21

364 10 0
                                    

"Sure ka bang okay ka? Gusto mo bang magpapunta ako ng doctor? Tatawagan ko na ba si Brix?" Punyeta ang kulit! Kanina pa tanong ng tanong ni si Ned kung anong masakit sa akin.


Umuwi muna si Sam. Si Jen naman ay busy sa iba pang alaga n'ya kaya di pa kami nakakapag usap.


Nandito kami ngayon ni Ned sa sala, nakaupo ako sa sofa habang mimasahe n'ya ako.



"Ikaw? Ayos ka lang ba?" I asked.



"Honestly, No." Sagot n'ya, "Bwisit na lalaking 'yon, napaka inggitero. Pinaglihi yata iyon sa sama ng loob! Ang sarap isubsob sa kumukulong mantika! Napakayabang pa ng putcha,"



Napailing nalang ako dahil kung ano anong rant na ang lumalabas sa bibig n'ya, tss. Tinanong ko lang naman s'ya kung ayos lang ba s'ya.



On the next day, nagising ako sa sinag ng araw. Mahigpit ang yakap sa akin ni Ned mula sa likod.



Aalis na sana ako sa pagkakahiga pero parang ayaw n'ya kong pakawalan. Inabot ko nalang ang cellphone ko sa side table  at nag check ng socials, specially IG. Wala masyadong toxic sa IG, kaya doon ako tumambay. This is my comfort zone.



Maya maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw ni Ned at hinalikan pa ako sa pisngi bago bumangon, tss. Gising na pala s'ya. Na din ako, gusto kong maging productive ngayon.



"Hayss. Nakakapagod!" Biglang bumukas ang pinto at dumating si Jen habang kumakain kami ni Ned ng almusal sa dining area.



Dirediretso lang siyang kumuha ng plato para makisalo sa amin, ang kapal.



"Ang sarap! Sino ang nagluto?" Puna n'ya pagkakagat ng omelet na niluto ni Ned. Pumipikit pa talaga sa sarap.


"Ako," Sagot ko at napahinto naman s'ya sa pagkain, hindi makapaniwala.


"Ang sarap, lasang usok." Pang-aasar n'ya. Napairap naman ako at Kumain nalang.


"So, kamusta? Balita ko may bago na naman kayong issue ah?" Tanong ni Jen, mukha s'yang pagod na pagod at inaantok na. May inasikaso siguro s'ya sa iba n'yang handle. It's either naghanap s'ya ng solusyon sa issue or sumama s'ya sa shooting ng iba n'yang handle. That's her life cycle against the world.



"Yeah, but this time. Hindi na 'to problema." Si Ned ang sumagot.



"Sure?" May halong duda ang tanong ni Jen sa amin.


Tumango naman ako na naiirita.



"kumain kana nga," Sambit ko at umirap. Ako na ang naghugas ng plato, si Jen ay dumireteo na sa guest room para magpahinga. Si Ned naman ay naliligo para daw fresh, chos.


"Hi mga Ma'am!" Habang nag huhugas ako ay biglang dumating si Sam, "Ay naku, naku! Ako na po ang maghuhugas Ma'am! Masyado kayong nagpapakapagod."


"Ah, no no no!" Saway ko ng dadamputin na n'ya ang mga hugasan. "I can do this! Kumain ka na muna d'yan."


"By the way, wala naman tayong shoot ngayon, dapat nagpapahinga ka." Sambit ko habang nasa gilid lang s'ya at nag aalmusal.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now