09

393 16 0
                                    

"Gising na!" Sigaw ni Jen na kakapasok lang sa kwarto ko kahit ang aga aga pa naman.


Binato ko s'ya ng unan para manahimik. Wala naman kaming naka schedule na lakad ngayon.


"Eh, bakit ba?!" Tanong ko. "Napakaaga pa Jen!"


"Anong maaga sa alas nuwebe?! Si Ned nasa ibaba!" Sagot n'ya


Huh? Hindi ko alam pero naabutan ko na lang ang sarili ko na naghihilamos at inaayos ang sarili bago bumaba.

"What are you doing here?" Supladang tanong ko sa kanya.


"Get up. We will going on a date, utos sa akin ni Ms.Florida," Sambit n'ya, what?!



"Go, Sis!" Pag cheer sa akin ni Jen kaya inirapan ko s'ya.



"Bakit?" tanong ko.



"Siyempre, para tayo na naman ang pag usapan." Medyo naiinis s'ya ng sabihin yon dahil utos lang iyon sa kanya.


Wala naman akong choice dahil halos kaladkarin na ako ni Jen sa banyo. Isang puting dress ang ipinasuot niya sa akin, para daw mag complement sa suot ni Ned na White T-shirt at maong.



"Oh, saan tayo?" Pagkasakay ko ng kotse n'ya.


Hindi naman s'ya umimik kaya nagmukha akong tanga na parang kumakausap ng hangin.



Wala akong magawa sa loob ng kotse kaya pati bintana ay pinaglalaruan ko na,tinataas baba ko ito,napahinto lang ako ng tumikhim siya at sinamaan ako ng tingin.



Sungit,daig pang may regla.



Nagulat ako ng mag park kami sa isang mall, hindi mall ng mga artista! Kung hindi sa public mall. Matao dito at delikado para sa amin.



"Hoy, tarantado ka ba? Wala tayong kasamang bouncer." Gulat na tanong ko, nag-iisip ba siya?



"If they saw us, palagi tayong top sa trending of how we handle our relationship. Ang akala ng mga tao ay busy tayo. But, instead of that ay iisipin nila na may oras pa pala tayo para sa date."Sambit n'ya.



Tss. Ang dami namang alam!



Bumaba na ako ng kotse at naagaw namin kaagad ang atensyon ng mga tao. Pagkapasok namin ng mall ay narinig ko ang mga bulungan nila na kinikilig kaya hinapit ni Ned ang bewang ko.



"Love, where do you want to eat?" Nilaksan pa n'ya ang boses n'ya at ako ang nahihiya para sa aming dalawa.


Sasagot na sana ako ngunit may lumapit sa amin para magpa-picture


Huminto muna kami, ang dami ding gustong magpa-video greet, lalo na sa akin.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now