Chapter 15

96 4 0
                                    

Sa mga sumunod na buwan ay tanging school at bahay lang ang ginawa ko. Kung minsan ay pumupunta kami nina Cassie sa bahay nina Marina para mag bonding. Pinost ko din sa IG ko yung naging laro nina Franco noong Foundation Day ng school namin. Hindi ko pinakita ang mukha ni Franco pero kumuha ako ng selfie habang suot ang baseball cap na pinasuot nito saakin.

Habang pataas ako ng hagdan papuntang grade 10 ay sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Humigpit ang hawak ko sa paper bag Christmas party namin ngayon, kakatapos lang ng activities namin sa classroom namin. Puro palaro at exchange gift ang ginawa namin.

I also gave Cassie a gift, may regalo din ako para kay Marina pero hindi ko pa nabibigay.

Nang makarating ako sa pintuan ng classroom nina Franco ay agad akong sumilip sa loob. Nilibot ko sa buong room kung anduon ba si Franco.

"Atein, anong ginagawa mo dito? " napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Erick. Ngumiti ako sakanya. Isa ito sa mga kaibigan ni Kuya Favio na kaklase ni Franco.

"Ah, hinahanap ko lang si Franco. " agad sumilay ang ngiti nito sa labi nang sabihin ko iyon. Agad itong pumasok sa loob.

"Nasaan si Franco?" tanong ni Erick sa mga kaklase nito na nasa loob ng classroom nila.

"I'm here!" agad tumindig ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang malamig na boses ni Franco sa likod ko. Nang humarap ako sakanya ay agad itong tumayo ng maayos. He licked his lower lip that made it look more pinkish.

"Andiyan ka pala e. Hinahanap ka ni Atein. " sagot ni Erick. Ibinaling ni Franco ang atensyon niya saakin. Nasa harap pa din kami ng pinto ng classroom nila at ramdam ko ang tingin sa likod ko ng iba nitong kaklase.

Tinaas ko ang paper bag na dala ko. "M-Merry Christmas, Franco. " I cleared my throat. Kunot-noo itong nakatingin sa paper bag bago nito kunin iyon. Lihim akong napangiti dahil doon.

Nabg buksan nito ang laman ay bumungad sakanya ang isang rolex watch. I pressed my lips together waiting for his reaction. Wala na kasi akong maisip na ibang ireregalo sakanya at sa tingin ko ay karamihan sa mga lalaki ay madalas relo ang gustong iregalo sakanila.

"Do you like it?" I asked him.

"You don't have to spend your allowance for me." agad akong umiling dahil sa sinabi nito.

"Ipon ko 'yan. Kaya hindi na ako madalas naglalagay ng mga chocolate sa locker mo para makabili ako niyan. " sagot ko sakanya. Dahan-dahan itong tumango saakin.

"Franco!" napatingin ako sa likod ni Franco nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Madeline. Sagad hanggang mata nito ang ngiti habang nakatingin kay Franco. Lumapit ito sa pwesto namin at hindi man lang ako tinapunan ng tingin sa halip ay bumaba ito sa regalo ko na hanggang ngayon ay hawak pa din ni Franco.

"Thank you sa gift mo." agad nawala ang sayang naramdaman ko kanina nang marinig ko iyong lumabas sa bibig ni Madeline. Nang tumingin ako kay Franco para kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ni Madeline pero tanging tango lang ang naging sagot ni Franco.

Hindi ko na hinintay pa ang pag alis ni Madeline dahil agad akong nag lakad paalis sa room nila. There was a weight on my chest as I walk down the stairs. Cassie greeted me with a smile on her face as i returned to our classroom. She snatched my hand and pulled me into the game.

"Kanina pa kita hinahanap." sagot ni Cassie habang nag hihintay kami na mag stop yung tugtog. "Saan ka ba galing?Naglaro na kami kanina ng paper dance pero wala ka kaya si Alexander yung ginawa kong partner." sabay kami huminto sa pag galaw nang huminto din ang tugtog. Nagkaroon din ako ng oras para makapag isip ng magiging palusot ko sakanya.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon