22

360 11 0
                                    

"Happy birthday bal,"Sambit ni Ned at Hinalikan ako sa noo. Nasa kotse kami ngayon, kakapark lang sa parking lot ng isang resort.





"Required ba talagang mag resort Kapag birthday?"Tanong ko at Tinanggal ang seatbelt




Si Ned ang Gumastos sa Resort,tss. Mamaya pang gabi ang event at Bibisita Lang kami ngayon kung ok na ang set up. Kakahapon Lang sinabi sakin ni Ned na Nag rent sya ng Venue.




Matapos non ay Bumaba na si Ned para pag buksan ako ng pinto



"Wow,"Napanganga ako sa Ganda ng makarating kami sa loob ng resort.




"Ang Ganda ng view,"Sambit ko, dahil Tanaw sa loob ng resort ang Isang mountain. Grande din ang set up.



"Ang Ganda nga."Napatingin ako kay Ned at Nagulat ako ng sakin sya nakatingin, ang awkward nya kausap.



Iniwan ko nalang sya at Kinausap ang ibang staff



"Sagot nyo din ba ang pagkain?"Nagulat pa ang Ibang staff ng lumapit ako sa kanila.




"A-ahh,Opo ma'am!"Sagot ng isang babae na nasa Edad 20, Kabado pa.



"K-kasali na po yun sa binayaran ni Mr. Martinez,"Sambit nya at tumango naman ako at Lumibot.



Kulay gold at white ang set up ng Resort para sa Event. Sa loob ng isang mansion gaganapin ang event.Pero kahit labas ay may Set Up.



Grande ang loob ng mansion, Sa gitna ng mansion ay may inihanda na Dance floor at sa magkabilaang gilid ng Dance floor ay may Grandeng hagdan kung saan kami Baba ni Ned mamaya kapag Inintroduce na kami ng Host.



May second floor pa ito, at doon pwede uminom.habang dito naman sa 1st floor Ang mga gusto Lang makinig sa event



"Do you like it?"Nagulat ako ng biglang sumulpot si Ned Sa Likod ko kaya Napaharap ako sa kanya



"Of course!"Sagot ko "Ang Ganda! Marunong ka rin pala sa mga ganitong bagay? Di ako na inform. Ganto ka na pala kayaman, Architect—"Napatigil ako sa Pagsasalita ng makitang nakatitig Lang sya sakin



Kaya Sinapo ko ang Mukha nya



"Tss,Patay na patay ka na naman sakin. Wag mo kong titigan ng ganyan, Parang Hindi ka si Ned."Sambit ko at Umirap.




Sa resort na rin kami nagtanghalian.




"Anong gusto mo?"Tanong nya habang nagtitingin sa menu.


"Ikaw,"Banat ko



"Luma na yan."Pambabara nya kaya napairap nalang ako


"Roasted chicken,"Sagot ko kaya nag order sya ng dalwang roasted chicken.


"Alam mo bang nakakataas ng cholesterol yun?"Tanong n'ya,Ang daming alam.


"Oh eh bakit ka umorder?"Tanong ko


"Kasi gusto mo,"Sagot n'ya



Beyond the CameraWhere stories live. Discover now