Chapter 21

89 3 0
                                    

Nang dumating ang Lunes ay maliit lang na bag ang gamit ko dahil exam lang naman. Pagdating ko sa school ay maayos na magkakahiwalay ang mga arm chair, malalayo ang agwat nito sa isa't isa. Umupo ako kung saan ako dating nakaupo. Lahat sila ay may hawak na reviewer, yung iba ay naka print at yung iba ay nakasulat sa notebook, yellow pad at tablet paper.

"Nag review ka?" agad na tanong ni Cassie nang makita ako.

"Yeah, noong Saturday tsaka kahapon." sagot ko sakanya. "Ikaw?"

"Kaunti lang, hindi ko pa natatapos ang iba." sagot nito.

"MAy break time naman kaya puwede ka pa mag review." sagot ko sakanya. Tumango ito kasabay ng pag dating ng adviser namin na may dalang mga test paper. Nag bigay ito ng instruction sa bawat subject na sinasabi nito, pinalagay din nito sa harap ang mga bag at tanging papel, test paper, ballpen lang ang nasa mesa. Nang magsimula ang exam ay katahimikan ang namayani sa buong classroom namin.

Panay ang libot ni Sir Santiago. Nang mag break time na ay kanya-kanya ulit dala ng mga reviewer nila ang mga kaklase ko para sa canteen na mag review. Sa buong maghapon namin sa exam ay nangalay ang leeg ko sa kakayuko para mag answer.

"Cleaners, mag paiwan kayo." sigaw ni Cassie. Tuwing Lunes ay sila ang cleaners ng classroom namin habang kapag Wednesday naman ay ako ang cleaners. Nag paalam ako kay Cassie na mauuna na akong umuwi dahil baka nag hihintay na ang sunod ko sa labas.

"Ihahatid ka ni Franco?" tanong ni Cassie habang nagpupunas ng blackboard gamit ang basang basahan.

"Baka hindi siya ang sumundo saakin ngayon, kasi exam din nila." agad itong tumango sa sinabi ko at nag paalam na.

Habang palabas ako ay may mga kasabay din akong ibang estudyante na palabas rin ng gate namin. Napahinto ako nang makasalubong ko si Alex na pabalik sa loob ng school namin.

"Nasaan si Cassie?" takang tanong nito.

"Nasa room pa. Cleaners iyon ngayon." agad itong tumango bago mag simulang mag lakad papunta sa building namin. Napagtuloy na rin ako sa paglalakad papuntang waiting shed para tingnan kung anduon na ba ang sundo ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Manong David na sundo ko ngayon.

"Manong, mauna na po kayo umuwi. May pupuntahan lang po ako." sumilip ako sa bintana nang sabihin ko iyon.

"Baka hanapin ka ng Lola at Lolo mo saakin kapag nakitang hindi kita kasama." sagot nito.

"Huwag po kayong mag alala, madali lang naman po ako. " sagot ko sakanya at hindi naman nagtagal ay pumayag na rin ito. Hinintay kong makaalis ito bago ako pumara ng tricycle at pumunta sa school ni Franco. Nang makarating ako doon ay agad akong nag bayad sa driver at pumunta sa guardhouse.

May mga nag sisilabasan na ring ibang estudyante. Mas malawak ang Senior High campus kaysa sa Junior High campus.

"Sino po ang hinahanap nila? " agad akong ngumiti sa guard nang tanungin ako nito.

"Um, kilala niyo po ba si Franco El Salvador?" tanong ko.

Agad lumiwanag ang mukha nito na parang kilala ang tinutukoy ko.

"Hindi pa lumalabas pero malapit na rin ang uwian nun. Kung gusto mo dito mo nalang hintayin para makita ka kaagad. " ngumiti ako sakanya at gaya nga ng sinabi nito ay umupo ako sa bakateng upuan doon.

Nilabas ko muna ang cellphone ko para hindi ako mabored. Napaangat ako ng tingin nang marinig ko na ang sunod-sunod na paglabas ng ibang estudyante. Nilibot ko ang paningin ko para makita si Franco.

Nang makita ko ito ay kasama nito sina Erick, Kuya Favio, Garrett, Angela, at Gate na noon pa man ay kaibigan na nila. Madalin ko lang din sila nakita dahil sa matataas sila at dahil na rin sa grupo nila.

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon