17

354 11 0
                                    

"Are you sure, you're okay?" Tanong ko kay Ned matapos n'yang sumama sa akin sa shooting. Sinabi ko sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Azi. I don't want to lie on him. Kaya ngayon, bantay sarado s'ya.


Nakaupo lang s'ya sa tabi ni Sam kung nasaan ang mga assistant at handa ng manood ng shooting. Naka facemask at shades s'ya, kaya hindi s'ya makilala ng mga tao dito sa set. May shooting kasi kami para sa isang commercial  ng isang brand ng fastfood.


"Sam, ikaw na muna ang bahala kay Ned. Okay?" Sambit ko kay Sam at tumango naman s'ya. Pumunta na ako sa set noong mag-uumpisa na ang shooting.


"Okay, Azazel and Alexa, bite." Sambit ni direk, isang fast food kasi ang ineendorse namin, at may bagong labas silang flavor ng chicken ngayon, at iyon ang pinapamodel sa amin.


Umarte kami na kumakain ng chicken sa isang table.


"Then, magkakatinginan at ngingiti sa isa't isa." Sinunod lang namin ang sinabi ng director at agad rin naman kaming natapos sa unang scene.


May scene pa kasi kami na sasayaw habang kumakain ng chicken at meron din part na malungkot ako at kunwari ay bibigyan ako ni Azi ng chicken. At ang huling part naman ay magsasalita lang kami ng "Order na!"


Noong bigyan kami ng break para kumain at magpalit ng damit ay hindi ko akalain na sinusundan na pala ako ni Azi sa dressing room ko.


"Why?" Tanong ko noong nasa pinto na kami at huminto muna bago pumasok, dahil nasa loob din si Ned. Pumasok na sila ni Sam kanina noong mag breaktime.


"Pwede bang sabay tayong kumain ng lunch?"Tanong n'ya.


"Sorry, hindi kasi ako kakain, on diet ako." Sagot ko at ngumiti ng peke.


"What? It's not healthy, It can cause an ulcer."Sambit n'ya na akala mo ay alam ang lahat.


"Paano mo nasabi? Are you a Doctor? And don't worry, nag pa check-up ako sa Doctor ko and I'm healthy." Sambit ko, pinipigilan na mainis.


"O-okay chill, puntahan mo lang ako sa dressing room ko, kung may kailangan ka." Sambit niya at ngumiti ng tipid bago umalis.


Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa dressing room ko, at nakita kong nag cecellphone lang sa tabi si Ned.


"Bal!" Tumakbo ako sa kanya at agad s'yang niyakap. Kami lang naman ang tao dito nila Sam. Si Sam ay nag-aayos ngayon ng schedule ko sa isang IPad.


"You did a great job my love," He said before give me a kiss on my cheek, "Let's eat lunch, nagdala ang staff kanina ng food service,"


"Okay!" Sambit ko at umupo sa isang table, sumunod naman s'ya dala ang mga pagkain. Si Sam ay mamaya na daw.


"Gwapo nga talaga si Azazel," Sambit n'ya habang kumakain kami, "But, I'm better than him. Right mahal?"


"Oo naman." Hayss, ang hangin.


Noong mag umpisa na ulit, ay nasa bench na naman sila Ned at nanonood, naka cover pa rin ang mukha n'ya.


Ito na 'yung scene na sasayaw kami, at naka-ilang take kami kasi hindi daw kami minsan nakakasabay-sabay. Tsk, sino ba naman ang magkakasabay sa dalawang beses lang ang rehearsal? Kami nga, sa tuwing lumalaban ng sayaw dati sa school, isang linggo naming pinapraktis, wala pa din. Partida, galit pa ang president noon.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now