27

418 8 0
                                    

[Ned Martinez POV]

"Congratulation our Architect!"Sigaw ni Callie, Graduation ko ngayon.


Agad akong lumapit kay mama at Callie para yakapin sila.

Nasa University parin kami dahil kakatapos Lang ng graduation ko at Naka suot parin ako ng toga, dala-dala ang Diploma ko.


"Smile!"Sigaw ni Callie at hinanda ang Camera nya, Nag group pic kaming tatlo at ngumiti sa camera.


Nang pauwi na kami ay Si Mama ang Nag drive, Di ko maiwasan na mapansin ang mga billiboard at Banner ni Alexa sa Daan, nag po-promote sya ng kung ano ano.

Kung di kaya sya nag artista ay Graduate na rin sya ng Architecture?


"Congrats anak, May architect na ako,"Sambit ni mama nang makauwi at makarating sa kusina dahil doon nya ako unang niyaya


nagulat ako ng ang daming putahe na nakahanda sa lamesa. Kinuha ni mama ang cake at Hinipan ko naman ang kandila doon

"Kunti nalang ma, Malalagyan ko na ng Architect ang Pangalan ko."Sambit ko at Niyakap sya

"Pre!"Napakalas ako sa pagkakayakap kay mama ng makitang dumating si Bryan,Miguel at James. Mga blocksmates ko.

Hindi ako close sa kanila Pero feeling nila ay close sila sakin,at tinuturing nila ako na isang kapatid.Ayaw ko na ulit magka kaibigan. Aalis din naman kahit gaano pa katagal.


"Congrats Architect!"Sambit ni James



"Gift for you!"Sambit naman ni Miguel at Inabot ang regalo


"Congrats din sa inyo,"Sagot ko at Tinanggap ang mga regalo nila

Many months had been past after the apprenticeship ay halos Hindi na ako natulog at halos magdamag na gising dahil Nag hahanda sa paparating na board exam, I really work hard for it.



"Bro, Natutulog ka pa ba?"Alas tres na ng umaga nang Maka recieve ako ng tawag mula kay Bryan.Video call,at Mukhang nag rereview rin sya dahil andaming Manila paper sa dingding nya At May hawak pa syang libro at kape




"Uso ba 'yon?"Tanong ko at Humigop ng kape, tumawa naman sya sa kabilang linya





"Ok kana ba? Di kana ba inaatake ng anxiety?"Tanong nya na seryoso





Simula nung iwan ako ni Alexa ay Nagka anxiety na ako, Pero nung Tumuntong ako ng 5th year college ay medyo nawala yun,dahil dumating si Bryan, Miguel at James. Sila ang Nagpasaya sakin, kahit gaano ako ka boring kasama.




"Hindi na,"Sagot ko.






"Goodluck bukas,"Sambit ni Bryan




"Sa'yo rin."Sagot ko


Sabay sabay kaming apat na nag Take ng board exam





"Kuya!"Sigaw ni Callie habang Nakahiga ako sa Sofa at Nakatulala Lang, iniisip kung pasado ba ako sa Board exam.



Napatingin ako sa kanya ng Lumabas sya galing kwarto nya at dala ang IPad






"Nag check kana ba ng Listahan ng Mga board passer?" Tanong nya kaya napaupo ako at Tumabi naman sya sakin


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now