Chapter 24

105 4 0
                                    

February comes like a flash. Araw nanaman nag mga puso. Habang papasok ako school ay hindi mawala sa isip ko kung bakit hindi ako sinundo ni Franco kanina. Maybe he's busy?

Habang naglalakad sa corridor ng building namin ay napaawang ako sa bintana ng isang classroom ng grade ten din. I saw a boy holding a flowers and chocolate while the girl is smiling to him. They look cute. Todo tili naman ang mga kaklase nito.

Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Agad akong sinalubong ni Cassie.

"Oh! Anyare sayo? " salubong nito. Naglakad ako papunta sa upuan ko at agad tumingin sakanya.

"Hindi si Franco sumundo sayo? " takang tanong nito.

"Hindi. Baka busy lang siya kaya hindi niya ako nasundo. " sagot ko sabay labas ng cellphone ko para tingnan kung may message ba ito saakin. Napasalampak ako sa upuan nang makita kong wala.

"Baka nga may ginawa lang o baka may pasurprise sa'yo mamaya. " mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nito.

Nang dumating ang lunch break namin ay sinundo kami ni Alex sa classroom namin para sabay-sabay kaming pumunta ng canteen. Nang makarating kami doon ay agad kaming nag order ng ulam namin.

"Oh! " napa angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Alex. Seryoso ito at walang bakas ng pagbibiro. May hawak itong isang red rose habang may Ferrero Rocher na hugis heart. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Cassie habang nakatingin sa inaabot ni Alex.

"W-what... " sa tingin ko ay hindi alam ni Cassie kung ano talaga ang gusto niyang sabihin kay Alex. Sakanilang dalawa ay hindi malinaw kung ano talaga ang turing nila sa isa't isa pero halos lahat naman ay alam na gusto nila ang isa't isa. Nauunahan lang sila ng inis.

"Sa'yo 'yan! Tanggapin mo na. Sayang yung pera ko mabili lang 'yan. " sagot ni Alex sabay kamot sa batok nito. Napalitan naman agad ang reaksiyon ng mukha ni Cassie, mula sa gulat ay napunta sa inis at agad nitong kinuha ang chocolate at bulaklak. Palihim naman akong napangiti dahil doon.

Sabay-sabay ulit kaming bumalik sa classroom namin. Nasa tapat na kami ng room ng section namin nang makita ko ang apat na lalaking nakatayo sa mismong pinto namin dahilan kung bakit nahaharanagan ang daraanan namin.

May kanya-kanya silang dalang tig-iisang bulaklak na iba't iba ang kulay.

"Andyan na pala si Atein e. " sabay-sabay na humarap saakin ang apat na lalaki. Nang makita nila ako ay agad silang ngumiti.

"Hi! " bati ko sakanila.

"Atein, kanina pa naghihintay ang apat na iyan na bumalik ka. " sagot ni Issa na nakasilip sa bintana.

Nang ibaling ko muli ang tingin ko sa apat na lalaki ay bigla silang nagtulukan kung sino ang mauunang lalapit saakin. Taga ibang section sila. Lumapit saakin ang isang lalaki na may dalang Tobleron na chocolate at agad inabot saakin.

Namumula ang tenga nito habang nakatingin saakin.

"Happy Valentine's Day, Atein!" bati nito at agad naman sumunod na nagbigay ang tatlo pang lalaki.

"Thank you! " sagot ko sakanila.

"Hoy Joshua! Bakit ka andito? " mayabang na tanong ni Alex na sa tingin ko ay kaklase nito ang naunang lalaki.

Agad naman napakamot muli sa ulo ang lalaki. "Panira ka naman, Alex!" hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi nito. Napailing nalang ako dahil doon.

 Nang tumunog na ang bell ay dali-dali silang tumakbo paalis maging si Alex ay nakitakbo na rin.

"Ang dami naman niyan! Hindi ka ba magkaka diabetes niyan!?" tanong ni Cassie nang makita nito ang mga chocolates na bigay saakin.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon