Chapter 19

71 3 0
                                    

Another school year starts. Parang kailan lang nang dumating ako dito, sa simula ay ayaw ko pa manatili dito dahil hindi ako pamilyar at wala akong kilala pwera lang sa Lola at Lolo ko. Maraming nangyari simula nang dumating ako dito, halos isang taon na din simula nang dumating ako sa probinsya na ito. Ang akala ko ay isang school year lang ako dito pero dahil sa mga komplikasyon na nangyari habang gumagawa sina mommy ng movie nila ay mas tumagal ang pananatili ko dito.

"So, hindi na matutuloy ang movie nila?" tanong ni Cassie saakin. Nasa classroom kami ngayon at naghihintay ng next subject namin. Nakuwento ko sakanya ang naging problema nina mommy at daddy.

"Itutuloy pa naman nila, nakulangan lang sila sa budget." sagot ko sakanya. Kaninang umaga ay hinatid ako ni Franco papunta dito dahil nasa kabilang campus lang naman ang senior high, same name pa din ng school pero ibang campus. Nang hinanap ko ang pangalan ko sa bulletin board kanina ay halos mapatili ako nang makita kong nasa section ako dati nina Franco. Nakaupo ako ngayon ay dating puwesto ng upuan ni Franco.

Ayaw pa sana kanina na tumabi saakin ni Cassie dahil nasa pinakaunahan daw, madali daw kami masita kapag nag uusap kami pero napilit ko pa rin siya. Nang dumating ang next subject namin pagkatapos ng recess ay nawala ang usapan namin ni Cassie.

"Mag seseryoso na talaga ako ngayong taon, gusto ko naman makapunta sa senior high building." sagot ni Cassie habang naglalakad kami papunta sa canteen, ang canteen namin ay ang nasa malapit sa grade 10 building at kung saan laging bumibili sina Franco noon. Mas malaki ito kaysa sa grade 7 to 9 na canteen at mas marami ang tinda, sa garde 7to 9 kasi ay mas healthy ang pinapakain doon.

Matapos namin mag order ay umupo kami sa bakanteng upuan. "Gusto mo lang makahanap ng gwapo sa senior high." biro ko saknya.

"Bakit?Ikaw ba?Ayaw mo bang maging senior high school next school year? Aminin mo magseseryoso ka din ngayon kasi gusto mo masundan si Franco." agad akong hindi nakasagot dahil sa mga paratang nito na totoo naman. I rolled my eyes at her that made her laugh.

"Anong pinag uusapan niyo?" tanong ni Alexander na kakarating palang. Ngayong taon ay hindi namin kaklase ngayon si Alexander. Nilapag nito sa mesa ang tray kung saan nakalagay ang pagkain niya at tumabi kay Cassie.

"Pinag uusapan namin na mag seseryoso na kami ngayong school year. Ikaw?Mag seseryoso ka na ba?' tanong ni Cassie. Bumaba kasi ang grade ni Alexander kaya naging section two siya ngayong taon. Lumabas ang nakaklaokong ngiti sa labi ni Alexander at agad inakbayan si Cassie.

"Sayo lang ako mag seseryoso." napangiti ako dahil sa banat ni Alexander kay Cassie. AGad naman tinanggal ni Cassie ang pagkakaakbay ni Alexander at agad piningot ang tenga nito dahilan kung bakit napangiwi si Alex.

"Diyan ka magaling sa mga banat mong luma na! Kaya ka nasa section two." pangangaral ni Cassie sabay bitaw sa tenga nito. Kinamot lang ni Alex ang tenga nito habang may ngiti sa labi. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan ng dalawang ito.

Nawala ang tingin ko sa dalawa nang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa at agad lumabas ang text message mula kay Franco.

Franco:

Lunch break niyo na?

Agad akong nagtype ng message para sakanya.

Me:

Yeah, I'm eating with Cassie and Alex. How about you?

Franco:

I'm also eating with Favio and some friends.

Agad akong nacurious kung sino ang mga friends na sinasabi nito pero bigla kong naalala ang mga lalaking kaibigan nito noong grade ten ito dito noon. Hindi ko maiwasang hindi tanungin sa sarili kung kasama ba sa friends na sinasabi nito si Madeline pero pakiramdam ko ay medyo territorial na ako pakinggan kapag nagtanong pa ako.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon