Chapter 25

104 2 0
                                    

Lumipas ang mga linggo na wala pa rin may alam kung sino ang ipapakasal sa mga anak ng Castillo. Nang tanungin ko sina Lola kung ano ang business ng mga Guadalupe ay agad nitong sinasabi saakin na katulad nina Franco ay may hacienda rin daw ito pero nasa ibang lugar. I also do research about the daughter of the Guadalupe Family at nalaman ko na si Fare Guadalupe ang ipapakasal sa isa sa magkakapatid. 

Minsan ko na siyang nakita na kasama ni Kuya Favio noon. Kahit lumabas ang balitang iyon ay patuloy pa rin ang pagsundo at paghatid ni Franco saakin sa school. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi nina Andrea nang makasalubong ko sila noon sa corridor ng building namin. 

"Napaka desperada mo talaga, Atein! Kahit alam mo nang ikakasal na 'yung tao ay hindi mo pa rin tinitigilan." biglang uminit ang ulo ko at kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi nito kaya nahampas ko siya ng dala kong Araling Panlipunan na libro. Naging dahilan iyon kung bakit nagkagulo sa corridor namin. Dahil may nakakitang ako ang unang nanghampas ng libro ay ako ang nagkaroon ng punishment. 

Dala-dala ko na ngayon lagi ang Araling Panlipunan kong libro, medyo may kakapalan din naman ang librong iyon kaya umiyak agad si Bianca nang hinampas ko silang dalawa ni Andrea. 

Lumipas ang buwan ay nawala na rin sa isip ng mga tao kung sino sa magkakapatid ang ikakasal na. Last quarter na namin ngayon. Sa mga lumipas na quarter ay mas naging maayos ang mga grades ko, kampante na akong hindi ako uulit ng grade ten. Naging malaking tulong na rin ang pag tutor saakin ni Franco at sabay naming pag reveiw tuwing may exam kami. 

Ngayon Sabado ay pupunta kami sa clubhouse para mag golf. matagal-tagal na din simula nang huli naming punta doon. Nang makarating kami doon ay agad kaming pumunta sa golf course. Hindi pa naman masyadong mainit at may bubong naman kaya hindi nakaksilaw. I am wearing a white skater skirt and tank top and also Franco's baseball cap. 

Nakaupo lang ako sa isang upuan doon habang tinitingnan sina Franco maglaro. Kasama namin ngayon ang mga kapatid ni Franco at si Cassie. They looked really good while playing golf. Humigop muna ako ng juice ko bago ibaling ang tingin sa mga kasama ko na nakaupo rin sa upuan. 

"I don't really understand him!" pag ra-rant ni Cassie. Dahil nanaman ito kay Alex dahil nag away ulit sila kahapon. Bakas sa mukha ni Cassie ang panggigigil dahil sa namumula nitong mukha. 

"You know what! Boys will always be boy!" sagot ni Aprina sabay tingin kay Kuya Flavio na nakikinig pala saamin. Ngumisi ito bago lumapit kay Aprina at agad hinawakan ang magkabilang pisngi nito at agad hinalikan ang labi. Biglang tumili si Cassie dahilan kung bakit napatingin saamin sina Franco. Nakakunot ang noo nito pero agad ding sumilay ang ngisi nang makita ang ginagawa nina Kuya Flavio at Aprina. They're now eating each others lips. 

Agad namula ang mukha ko nang makitang mas tumatagal ang halikan ng dalawa na parang sila nalang dalawa ang nasa golf course. They are also an arrange marriage, but they appear to be comfortable with each other. Would they be like Kuya Flavio and Aprina if Franco was chosen to marry the Guadalupe's daughter? Dumilim ang paningin ko nang takpan ni Franco ang mga mata ko gamit ang palad niya. 

"Are you feeling envy? You really like kissing, huh!" tumindig ang balahibo sa katawan ko nang bumulong si Franco sa tenga ko, agad namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nito at agad tinanggal ang kamay nito sa mga mata ko. 

"Don't tempt me." sagot ko sabay ngisi. 

Mukhang tapos na sina Kuya Flavio dahil umiinom na sila ng juice. Hinila ako patayo ni Franco papunta sa puwesto nila kanina noong nag g-golf sila. Inabot nito saakin ang gold club at nagsimula na kaming dalawa. 

Sa clubhouse na rin kami kumain pagkatapos naming mag golf. Hindi na rin naman kami nagtagal doon dahil may gagawin din ang iba. 

***

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon