08

395 15 0
                                    

Nagising ako sa sigaw ng bwiset na manager ko.

"Punyeta!" Sigaw ni Jen sa 'baba


Kaya agad rin ako napababa pagka-skin care at hilamos. Umagang umaga ay sigaw ng sigaw!


"Bakit ba?" Tanong ko at pumunta pa ako sa salas para lang malaman kung anong nangyayari sa babaeng 'to.


"Bakit ba ang malas natin?!" Inis na sambit n'ya habang hawak ang cellphone, halata mo ang gigil sa mukha niya.



"Ikaw lang." Sambit ko at umupo sa tabi n'ya.

"Kakatapos ko lang ng issue n'yo, tapos may bago na naman akong aayusin!" Pagra-rant niya, buhay manager nga naman. Paano na lang kung magkasabay-sabay na ma-stress ang alaga niya, edi lalo na siyang na-highblood.

"Bakit?" I asked, parang pasan n'ya ang problema ng mundo!



"May bago kayong kalaban na loveteam." Nakasimangot na sambit n'ya at parang maiiyak na.


Inis nyang iniabot sa akin ang cellphone n'ya at nagulat ako sa nabasa ko. Isang post ng official page ng Network namin.


"HEXIE the new rising loveteam. Let's congratulate Mr. Hex Ramirez and Ms.Angie Manabat!"


Pinakita rin sa akin ni Jen ang Trending list at Top 1 ang Hexie habang pangalwa lang ang Nedlex. Not bad, pero naiinis ako! Yawa. Napakadami ng loveteam sa Network namin, bakit nagdagdag pa?!


Si Hex at ang model na si Angie ang bagong sikat ngayon. Speaking of Hex, medyo nag sink in din naman sa kanya 'yung sinabi ko na Ex ko si Ned.


Tsk,kaya ba panay s'ya interview para may idea s'ya sa pakikipag loveteam? Tsk.


"Oh,eh anong gagawin natin?" Tanong ko, nasa tao naman iyon kung sino ang susuportahan nila.


"Tumae, siguro?" walang kwentang sagot n'ya kaya inirapan ko s'ya. Really, in the middle of our situation?

"Arghhhh! Kailangan mo kaming ibalik sa Top 1, Manager Jen! Kapag wala pa 'yan sa Top in five hours, iiyak talaga ako!" Pagrarant ko sa kanya.


"Edi umiyak ka, wala namang may pake."Umiirap na sagot n'ya.



"Breakfast is ready!" Sigaw ni Sam mula sa kusina kaya pumunta na kami ni Jen sa dining area.


Kumain muna kami and after that umalis si Jen, pupunta daw s'ya ng studio kaya si Sam lang ang kasama ko noong makaalis siya.


"Naku Ma'am! Walang tigil ang Hexie. Halos sila na ang laman ng social media," Sambit ni Sam habang nakatambay kami sa salas at nag hawak ang cellphone.


"Sus, kalyo ko lang ang mga yan, Sam. Magaling ang footspa ko, pag finoot-spa ko na 'yan,mawawala na din 'yan."Makahulugang sambit ko at natawa naman s'ya.

After a while, nag ring na ang cellphone ko. Tumatawag si Ned.

"Oh?" Sagot ko sa tawag, tamad na tamad siyang kausapin.


"See? I told you already, traydor ang Hex na 'yan. I hope wala kang nilabas sa kanya about sa atin." Sambit n'ya at pinatay ang tawag.


Tsk, iyon lang ang sasabihin n'ya? Edi sana nag dm nalang s'ya, tutal hindi naman niya ako pinagsalita. Tsaka anong ilalabas ko? Mukha ba kaming mysterious artist?!

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now