Chapter 10

99 6 0
                                    

Madaling lumipas ang mga araw at lumaganap sa school namin ang nangyari. Mabuti nalang at hindi nakaabot kina mommy dabil baka mag alala pa sila.

Absent ngayon si Cassie dahil nag kasakit siya. Nakatingin lang ako sa bintana habang hinihintay na matapos ang klase namin ni para sa lunch break.

"Sino yung gustong magdala nito sa klase ni Sir Santiago?" agad kong binaling ang tingin sa harap nang marinig ko ang pangalan ng adviser nina Franco. Matapos ang nangyari ay naging civil kami ni Franco, patuloy pa din ang pag lagay ko ng mga letters at minsan pagkain sa locker nito tuwing break o kapag library time nila.

Agad kong tinaas ang kamay ko at tumayo papuntang harap. Ngumiti saakin si Miss Aguinaldo at inabot saakin ang mga papel.

"Papirmahan mo lang ito sakanya tapos idala mo na sa principal office " tumango ako sakanya. Agad kong sinunod ang utos ni Miss Aguinaldo,yakap ko ang mga papel habang papunta ako sa grade ten building. Nang makarating ako sa corridor nila ay agad kong nilibot ang paningin ko.

Walang tao sa corridor at mukhang lahat ay nasa classroom nila at may klase. Nang nasa harapan ko na ang pinto ng classroom nila kaya agad akong kumatok sa nakabukas na pinto. Napahinto si Mr. Santiago maging ang mga estudyante nito.

"Good morning, Mr. Santiago Pinapapirma po sainyo ito ni Miss Aguinaldo. " sagot ko. Pinapasok ako nito sa classroom niya. Inabot ko sakanya ang mga papel. Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom nila hanggang mahinto ang mata ko sa pinakaunang row kung saan nakaupo si Franco.

Ngumiti ako sakanya habang tipid lang na tango ang binalik nito saakin. Lihim kong tinago ang kilig na nararamdaman ko dahil sa pagtango nito saakin.

Napatingin ako kay Mr. Sanyiago nang matapos na itong magpirma. Niyakap ko ulit ang mga papel bago mag pasalamat kay Mr. Santiago at bago ibaling ang tingin kay Franco.

"Bye Franco! " narinig ko ang hiyawan ng mga lalaking kaklase nito dahil sa sinabi ko. Hindi mawala ang ngiti ko habang palabas ako ng pinto nila. Nang makarating ako sa principal's office ay agad akong pumasok sa loob para ibigay ang mga papel na pinadala saakin ni Miss Aguinaldo.

"Good morning po, pinapabigay po ni Miss Aguinaldo. " nakangiting sabi ko sa principal. Ngumiti saakin ang principal bago ilahad ang kamay niya para abutin ang mga papel. Napatingin ako sa nakaupong babae sa visitor's chair nito. Hanggang balikat ang buhok nito at straight.

Hindi ito pamilyar at mukhang transferee din ito. Nag paalam na ako na aalis na.

Nang dumating ang lunch break ay mag isa akong kumain. Pagkatapos ay agad akong pumunta ss canteen para bumili ng pagkain na isasabay ko sa letter. Nang makapasok ako sa locker room ay agad akong pumunta sa tapat ng locker ni Franco. Hindi ko pa nakikita kung ano talaga ang itsura nun sa loob pero sa labas ay malinis ito dahil bawal naman talaga sulatan ang labas ng locker.

Siniksik ko ulit ang letter sa pinakagilid kung saan medyo bukas iyon. Ilang beses na din akong naglalagay dito kaya sanay na ako sa paglagay nito.

"Atein, what are you doing here? " gulat akong napatingin sa pinto nang marinig ko ang seryosong boses ni Franco. Nag lakad ito papalapit saakin kaya agad akong humakbang palayo sakanya. Bumaling ang tingin nito sa locker niya at binuksan iyon. Nahulog ang mga letters kasabay ang letter na ginawa ko.

Nang tumingin ito saakin ay agad akong napatayo ng maayos. Seryoso ang mukha nito na halos hindi ko mabasa ang iniisip nito ngayon.

"H-Hi Fra-"

"What are you doing here? " taking tanong nito. I pressed my lips together before opening my mouth. He squat and start looking for my letter. Nang hawakan nito iyon ay agad nitong hinarap saakin.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon