Chapter 12

78 5 0
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kahapon sa Library. Wala naman nakapansin ng ginawa ko kay Angela pero sinabi ko pa rin iyon kay Cassie. I feel guilty while saying it to her.

"Atein!" napaangat ako ng tingin nang marinig kong tinawag ako ni Bianca. Kumunot ang noo ko dahil doon na parang nagtatanong kung bakit. Agad nitong pinag krus ang braso niya bago tumingin saakin. Mukhang late ang next subject namin dahil ilang minuto na simula nang matapos ang break time namin.

"Why?" I asked her.

"Ano yung pinost mo sa IG?" tanong nito.

"Picture ko." simpleng sagot ko sakanya.

She rolled her eyes at me. Sinandal nito ang bewang niya sa mesa ko. "Oo, alam kong picture o iy-"

"Alam mo naman pala, bakit ka pa nag tatanong?"

"Ang gusto ko lang malaman ay kung mag kasama ba kayo ni Kuya Franco?"

"Bakit? Pinapatanong ba 'yan ni Madeline?" tanong ko pabalik. Agad itong nag iwas ng tingin saakin at sa ginawa nito ay nasagot na nito ang tanong ko. I crossed my legs before looking away and minding my own business. Napaawang ang labi ko nang bigla nitong tulakin ang table ko dahilan kung bakit natumba iyon at bumagsak sa paa ko.

Dahil sa sigaw ko ay napatingin saamin ng ibang kaklase ko. Nakita ko ang pag awang labi ni Bianca dahil sa ginawa niya. Nang-init ang mata ko dahil sa papatulong luha. Lumapit saakin si Cassie at agad tumingin sa paa ko. Binaling nito ang tingin kay Bianca at agad itong tinulak palayo.

"Gaga ka ba?!" malakas nitong sigaw na halos nakaabot sa corridor.

"Nauna siya!" sagot ni Bianca.

"No! Nauna ka!" sigaw ko sakanya. Pumunta sa pwesto ko si Cassie at agad tinggal ang sapatos ng suot ko. Napaawang ang labi ko nang makita kong namamaga iyon. Mapupula ang mga daliri ko sa paa dahilan kung bakit tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Bitch!" malakas kong sigaw dahilan kung bakit nag singhapan ang mga kaklase ko.

"What happened here?" napatingin sila sa pinto nang marinig ang seryosong baritonong boses na iyon. Bumalik sa kaniya-kaniya nilang upuan ang mga kaklase ko dahilan kung bakit mas nakita ko kung kanino galing ang boses na iyon. Nag lakad palapit sa pwesto ko si Franco. Lumuhod ito at agad bumaba ang tingin sa paa ko.

I saw his jaw clenched before looking at my other classmates. "Your next subject is absent for today but he gave you an activities." inabot nito sa presidents ng room namin ang libro at agad may pinasulat sa blackboard.Pinunsan muna nito ang luha sa pisngi ko bago tumalikod at agad nag squat.

"I'll take you to the clinic." sabi nito at agad naman akong inalalayan ni Cassie para makasampa ako sa likod ni Franco. Kagaya noong binuhat din ako nito ay nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya habang siya naman ay nasa legs ko ang kamay. Nag simula itong mag pababa ng hagdan habang ako naman ay nakabaon ang mukha sa likod nito.

Napapatingin saamin ang mga ibang estudyante kapag dumadaan kami sa corridor nila dahilan kung bakit mas nahihiya ako. Nang makarating kami sa clinic ay agad kaming sinalubong ng nurse. Pinaupo ako sa isang bed doon at kumuha ng yelo. Napatingin ako kay Franco na nakaupo sa kabilang side ng kama habang seryosong nakatingin sa nurse na kumukuha ng yelo.

Nang bumalik ang nurse ay agad tumayo si Franco at nag presintang siya na ang mag lalagay nun sa paa ko. Nakasandal ang paa ko sa lap nito habang siya naman ay hawak sa tuhod ko habang nilalagyan ng ice ang namamaga kong paa.

"What happened before this happened?" I looked away. Iniisip ba nito na ako ang nauna sa gulo?

"I don't know..." I whispered.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon