07

405 15 0
                                    

"Stop teasing me, Hex." Pagpigil ko kay Hex, isa sa kaibigan ko na artista at ngayon lang siya nakabisita sa akin, busy rin kasi. Nasa set kami ngayon pero dahil breaktime ay nandito ako ngayon sa tent ko.


Bumalik na kami sa shooting after a days matapos kong gumaling.


"I'm not teasing you, Alex. Totoo, maganda ka." Pambobola ni Hex kaya napairap ako and at the same time ay napatawa na din.

Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang pumasok si Ned sa tent ko, may dala pang pagkain.

"Eat," Sambit n'ya gamit ang seryosong boses. "Utos ni Direk, mukha ka daw lantang gulay kanina."


Inilapag nya sa table ko ang mamon at buko juice as meryenda, mukhang labag pa sa loob niya na dalhin iyon sa akin. Halos malaglag ang panga ko noong pinasadahan niya ng tingin si Hex mula ulo hanggang paa bago ibaling ang tingin sa akin. Walang imik siyang tumalikod sa amin.


Woah! Ano ang problema noon? Bakit ganoon siya makatingin?! Parang ang laki ng kasalanan namin sa mga mata niya at pwede namang mga staff nalang ang maghatid ng pagkain o ipakuha kay Sam!

Speaking of Sam, ayon pinatulog ko muna s'ya dahil pagod din s'ya kagabi, nag overnight kami kagabi sa shooting, may mga night scene e.

Mamayang gabi kaya pwede kaming gumala.

Kay Hex ko nalang pinakain yung meryenda kasi on diet ako. Noong natapos na ang breaktime ay bumalik na kami sa shooting namin at si Hex ay nanonood lang sa gilid.


"Okay, rolling!" Sigaw ng director


Nag umpisa na kaming umarte at puro good shot naman iyon, hanggang matapos namin ang scene four.


"Okay good," Pumalakpak pa si Direk kaya nag water break muna kami, saktong magkatabi lang ang bag namin ni Ned kaya magkatabi l rin kami na uminom.


"May close ka pala na artista kahit ang pangit ng ugali mo." Bulong ni Ned, is he talking to me?


"What?" Naiiritang tanong ko dahil kami lang naman ang nanditong dalawa sa gilid, malabong kausapin niya ang mga bag namin.


"Kaysa naman sa'yo alone."Ganti ko, "Ang attitude mo kasi!"


"It's better to be alone, kaysa makasama ang ganyang klaseng tao." Sagot n'ya



"What do you mean?" Tanong ko na hindi alam ng sinasabi n'ya. Hex is such a nice person for me. He's kind since then.

"Unang tingin ko palang ay gusto na niyang sirain ang loveteam natin,tss. Dikit ng dikit para magka-issue, yuck. Doon ka na nga at pakisabi sa management na si Hex nalang ang gagawin mong loveteam." Inis at tuloy tuloy na sambit ni Ned.


"Nagseselos ka ba?"pang-aasar ko at tinaasan pa sya ng kilay.


"What? No!" Nandidiring sagot n'ya. "Hindi dapat pinapag-selosan ang mga ganyang tao."


"Hey, lemon water." Pag-abot ni Hex sa akin ng lumapit ito, kasunod n'ya ay si Sam na may dalang tray ng tinapay.

"Naka-inom na s'ya." Sabat ni Ned at tama naman, pero hindi ko alam kung bakit s'ya ang sumagot, s'ya na ba si Alexa?


Tinanggap ko parin yon bilang reserba pag naubos na ang tubig ko.


"Oh, Hi. Ikaw ba 'yung bagong sikat? Sa Mr. Charm ka nanalo right?" Tanong ni Hex kay Ned, ewan ko pero parang may something sa tono ni Hex.

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now