16

390 12 0
                                    

"You need a new loveteam sa umpisa ng carrer mo," Sambit ni Jen. It's another day at umpisa na ulit ng career ko, after the struggle.


Mabuti at tinapos na din nila ang contract namin ni Ned, baka daw kasi lalong magka problema kung itutuloy dahil mainit init pa ang mga pangalan namin, we need to move on.


Nag be-breakfast kami ngayon ni Jen, with Sam and Ned. Kaya napatingin ako kay Ned at mukhang wala naman siyang pakialam. Katabi ko s'ya at seryoso lang siyang nakatingin sa hotdog.


"Required ba 'yon?" Tanong ko kay Jen.


"Sasabihin ko ba kung hindi?" Sarkastikong sagot ni Jen at napairap nalang ako.


"Matagal pa naman hindi ba?" Tumikhim ako ng sabihin iyon dahil hindi pa 'ko handa.
"Dadaan pa naman siguro sa screening?"


"Ahh hehe, ano ka ba! Oo naman, matagal pa. Mga 2 hours from now!" Hindi ko alam kung manggigil o matataranta ba ako sa isinagot niya, "Tsaka, screening? Sus! Kahit sino naman ang itambal sa iyo ay may chemistry."


Bakit agad-agad, nagmamadali ba s'ya?!


So, after we eat ay naligo na ako at nagbihis ng isang bodycon dress. Nagulat ako ng paglabas ko ng banyo ay nakahiga na si Ned sa kama ko.


"Loveteam, huh?" Two words and my heartbeat became fast. Napatigil din ako sa pagkukuskos ng buhok ko noong sabihin niya iyon.


"Why? What's wrong?" I asked.


"Gwapo ba iyon?" He asked out of nowhere.


"Nagseselos ka ba?" Nakangisng tanong ko at umupo sa may vanity para magsuklay ng buhok.


"Nope. Bakit naman ako magseselos eh alam ko naman na sa akin ka pa din uuwi. I'm your home beybe," Pang-aasar n'ya kaya inirapan ko s'ya sa salamin. This man is overconfident when it comes to me! Nakakainis.


"Matagal ka pa ba d'yan, Alexa?!" Sigaw na tanong ni Jen na nasa ibaba. Kailangan ko ng bilisan dahil alam ko na hindi n'ya ako titigilan.


Napairap ako at nagsimula ng mag make up ng kaunti, halos muntik ko pang masapak si Ned dahil nanggugulo s'ya na may kasamang lambing habang nag me-make up ako. Matapos noon ay bumaba na din kaagad ako, at syempre kasunod ko na naman si Ned.


"Can you please wore a jacket?" Tanong ni Ned noong makarating kami sa parking at pasakay na ako ng sasakyan.


"Why?" Tanong ko at tinignan ang denim jacket na dala n'ya, hindi bagay sa suot ko!


"Your dress is so reaveling," Pagsesermon n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin nalang ang denim jacket na iyon at sumakay na.


Paalis na sana kami ni Jen, ngunit kumatok pa ulit si Ned sa bintana. Hays, ano ba ang problema nito? Ang dami n'yang patalastas! Kulang nalang ay hindi kami paalisin.


Kaya inis kong ibinana ang bintana,"Why?"


"Where's my goodbye kiss?" He asked casually. Huh? Pinagtitripan ba n'ya ako?!


Ang awkward ng mga pinapagawa n'ya, una ay pinagsuot n'ya ako ng denim jacket na hindi bagay sa akin, tapos ngayon nanghihingi s'ya ng kiss?!


Siguro ay hindi lang ako sanay na ganyan s'ya.


"Halikan mo na, Alexa. Mahuhuli na tayo,"Lalong nagkaroon ng awkwardness noong sinabi ni Jen iyon.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now