10

385 13 0
                                    

"What the hell, Alexa?!" Inis na singhal ni Ned pagkasakay namin ng kotse nya, nanginginig at kinakabahan pa din ako sa nangyari.



"I-I don't know that he can do that." Hanggang ngayon ay 'di pa din ako makapaniwala na kaya akong traydorin ni Hex, ng matagal ko ng kaibigan sa industriya.



"Of course he can! He's a person, he can do everything as long as he want!" Inis na sambit nya at inumpog ang ulo sa manibela.


"I trusted him, a-akala ko ay mapapagkatiwalaan sya,k-kasi he's my friend." humihikbing sagot ko.



"Pumili ka din kasi ng mapagkakatiwalaan mo! Not all people around you is nice and trust worthy. Hex is an example of people that you need to avoid!" gigil na gigil na sagot niya.


Hinatid nya ako pauwi pero hindi niya ako iniimikan. I felt guilty of what I've done. Alam ko na ako ang puno at dulo nito, ako ang dapat sisihin.


Nang mag gabi ay pilit akong pinapakain ni Jen ngunit nakakulong lang ako sa kwarto ko at nagmumukmok. Hindi nila alam ang mga nangyayari sa akin, sa amin ni Ned.

Bakit ba kasi ang dali kong magtiwala? Siguro ay dahil alam at danas ko ang pakiramdam na walang nagtitiwala sa akin, lalo na noong bago palang ako sa showbiz, wala silang tiwala sa kakayahan ko, kahit pamilya ko.



After a while, kinuha ko ang cellphone ko sa beside table at layag na layag na sa social media ang news na nasa hospital si Hex pero wala s'yang dinawit na mga pangalan, marami siyang pasa at sugatan pa. We're safe pero hindi ako kumportable dahil marami pang araw ang dadating.


Kinabukasan nasa shooting kami at hindi ako makapag focus dahil feeling ko hangin nalang ako kay Ned. Well, ayon naman talaga ang role nya. Zeus is so Nakakairita!



"Meryenda," Pag-abot ko kay Ned ng meryenda na tinapay at Iced coffee, pinuntahan ko pa talaga siya sa tent n'ya, hindi ko alam kung bakit ako nangsusuyo.


Nanlaki ang mata ko ng tinalikuran niya lang ako at lumabas na ng tent. Parang hindi n'ya ako nakita at narinig, ang bastos! Ang Sarap tirisin. Nakakagigil!


"Okay, rolling!" Sigaw ni Direk matapos ang break.


"Zeus," Pagtawag ko kay Ned at matagal niya akong tinitigan, akala ko kasi ay line na niya. Bwiset, what the hell is wrong with me?! Bakit nawawala ako sa sarili.


"Cut!" Lagot na naman ako sa direktor na 'to. Magiging dinosaur na naman 'to na parang gusto akong kagatin.


"Ano ba naman 'yan Alexa?! Ano bang iniisip mo? Nagsaulo ka ba kagabi?! Inaral mo ba?! Hindi ba at nag script reading tayo kanina, okay ka naman ah! Pati sa green screen okay ka din!"Galit na galit na sigaw niya at nag sugguest na mag break muna, kahit kakatapos lang namin noon.



So, unprofessional Alexa!



Umupo muna ako sa isang sulok, walang upuan kaya ipinatong ko na lang ang dalawang kamay ko sa tuhod at napa ub-ob. Gusto kong umiyak at sigawan ang sarili ko, hindi ako 'to! Hindi ito ang Alexa na kilala ng lahat, I hate take two. Ang mas worst pa ay ako ang dahilan.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now