47

3.9K 46 0
                                    

I woke up early so I can wait for Jacob since he said that he'll be back early in the morning. Hindi naman niya ako binigo dahil 6am ay nasa bahay na siya. 9am ang usual na gising ng mga bata kaya medyo maaga siya dito.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at tumango. "As usual. Sleeping is what I do in my whole half day." napangiti ako sa sinabi niya dahil kahit papaano ay mga sinasabi siya sa akin na hindi ko alam.

"Gusto mo na bang kumain?" tanong ko. Umiling siya.

"Sasabay ako sa mga bata. I promised them." tumango na lang ako.

Medyo maaga pa at medyo inaantok pa rin ako kaya sumandal na lang muna ako sa sofa.

"Inaantok ka?" tanong niya.

Tumango ako. "Medyo."

"Go back to sleep. I can wait here. Sana hindi ka na gumising ng maaga."

"Dadating ka dito. It will be very rude of me kung hindi ako gigising ng maaga."

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "It's not rude. Bumalik ka na sa pagtulog at medyo maaga pa."

"Ayoko. Dito lang ako. Samahan kita." sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at tumango lang siya kaya ngumiti ako.

"How was your sleep?" he asked.

"Wala naman, okay lang. Nakatulog rin ako kagabi." lie. I cried until 3am. It became my routine.

Naging tahimik ulit ang paligid. Ang dami 'kong gustong itanong sa kanya pero baka mas makakabuti na iiwasan ko ang pagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng apat na buwan. It was a painful experience for him, at alam ko na hindi niya na rin gustong pag usapan 'yon.

"Yakapin mo ako. Isang beses lang." hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Kahit yun lang muna ang hilingin ko. Kailangan ko na rin kasi at bumibigat na yung loob ko.

Tumango siya at ngumiti.

Umiyak na ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Humagulgol ako sa iyak nang hagkan niya ako ng mahigpit. Hinagkan niya ang ulo ko at hinawak hawakan yan upang pagaanin ang loob ko.

"Lagi ka na lang umiiyak dahil sa akin." mahinang sabi niya. Malakas ang mga iyak ko dahil ang bigat bigat na ng nararamdaman ko at na siya lang pala ang may kaya na magpagaan non.

"Ito na ang huli na iiyak ka sa 'kin, Niya. Ayoko na ulit makita na iiyak ka. Nasasaktan ako." gusto ko siyang patigilin sa pagsasalita dahil mas lalo lang akong naiiyak.

"Tahan na." pinikit ko ang mata ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko.

...

Jacob sense that Niya is sleeping. Nakatulog ito sa kanya.

Sobrang nagi-guilty siya. All he thought when he was in hospital is opposite on what he is seeing right now. Lahat ay kabaliktaran. Ang dami niyang what if noon pero ni isa doon ay walang tumama.

Ilang beses niya nang nakita si Niya umiyak, kahapon at ngayon. Dahil sa kanya kaya siya umiiyak at nasasaktan siya dahill doon. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na nag aalala ito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pag aalala ni Niya sa kanya.

Dahan-dahan niyang inihiga si Niya sa couch at nilagyan ng unan ang ulunan niya. Nang makasigurado siya na komportable na ang posisyon nito ay pumunta siya sa kusina at siya na lang muna ang magluluto. Though ilang buwan na siyang hindi nakakapunta si kusina para magluto, natatandaan niya pa naman kung paano magluto ng simpleng lulutuin.

Chasing the Dreams of Love (Stand Alone #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon