Chapter 5

128 6 0
                                    

"Atein, nila is Miss Charmaine. She will be your ballet instructor." I was only 7 when my mother introduced me to Miss Charmaine as my ballet instructor. I couldn't help but be thrilled at first since I was learning to dance the ballet. Sa unang lesson namin ni Miss Charmaine ay nahirapan ako. She said that it's normal for beginners. Sa mga sumunod na lesson ay akala ko gumagaling na pero nasa isip ko lang pala iyon. 

Tumatakbo ako at nagmamadali papunta sa dance studio ni Miss Charmaine pero napahinto ako sa pinto nang makita ko si Mommy na nakatayo sa harap ni Miss Charmaine. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Miss Charmaine. Nanatili akong nakatayo sa pinto at pinapakinggan ang sinasabi ni Miss Charmaine. 

"Isang buwan na po simula nang simulan kong turuan si Atein pero hanggang ngayon po ay hindi niya ma stretch ng maayos ang legs niya. Misan din po hindi niya ako maintindihan at minsan ay nalulutang ito habang tinuturuan ito." I bit my lower lips. Hindi naman sinasabi ni Miss Charmaine na ganito na pala ang ginagawa ko o mali na pala ang ginagawa ko. 

"That's alright." seryosong sabi ni mommy bago maglakad palabas kung nasaan ako. Hindi man lang ito nagulat nang makita ako sa labas ng pinto at mukhang alam pa nito na narinig ko ang sinabi ni Miss Charmaine. 

"Let's go, Atein." malamig nitong sabi bago lagpasan ako. Bumaba ang tingin ko sa pointe shoes na suot ko bago ibaling ang tingin kay Miss Charmaine. 

"I'm sorry po." mahinang sabi ko sapat na para marinig niya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito nang maglakad ako palabas ng dance room. Hindi ako kinausap ni mommy hanggang sa makarating kami sa bahay. Simula noon ay napapansin ko na may mali saakin pero binalewala ko iyon. 

Sa mga sumunod na buwan at taon ay kung saan-saan ako pinasok ni Mommy, piano class, art class, at kung ano-ano pang class. Narinig ko sa mga maids namin na nagsasayang lang daw ng pera si mommy sa pagpasok saakin sa kung ano-anong class dahil hindi naman daw ako natututo. Matapos ang piano class na hindi ko naman nagustuhan ay hindi na muli iyon nasundan. 

Nanatili nalang ako sa bahay namin at mag-isa tuwing may trabaho sina mommy at daddy. Kaya ganuon nalang ang naramdaman ko nang malaman kong marunong mag ballet si Marina. Donya Asuncion and Tita Aliza must be proud to her. Napunta ako sa pag momodel noong sinama ako ni daddy sa isang photo shoot ng movie nito. It look so easy because you only need to do what the photographer says. 

When I told my mother about modeling she immediately called some agency until she found one. Mommy's face is still serious as I show my pictures, but deep inside I'm happy because I've found something I like. 

"Ano sa feeling ang maging anak ng artista?" napatingin ako kay Cassie nang itanong niya iyon. Andito kami sa garden ng bahay nina Lola. Wala si Marina ngayon dahil may summer class ito na si Donya Asuncion mismo ang nagpasok sakanya. 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Cassie dahil maging ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Masaya di ba?" tanong niya ulit. Ngumiti nalang ako sakanya bago tumango. Siguro masaya pero madalas malungkot kagaya ngayon. Every body loves fame and popularity but sometimes it wasn't enough.  Inalis ko iyon sa isip ko at iniba nalang ang topic para gumaan ang pakiramdam ko. 

"Punta tayo sa bahay nina Marina mamaya, mangabayo tayo." napangiti ako dahil sa sinabi ni Cassie. Tumango ako sakanya bilang pag sang-ayon. Sa mga nakalipas na araw ay madalas kaming tumatambay sa bahay nina Marina. Hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakapunta sa rancho nila dahil sunod-sunod ang ulan peor ngayon ay sumikat na ang araw. 

***

Agad kaming sinalubong ni Marina nang makita niya kaming papasok ng bahay nila. Hinila nito ang kamay namin papasok sa loob  at papunta sa dining area nila. Agad naming naabutan sina Tita Aliza at Tito Miguel na nag memerienda. Ngumiti ito saamin.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon