15

386 13 0
                                    

"Oh my god!" Punyeta, heto na naman tayo sa sigaw ni Jen.

Kay-aga aga ay sigaw ng sigaw sa ibaba. Nakahiga ako ngayon at nagising lang ako dahil sa sigaw ng Manager ko.

Alam ko na ang sunod na mangyayari, pumasok s'ya sa kwarto ko.

"Oh my god, Alexa!" Umupo pa s'ya sa kama ko na gulat na gulat at hindi ko alam kung bakit. Siguro talagang OA lang talaga siya.

"Bakit ba?"Tanong ko at umupo habang kinukusot pa ang mga mata.

"Oh my god!" Sigaw niya.

"Ano ba kasi 'yun?" Humikab pa ako ng itanong iyon sa kanya.

"Oh my god!" Ulit na sigaw niya kaya binatukan ko na s'ya.

"Ano ba?!"Inis na tanong ko.

"Engage kana!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapipikon sa sinabi niya.

Saan niya naman iyon nalaman?

"Huh?" Tanong ko at inagaw ang cellphone na hawak nya na naglalaman ng Article.

"Alexa Dela Cuesta is now engaged! She update her IG stories a night after her interview. She's holding a buoquet and we will notice that her finger has a ring."


"Totoo ba 'yan?" Napalingon ako kay Jen na excited sa sagot ko at napatingin naman ako sa suot kong singsing.


"So, kailan mo 'ko papakasalan?" Tanong ko at tinignan niya naman ako ng walang emosyon kaya napasimangot ako.


Pagkakuha nya ng frozen meat sa Ref ay isinara niya na ito at pumunta sa sink para alisan ito ng yelo.


"Seryoso ka d'yan?" Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa isinagot niya.


"Mukha ba 'kong nagbibiro?" Umiirap na tanong ko.


"Araw araw naman mukha kang joker," Tumawa pa s'ya ng malamlam kaya lalo akong napairap.


"Bahala ka nga d'yan!" Inis na sambit ko at pumunta sa sala para manood ng TV. Talaga huh! Joker? Nakakatawa ba ang mukha ko?


"Let's eat," Sambit ni Ned habang nasa kusina matapos niyang magluto, naamoy ko ang amoy ng sinigang. Isa iyon sa paborito ko at alam ko na hindi iyon matitiis ng sikmura ko.


Pero..hindi ko s'ya pinansin. Nakakatawa huh?


"Hey," Tawag niya ulit at sa puntong ito ay pinuntahan na niya ako sa sala. Inis ko na kinuha ang cellphone at earphones ko sa side table at inilagay ang earphones sa tenga.


"Let's eat lunch." Para s'yang hangin nang umupo sa tabi ko at inakbayan ako.


Nanatili akong nag scroll sa feed ko, nakalagay pa din sa tenga ko ang earphones pero hindi ako nagpapatugtog para marinig ko ang sinasabi niya.


"Come on Alex." Alex?! Talagang hindi n'ya ako susuyuin?!


"Alexa," Ulit na pagtawag niya at namalayan ko na lang na tinanggal na n'ya ang earphones ko.


"Bal," Seryosong sambit n'ya. May kung anong lumambot sa puso ko ng sabihin n'ya iyon. Ayan na naman s'ya, sauladong saulado niya kung paano ako mapalingon at bumigay.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now