13

429 12 1
                                    

Ned POV on past

"Pri, nand'yan na si Ma'am pri. Huwag kang madaldal," Pang-aasar ko kay Alexa kaya napatigil s'ya sa kinekwentong teleserye, wala naman akong naiintindihan dahil naka-pokus lang ako sa maamo niyang mukha.


"Gagi.. si Sir kaya 'yan." Sambit n'ya ng dumating ang bakla naming teacher, tapos na ang break time.


"Mas ayos sa kanya na tawagin siyang Ma'am," Pakikipagtalo ko at napairap naman s'ya.


Matapos mag discuss ni Sir ay uwian na at niyaya ko naman si Alexa kumain ng siomai sa isang stall, sa labas ng School namin.


"Libre mo ba?" Tanong n'ya kaya tinawanan ko siya ng sarkastiko.


"Tinanong mo pa?! Eh kulang na nga lang pag aralin na kita eh, isang taon na kitang nililibre,huy!" Sagot ko para magising naman siya.


"Oo nga pala, ang bait mo naman." Sarkastikong sambit n'ya habang naglalakad kami palabas ng School.


"Sana ikaw din," Pang-aasar ko kaya inirapan n'ya ako.


Month had been passed, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may gusto na ko sa kanya.


"Pre, paano kung ligawan ko si Alexa?" Tanong ko sa barkada at kaklase ko na si Brix.


Wala pang teacher dahil maaga pa, wala kaming magawa ni Brix, iilan pa lang din kaming tao sa room. Si Alexa ay mamaya pa siguro, masyado lang talaga akong maaga, ala-syete ang klase pero ala-sais pa lang, gano'n yata talaga kapag mabuting estudyante.


"Luh? Gago, grades mo nga hindi mo mapangalagaan, si Alexa pa kaya." Pambabara n'ya.


"Ulol. Nagbago na 'ko, hindi ko alam kung bakit, siguro ay gano'n talaga kapag s'ya ang nakakasama mo palagi." Sagot ko



Hanggang sa dumating na si Alexa, she's glowing while walking, naka-braid ang buhok, suot ang maliit na korean backpack at nakangiti sa direksyon ko.


Nasampal ko ang sarili ko ng mapansing nakatitig na pala ako sa kanya, hindi ko pa iyon mapapansin kung hindi lang siya umupo sa tabi ko.



"What if ligawan kita?"Tanong ko noong mag breaktime. As usual ay nasa canteen kami at sabay na kumakain.


"Haha, nakakatawa," Sambit n'ya at inirapan ako.


Aguy!


Nagulat s'ya ng totohanin ko ang sinabi ko, kahit ako. Hindi ko alam na liligawan ko s'ya.


"Para sa'yo, sana ay sagutin mo na ang poging katulad ko." Sambit ko sabay abot ng paborito n'yang roasted chicken, lunch ngayon at ako ang pinag order n'ya dahil masakit ang paa nya sa P.E Class.


"Huy! Gagi baka may makarinig," Sambit n'ya pero halata sa kanya ang pamumula, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hiya o sa kilig.


Eh ano naman? gusto n'ya ipagsigawan ko pa e.

Weeks and days had been passed. Nagulat ako ng s'ya ang mag aya na kumain, wow! Bago 'yon ah.

"Anong date ngayon?" Tanong n'ya habang umiinom ng shake, tss. Estudyante ba talaga s'ya? Bakit hindi n'ya alam.


"January 27," Sagot ko at kumain na ng Empanada.


"Edi, february 27 ang 1st monthsarry natin?"Tanong n'ya.

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now