isang mahabang kahoy na upuan kung saan may isang matandang babae din na nakaupo. Nang tumingin ito sa pwesto namin ay agad itong tumayo para batiin si Lola. Mukhang ito na nga ang amiga na sinasabi ni Lola. 

Umupo kami sa tabi nito hanggang sa mag simula na ang misa. Tahimik akong nakikinig sa sinasabi ni Father hanggang sa matapos na ito. Hindi muna kami umalis sa simabahan dahil kinakausap pa ni Lola ang amiga nito. 

"This is my apo, Atein" napangiti ako sa amiga nito nang ipakilala ako ni Lola Adelaid. Ngumiti ito pabalik saakin. 

"You're very beautiful, hija" napangiti ako dahil sa naging papuri nito saakin.

"Your mother and father are very amazing in the showbiz industry." mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi nito. Nalaman ko na si Donya Asuncion pala ang pangalan ng amiga ni lola. Habang nag uusap sina Lola at Donya Asuncion ay nilibot ko ang paningin ko sa buong simabahan, gawa sa mga bato ang simabahan at mukhang luma na din pero mukhang laging iniingatan dahil mukhang bago pa din. Napahinto ang mga mata ko sa lalaking nakaputing t-shirt at jeans. Magulo ang pag kakaayos ng buhok nito, moreno ito at matangkad. He has sharp jawline, thin pinkish lips, he look years older than me, he looks very attractive. 

Napaawang ang labi ko nang huminto ito sa tabi ni Donya Asuncion. "Atein, by the way this is my apo Franco. " hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili akong nakatingin sakanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ilahad nito ang kamay saakin. Nang umangat ang tingin ko sa mukha niya ay nanatiling seryoso iyon at mukhang naiinip na dahil hindi ko inaabot ang kamay niya. 

Agad kong inangat ang kamay ko para makipag shake hands. Sanay naman akong makipag shake hands sa ibang tao pero bakit ngayon halos manginig ako. Agad niyang binitawan ang kamay ko at muling tumingin sa Lola niya. Andito ba ito para sunduin ang Lola niya? Agad kong inalis iyon sa isip ko at tinanggal ang tingin sakanya. Hindi ba ako nito kilala? 

"It's only nine, why don't we go to the clubhouse to play golf. " masayang sabi ni Donya Asuncion. Sumang-ayon naman si Lola at niyaya na kaming sumakay sa kotse. Nang makalabas na kami sa simabahan at nasa tapat na namin ang dalawang kotse na sa tingin ko ang isa ay kina Donya Asuncion. 

"Sa isang sasakyan nalang tayong lahat." sagot ni Donya Asuncion. Sa huli ay sa sasakyan kami ni Donya Asuncion sumakay papunta sa clubhouse. Nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang mga dinadaanan namin. Nang huminto ang kotse ay agad kaming bumaba. I saw Franco help the two ladies. 

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon