Chapter 7

111 5 0
                                    

Hindi maalis ang tingin ko sa natatanging notification ko sa IG. Maraming notification iyon pero hindi mawala ang tingin ko sa isa. Galing iyon kay Franco. Hindi ako makapaniwala na gumawa nga siya ng Instagram account niya.

We're already mutuals. Wala pa siyang post o kahit story man lang. He's really a private person. IIbang-iba siya sa account ko na maraming highlights and post from different brands na in-endorse ko.

Hindi ko maiwasang hindi mas lumawak ang ngiti ko nang makita ko na ako palang ang fina-follow nito. Nawalan ako ng lakas ng loob pa na i-message ito dahil sa mga nangyari noon pero may nakampante naman ako dahil alam kong okay lang kami.

Nawala ang tingin ko sa account ni Franco nang mag message sa group chat namin si Cassie.

Cass: One of my friends from the other school invited me to their end of summer party.

Hindi pa online si Marina kaya hindi pa nito makita ang message ni Cassie kaya ako naman ang nag reply.

Me: Really?

Nakapunta na din ako sa mga party before, dahil lang naman iyon sa mga after the show party noong nag momodel pa ako. Siyempre pinapasama ako ni mommy dahil baka may makilala akong ibang designers na pwedeng kumuha saakin.

Cass: Yeah! I said that I'm bringing friends. Let asked Marina first if she can come.

Me: Mag papaalam muna ako kina Lola.

Iba si mommy at iba din sina Lola. Kailangan ko pa din  ng opinyon nila sa mga ganitong bagay but I really want to go. Hindi naman nagtagal ay nag online na din si Marina.

Marina: I can't go, but you can go, guys. Just send me some pics.

Agad kong nag type. Alam naman siguro ng lahat na mahigpit talaga si Donya Asuncion sa pinakabata nitong apo.

Me: Mag papaalam muna ako kina Lola.

Cass: Okay! Just message me kapag pinayagan ka or pwede naman ako ang mag paalam para sa'yo.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Cassie. After I replied bumaba ako sa sala para puntahan sina Lola. Agad ko silang nakita na kusina habang nakaupo sa dining area namin. Lumapit ako sakanya at umupo sa tapat nilang upuan.

I cleared my throat. Ilang linggo pa lang ako dito sa bahay nila at hindi pa ako masyadong pumapasyal sa ibang lugar pwera lang sa clubhouse at sa bahay nina Marina.

"Do you need anything, Atein? " u nodded my head.

"Niyaya po kasi ako ni Cassie na pumunta sa summer end party ng friends niya," pag sisimula ko. Nanatili silang tahimik at hinihintay ang idudugtong ko.

"Kung pwede po sana sumama ako. " sagot ko. Tumango si Lola dahilan kung bakit mas naexcite ako.

"Pwede ka naman sumama, alam ko naman na nakapunta ka na sa mga ganiyang party noong nasa Manila ka pa. This will be a good chance to make new friends here, but drink responsibly." napangiti ako dahil sa sinabi ni Lola. Agad akong lumapit sakanila at niyakap sila ng mahigpit.

Matapos naming kumain ng hapunan ay agad akong pumasok sa kwarto ko para sabihan si Cassie na pinayagan ako. Sinabi nito saakin ang araw at oras ng party. Bukas ng gabi ito gaganapin at susunduin naman ako ni Cassie dito sa bahay para sabay kaming pumunta sa party.

Sabi ni Cassie ay kahit simpleng dress lang daw ang isuot ko at magdala din ako ng swim suit dahil baka pool party din iyon. Mabuti nalang at may mga ilang dala akong pang swimming na damit.

***
Mas napaaga ang punta ni Cassie sa bahay namin. Seven pa ang house party na pupuntahan namin pero andito na agad si Cassie dahil dito na daw siya mag aayos. Matapos akong maligo ay agad akong nag ayos ng damit na susuotin ko.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon