12

407 14 0
                                    

Past.


"Hoy,pagaya!" Sigaw ko sa kaklase kong si Ned, kaibigan ko rin.


"Puro ka gaya, oh!" Pag-abot n'ya sa akin ng notebook n'ya kung saan nakasulat ang assignment. Ang dami pang sinasabi, magpapagaya rin naman pala.


"What if ligawan kita?" Tanong ni Ned habang nasa canteen kami noong break time namin. Sinabi niya iyon out of no where.


"Haha nakakatawa, joke ba 'yon?"Sarkastikong tanong ko.



Month had been passed at hindi ko naman alam na seseryosohin n'ya iyon! Halos pansin din iyon ng mga taong nakapalibot sa amin, halatang halata na binabakuran niya ako.


"Hi," Sambit n'ya at may dalang bouquet of flowers sa room. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin, lalo na ang mga tropa niya.


Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Alam kong sa simpleng bagay na iyon ay made-develop ako.


Noong mag uwian ay niyaya ko s'yang lumabas.


"Anong date ngayon?"Tanong ko habang kumakain kami sa restaurant, malapit sa school. Tambayan talaga ito ng mga estudyante.


"January 27," Sagot n'ya.



Hindi ko alam kung corny pero gusto ko lang naman I-try yung trend ngayon, kung paano nila sagutin 'yung mga manliligaw nila.



"Edi, february 27 ang 1st monthsary natin?" tanong ko at uminom ng shake.



"Ha? Paki-ulit." Hindi ko alam kung bingi ba s'ya o ano.


"I love you," Tanging naisagot ko at nagulat naman s'ya, pero agad yung napawi at agad akong niyakap.


Noong mag-college kami ay sinundan n'ya ako sa University. BS architecture kami parehas.



Nakakatawa pero ako ang nag decide ng University, habang s'ya ang nag decide ng course namin. Akala namin ay biro lang ang Architecture pero hindi pala nakakatuwa.


"Putcha, love! 'Yung miniature ko ginuho ni Callie!" Paiyak na s'ya ng tumawag sakin. Natawa naman ako, hindi na siya nasanay, malikot talaga si Callie, kapatid n'ya.



Alam ko namang mangyayari iyon kaya ginawa ko narin s'ya ng miniature n'ya, simple lang iyon dahil gahol din ako sa oras.



"Pumunta ka dito sa bahay," Sambit ko at pinutol na ang tawag.



Pagkadating n'ya ay bakas ang tuwa n'ya ng makitang iginawa ko rin s'ya ng miniature na para sa kanya.



"Thankyou love!" Sambit n'ya at niyakap ako.



Hatid sundo ako palagi ni Ned at minsan ay nag o-over night s'ya dito para sa plates namin.



Every milestone that we achieve, we celebrate it together.



Nasa Dean lister kami lagi ni Ned noong first  year College, pero hindi ko alam kung bakit nagkasabay-sabay ang mga problema namin noong fourth year na kami, walang k-12 kaya mahirap para sa'kin ang College.



"Kung ayaw mo na, sige iwan mo na kami!" Halos takpan ko ang tenga ng marinig ang sigaw ni Mama sa ibaba. Nag-aaway sila ni Papa. Teacher si Mama habang Artista naman si Papa.



Beyond the CameraWhere stories live. Discover now