Chapter 13

80 3 0
                                    

Kinaumagahan ay pumunta kami sa bahay nina Marina. I'm wearing a simple red dress na umabot hanggang tuhod ko. Bumaba agad ako nang sasakyan namin at agad pumasok sa loob ng bahay nina Marina.

Agad kong nakita sina Cassie at Marina na naghihintay sa sala nila. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo para salubungin ako. Wala pa rin alam si Marina sa pagkagusto ko sa Kuya nito.

Nag paalam kami kina Tita Aliza na pupunta kaming clubhouse para mamasyal doon. Nang makarating kami doon ay agad kaming sumakay sa golf cart papuntang bowling room.

"Like Duh! It's just a number! " sagot ni Cassie at pinagulong ang bowling bowl. Humarap ito saamin ni Marina habang nakakrus ang kamay sa dibdib nito. Kanina pa ito nag kukuwento kung ilang beses siyang kinumpara ng magulang niya sa ate nito na nasa States nag aaral.

"Yeah. I agree with you. " sagot ni Marina.

"Wag ka nga diyan, Marina. Alam naman naming lahat na matalino ka!" sagot ni Cassie. Napangiti ako dahil doon. Nag paalam si Cassie na pupuntang baby dahilan kung bakit naiwan kaming dalawa ni Marina.

Napatingin ako sa entrance ng bowling room nang bumukas iyon at agad niluwa si Franco at Kuya Favio. May ngisi sa labi si Kuya Favio habang seryoso naman ang mukha ni Franco na nasa likod ni Kuya Favio. Nang magtama ang mga mata namin ni Franco ay agad nag init ang pisngi ko.

"Hey, sis! " Bati ni Kuya Favio kay Marina.

"Susunduin niyo na agad si Marina? " napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Cassie na may dalang juice.

"Grabe naman yang bunganga mo, Cassie! Ang lakas! " natatawang biro ni Kuya Favio kay Cassie. Nilagpasan lang siya ni Cassie at inabot saamin ang juice na dala nito.

"Hindi pa namin susunduin si Marina. Nagyaya kasi si Franco na pumunta dito. Hindi ko alam kung anong hangin ang tumama dito." biro ni Kuya Favio. Bakas sa mukha ni Franco ang pagkainis sa kakambal niya.

"Let's play, then! " agad sumang-ayon ang lahat nang sabihin iyon ni Kuya Favio. Paramihan lang nang matumbang bowling pins.

Napatingin ako kay Kuya Favio nang siya na ang titira. Tinaas nito ang dalawang kamay na parang may nag che-cheer sakanya. Agad kaming napahalakhak dahil sa ginawa nito.

Nang ako na ang titira ay agad akong tumingin sa pwesto ni Franco. Hawak nito ang bowling bowl habang seryosong nakatingin saakin. I smiled at him. Ang pinagulong ko na ang bowling ball ay may dalawang bowling pins pa ang nanatiling nakatayo.

Sinalubong ako ni Kuya Favio at binigyan ako ng high-five. Nang si Franco na ang titira ay ibinaling nito ang tingin sa pwesto ko. I distracts him by holding up two giant green bowling balls to my boobs.

He shakes his head before smirking. Napangiti ako dahil doon at agad umiwas ng tingin. Ramdam ko din ng ang pang iinit ng pisngi ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Nang matapos kaming mag laro ay agad kaming umupo sa couch doon para magpahinga. Kinausap sina Kuya Favio para kumuha ng makakain namin sa clubhouse. Kaming dalawa nalang ni Marina ang nanatili sa bowling room. Sa tingin mo ay wala pa naman itong alam tungkol sa pagkagusto ko kay Franco.

Nang humarap ito saakin ay agad itong ngumiti. I feel like I'm keeping a secret to her kahit na hindi ko din alam kung ano ba talaga kami ng kuya niya. Nang hawakan nito ay dalawang kamay ko ay agad akong napaupo ng maayos.

"Be honest with me please. " biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito. I pressed my lips together. May alam na ba ito?

"Sure!" I answered her.

She smiled. "May something ba sainyo ni Kuya Franco? " nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito, kahit inaasahan ko na na iyon ang itatanong niya ay nagulat pa din ako.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon