Chapter 11

87 4 0
                                    

I doubled-checked my appearance in the mirror in front of me. Today is the day when Franco and I will meet at the cafe. It was only two o'clock in the afternoon when I was getting myself ready. Naglagay ako ng clean make up look sa mukha ko para mag mukhang presentable. Napangiti ako nang makita kong maayos na ako tingnan. I am wearing sage green dress. Nakalugay lang ang buhok ko. Nang makita kong maayos na ang itsura ko ay agad akong bumaba sa sala.

Nakapag paalam na ako kina Lola na may pupuntahan ako ngayong araw kaya agad akong nagpahatid sa driver namin papuntang cafe na bagong bukas. Nilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung may message ba si Franco. I pressed my lips together when I saw him already seen my message that says "otw".

Nang huminto ang kotse ay agad akong bumaba at agad pumasok sa cafe. Medyo marami ang tao dahil opening nito kaninang umaga. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin kung andito na ba si Franco. Napahinto ang mata ko sa lalaking nakatalikod mula sa pwesto ko at nakaupo malapit sa bintana. Agad akong lumapit sa pwesto niya.

"Franco!" tawag ko sa pangalan nito. Nang umangat ang tingin nito ay hindi mawala ang ngit sa labi ko. Umupo ako sa tapat nito.

"Kanina ka pa?" hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil mukhang natagalan ako sa pag-aayos. Tipid itong umiling. Nag simula kaming mag order ng kakainin namin.

"Ako ang mag babayad ng ioorder nating dalawa. " pag papaalala ko sakanya. Kukuha na sana ako sa sling bag ko ng pera para maka order na ako pero agad nitong hinawakan ang kamay ko dahilan kung bakit natigilan ako. I felt electricity surge into my hand, as we touched our hands.

"Just save your allowance. I will pay for us." tinago ko ang ngiting gustong lumabas sa labi ko dahil sa sinabi nito. He's very gentleman.

"I invited you to come here, so it's embarrassing that you have to pay." sagot ko pa.

"Save your money for next time." hindi ko na napigilan pa ang ngiting lumabas sa labi ko dahil sa mga salitang sinabi nito. Inaasahan ba nitong magkikita ulit kami kaya nito sinabi iyon. I composed my thoughts, before talking with him.

"May next time...pa?" mahinang tanong ko.

Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ng mukha nito na mukhang hindi inaasahan ang naging tanong ko, pero agad naman itong nawala. He's good at covering his emotions.

"Consider it payment for the Choco Mallows you gave me." tumango ako sa sinabi niya dahil alam ko naman na hindi ito mag papatalo. Sabay kaming tumayo para mag order sa cashier. Nakatingin ako sa menu nila sa likod ng cashier at pinag iisipan ng mabuti kung ano ang masarap kainin.

"What do you want?" napabaling ang tingin ko sakanya nang tanungin niya ako. Mahinahon ang boses nito na mukhang handang mag hintay sa oorder-in ko. Hanggang balikat lang ako nito dahil sobrang tangkad nito.

"I'll order Dark Chocolate Champagne cake please and shake." sagot ko sakanya. Agad itong tumango at muling tumingin sa cashier para sabihin ang order namin. Nang matapos kaming mag order ay muli kaming bumalik sa upuan namin para hintayin ang order namin.

"I heard you know how to play equestrian." pag sisimula ko ng usapan. He looked at me and nodded his head. I searched his family on the internet and I can say that they are really a private person unlike us. Tanging pangalan lang ng company nila at mga basic information nila ang alam ng Google.

"Kailan ka nag simulang matuto?" tanong ko ulit.

"Since I was 10, me and Favio joined my two other Kuya. " namangha ako dahil doon. I'm now fifteen pero takot pa din ako sumakay ng kabayo. Naputol ang pag uusap namin nang dumating na ang order namin. Nag simula na kaming kumain. Palihim akong tumitingin sakanya at makikita ko siyang seryosong nakatingin sa pagkain niya.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon