20

377 13 0
                                    

"How are you, after the issue?" Tanong ng host kay Ned.


Nandito kami ngayon sa shooting; may interview si Ned ngayon. Ako naman ay nasa gilid lang, naka mask at shades sapagkat maingay pa din ang issue about sa amin, matapos ng nangyari sa amin ni Azi. Nasa gilid ko si Sam, at kahit siya ay nakatabon ang mukha.


"Obviously, I'm fine." Sambit ni Ned at ngumiti sa side ko.


"Okay, good to hear that." Zia's said, siya din yung nag interview sa akin last time.


"So, let's go to the point. Maraming kumakalat na issue na iniwan mo daw ang nag iisang glamorous actress that named Ms. Alexa Dela Cuesta during her break down? "Diretsahang tanong ni Zia.


Hindi ko alam, kung bakit iyon nga ang kumalat na isyu, siguro dahil wala na silang balita sa amin at ako ang unang lumabas sa screen after the issue.


Nakita ko kung paano pumait ang ngiti ni Ned.


"Beyond the camera, ang alam ko lang ay wala akong nasaktan, wala akong iniwan at kinainisan." Sagot nito playing safe, pero obvious.


"Do you have better communication with Ms. Alexa after the issue?" Tanong ni Zia.


"Of course, showbiz world lang naman ang masyadong madaming issue. Para sa amin, we're okay." Sagot niya.


"Nabanggit ni Ms. Alexa, last segment na hindi daw nawala ang pagmamahalan n'yo sa isa't isa, is it true or pa fame lang s'ya?" Tanong ni Zia.


Nakita ko kung paano dumaan ang inis sa mukha ni Ned pero nawala rin ito.


"I love people around me, walang reason para hindi ko s'ya mahalin." Sagot niya.


"So, lumabas 'yung issue na ikaw ang nasa likod ng pagkakabulbog ni Mr. Hex Manabat, Is it true? Bakit mo iyon nagawa? Well, maraming nagsasabi na parang wala ka raw pinag aralan and you are lack of manners." Sambit ni Zia.


"Hindi ko alam na masama na palang ipagtanggol ngayon ang taong inosente. I had manners, pero nawawala iyon kapag wala ring manners ang nasa harapan ko. If you respect me, I will respect you than you deserved. My actions will define of what you show." Meaningful na sambit ni Ned.


"Okay, nice! So let's move on. Are you ready for the new chapters of your life in this industry" Tanong ni Zia.


"Yes, as always." Sambit niya at lumingon pa si Ned sa gawi ko kaya napaiwas ako ng tingin upang walang makahalata na nandito ako ngayon.



"Ok, if binigyan ka ng bagong loveteam, are you ready for it?" Tanong ni Zia.


"I can stun by myself, I'm contented of what opportunity I received now. I'm not ready for now, pero magiging ready ako kung isang glamorous actress ang itatambal sa akin." Sambit niya at nagbiro pa sa huli.


Medyo kinakabahan ako sa sagot nya ha!


"Okay, speaking of loveteam. What do you feel na itinambal si Ms. Alexa sa iba?" Tanong ni Zia.


Ito rin ang gusto kong malaman, tss. Tsismosa things.


"I'm so happy for her," Simpleng saad ni Ned.


"Last day, may kumalat na issue na magkasama raw kayo ni Ms. Alexa sa dressing room at nagkasagutan kayo ni Mr. Azazel, Is it true? We don't have source dahil wala pang inilalabas na statement ang management, pero may picture na kumalat, or it is edited?" Tanong ni Zia.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now