18

364 12 0
                                    

"What?" Si Ned ang sumagot, "Gago ka ba?"


"Why are you affecting man, sino ka ba?" Maangas na tanong ni Azazel kay Ned.


"Sino ka din?" Tanong ni Ned at inalis ang facemask at shades, lahat kami ay nagulat sa ginawa niya.


Nagulat ako ng biglang itulak ni Ned si Azi sa dingding, dahilan ng pagkasandal nito sabay kinuwelyuhan.


"Oh? Nice to meet you, man."Nagugulat na sambit ni Azi kahit nahihirapan na sa pwesto n'ya.


"Nice? No. I'm unlucky to meet you, demon." Gigil na gigil na sambit ni Ned.


"Okay. So, hindi ko naman siguro kailangan ng permission mo kung liligawan ko si Alexa, hindi ba?" Sarkastikong tanong ni Azi at ng dahil doon ay nakatikim s'ya ng suntok kay Ned. Dahilan para magkadugo sa labi si Azi.


"Nagpapatawa ka ba? Kahit kailan, hinding hindi ka magugustuhan ni Alexa," Sambit ni Ned at nagulat ako ng biglang makawala si Azi at suntukin si Ned, gumanti naman si Ned at sinipa si Azi sa lower part, dahilan ng pagka tumba nito.


Sinakyan ni Ned si Azi at doon na binigyan ng napakalakas na suntok.



"Hey, stop!" Sigaw ko pero hindi makalapit sa kanila dahil baka madali ako. "Stop It!"


Grabe, ang laking tulong ng "Stop" mo Alexa. Ni hindi ka man lang tinignan!


"Huwag kang asyumero, talampakan lang kita." Sambit ni Ned pero hindi parin tinitigilan si Azi.


"Ang gwapo naman ng talampakan mo," Maangas ngunit nahihirapan na sambit ni Azi.


"Anyway, s-sorry, laos kana. Panigurado akong kami na ni Alexa ang hahanapin ng mga tao n-ngayon."Sambit ni Azi


"Sam, tumawag ka ng bouncer please!" Ang gulat na gulat na si Sam ay natauhan at tumakbo palabas para tumawag ng bouncer.


Pilit ko silang inaawat pero mga ayaw magpaawat. Mga punyeta.


After a while, dumating na ang mga bouncer. Ngunit nagulat ako ng ang daming mga staff na kasunod, may mga hawak na camera.


Kaagad napatigil si Ned at Azi sa ginagawa kaya agad akong lumapit kay Ned at hinawakan ang kamay n'ya. Kasunod noon ay humarang ako sa harapan ni Ned, pero huli na para takpan ko ang mukha n'ya, nakakasilaw ang mga flash.


Nagbulungan ang mga tao ng makita si Ned. Napaka tsismoso at tsismosa talaga ng showbiz world, alam siguro nila na may nangyayari kaya sumunod sila sa bouncer.


Galit na galit na pumasok si Direk A. S'ya ang direktor sa ginagawa naming commercial.


"Go to my office, lahat ng manager n'yo, humanda!" Galit na galit na sigaw ni Direct A. Si Jen na naman ang mapapahamak nito.


Nagbiyahe kami hanggang studio, parehas lang kaming tahimik ni Ned sa nangyari at hindi alam kung ano ang mangyayari sa amin mamaya.


Noong makarating sa office ni Director A, ay tahimik lang namin na hinintay ang mga managers.


"Anong nangyari?" Tanong ni Jen sabay silang dumating at pumasok ni Ms. Florida sa office ni Direk. Si Ms.Rein naman ay kanina pa dumating, ang manager ni Azi.


"First time na may nangyaring ganito sa mga handle ko, idisiplina n'yo ang mga alaga n'yo! Bakit sa mismong taping ko pa kayo nagkaganyan?!"Sigaw ni director A. Nakatungo lang ako at walang tinitignan sa kahit sino.


"Ang mga alaga n'yo, nag skandalo lang naman sa mismong shooting ng isang sikat na brand ng commercial, madadawit ang pangalan ng brand na 'yon!" Sambit ni Director A.


"I'm so sorry for that Director A, Pasensya na talaga."Si Ms.Florida ang umimik.


"Pasensya na lang? Nakakahiya sa pinropromote! A good leader must have good communication skills," Makahulugang sambit ni Director A sa mga manager at matapos noon ay humarap sa amin, "And A good member is a good follower."


"Sana masolusyunan n'yo 'to kaagad." Sambit ni Director A, "Managers, follow me." Dagdag nito at lumabas ng office, sumunod naman ang mga manager.


Tsk, feeling teacher amp.


Naiwan kaming tatlo nila Ned at Azi sa Office. Nag memeeting siguro ang mga manager para sa solution.


"Iniwan mo na ang hayop na 'yan, hindi ba?"Napawi ang katahimikan ng biglang umimik si Azi.


"Kailan?" Diretsong tanong ko at nagulat naman s'ya sa iniasta ko.


Magkatabi kami ngayon ni Ned habang nasa harapan namin si Azi.


"What? Sinabi mo sa news na walang Nedlex! Kaya binigyan ka ng bagong love team at ako 'yon!" Inis na sambit ni Azi.


"Loveteam ka lang," Sambit ko, "Kuko ka lang ni Ned sa paa."



"Huh? What do you mean?!" Inis na sigaw ni Azi.


"Remember this Alex, sa akin ka ipinagkatiwala ng management! What your reason to give your life again to him?! Sinaktan ka na n'ya, iniwan ka nga sa ere, hindi ba." Hindi ko alam kung saan galing ang mga sinasabi ni Azi ngayon.


"Wala kang alam, Oo. Wala ng balita sa amin simula noong nagka issue, but he was there when I got depress. He was there when the world was against to me and he was there when I need someone beside me." Gigil na sambit ko at hinawakan ang kamay ni Ned.


Napatingin naman si Azi sa magkahawak naming kamay na naguguluhan at naluluha.


"G-galing ba sa kanya ang bulok na singsing na 'yan?"Gigil na tanong ni Azi.


"It's sentimental, don't judge it. Kaysa naman sa singsing mo, maganda nga at grande, pero rejected naman."Si Ned ang sumagot.


"Hindi ikaw ang kausap ko."Inis na sambit ni Azi, pilit na lumalaban.


"Alexa, will you give him a second chance?Again." Tanong ni Azi sa akin. "Bakit? Ilang beses ka ng nasaktan ng dahil sa kanya!"



"In the way you've speak, mas ipinapakita mo lang ang true colors mo. Mas ibinaba mo lang ang sarili mo," Inis na sambit ko.

  

"Bakit ba kamping kampi ka d'yan sa lalake na 'yan?! Sino ba ang gagong 'yan?!" Inis na sambit n'ya.


"Because he's a good person! Not like you, harap harapan mong sinisiraan ang kapwa mo para lang lumamang. Pero, sorry, nang dahil sa ipinakita mo, mas ibinaba mo lang ang sarili mo." Diretsahang sambit ko.


"May relasyon ba kayo?" Nahihirapang tanong ni Azi.


"Yes, kaya pwede bang lumayo ka sa girlfriend ko?" Nangilabot ang buong katawan ko ng biglang sumagot si Ned.


"Wag kang feeling, I'm not talking to you," Sagot ni Azi.


"Eh ano naman kung kami na?"tanong ko at bakas ang pagkagulat nya sa isinagot ko.


"Paano tayo?" Naka drugs ba s'ya?, ano ang mga pinagsasasabi n'ya?!


"Anong tayo? You're such a stranger to me," Sagot ko. "To the fact na kahit totoong pangalan mo nga ay hindi ko alam."


Sasagot na s'ya ako ngunit biglang pumasok si Sam na balisa at hindi alam ang gagawin. Nakatungo pa ito ng lumapit sa amin.


"Why?" Bulong na tanong ko, hindi handa sa kung ano man ang sasabihin niya, dahil base sa ekspresyon niya ay hindi maganda iyon.


"Ma'am, S-Sir. Kumalat na po ang balita." Nag-aalalang sambit n'ya.

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now