01

1.2K 22 0
                                    

"Grabe, ang taas ng ratings ng movie mo Ma'am!" Sigaw ni Sam, assistant ko. Naka upo kami sa may sala at nanonood ng TV, sa bahay ko.

"Well," Mayabang na sambit ko at ngumuya ng chips.

Premier kasi kahapon ng ika-pang thirty na movie ko, ngayon lang kami na-update sa ratings.

"Mas tataas iyan kung may ka-loveteam." Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Jen, manager ko sa showbiz industry.

"Love team? I can grow without them." Sagot ko, napairap si Jen at umupo sa tabi ko sabay kuha ng chips.


"Ang yabang!" Singhal ng demonyong si Jen sabay kuha ng cellphone kay Sam para tignan ang ratings at nanlaki ang mga mata n'ya sa nakita.


"Oh my God! 7 out Of 10! In just one day?!Grabe, kakaiba talaga ang mga karisma ni Alexa!" Gulat na sambit ni Jen.


"Sabi na sa'yo,hindi ko kailangan ng kapartner." Kampanteng sagot ko.



"Sorry! Nagkasundo na kami ng management." Sagot n'ya at umirap.


"Whatever," Sanay na ako sa manager kong ito na laging nauuna sa mga desisyon ko, hinahayaan ko nalang sila kasi para din naman 'to sa ikakaganda ng career ko.


Love team? I don't care, basta ang mahalaga ay kumita ako ng hindi bababa sa thrice of million in a year.


"Malay mo naman Ma'am, iyon na 'yung maging jowa mo!" Pagsingit ni Sam at napairap ako. Ako? Magkaka-jowa ng katrabaho? Never!


Sam was 22 years old, kami naman ni jen ay mas matanda sa kanya. I'm 29 But still look young. Si Jen ay older sakin ng 2 years, minsan ay dito na sila natutulog pero madalas ay umuuwi sila.


"Sino ba yung makaka-loveteam ko?"I asked.


"Mama mo,"Ang ayos kausap ng manager ko hindi ba? Napaka mature.


"What do you feel na Ikaw ang nagwagi sa Mr. Charm?" Naagaw ng atensyon ko ang TV ng magsalita ang host ng isang show na kung tawagin ay "Mr.charm".



Pageant yata iyon, project din ng network namin.


"I'm so glad, especially right now na palagi akong Top sa trending list." Sagot ng nanalo na si Ned Martinez.


"Panira," Bulong ko at pinatay ang TV. Mukhang isa s'ya sa sikat ngayon, ah. Pero isa lang ang alam ko, hinding hindi n'ya ako masasapawan, wala pa s'ya sa kalingkingan ko!



"Mukhang may makakapantay kana Ma'am sa Industry ah! Sikat na sikat na si Ned my loves, oh!" Sambit ni Sam.




"Lol, ano ba ang nagpasikat sa kanya? Ang show na Mr. Charm, hindi ba? Kapag nawala na ang Mr. Charm na iyan,malalaos na rin s'ya." Alam ko na ang pasikot sikot sa industriyang sampung taon ko ng tinatahak, kaya kampante ako sa sagot ko.


"Ayy, hindi mo sure," Singit ni Jen na may makahulugang tingin.



Umirap ako at pumasok na sa kwarto ko para mag skin care at matulog, gabi na rin kasi at fasting ako ngayon sa pagkain.


"Set your alarm! 6 a.m!" Pahabol na sigaw ni Jen.


Para saan? Hindi ko alam ang naka-schedule bukas. Punyeta, desisyon din s'ya eh, noh?


"Gising na! Gising na! Ang sabi ko 6 a.m, dapat gising kana! Mag a-ala-syete na Alexa! Jusko naman." Sigaw ni Jen sa kwarto ko.


Punyawa.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now